Chapter Nine

2.2K 79 7
                                    


HATINGGABI na subalit gising pa rin si Luis. Madilim ang silid niya maliban sa liwanag na nanggagaling sa laptop niya. He was tired. Subalit hindi siya dalawin ng antok. Inabot na sila ni Macario ng alas-onse sa haba ng pag-uusap nila. Kahit ang matandang lalaki ay kinakikitaan niya ng takot.

Pagkapasok niya sa silid niya—na dating inookupa ng ina—ay sinimulan niyang hanapin sa computer ang biological parents. Curiosity lamang ang dahilan kung bakit interesado siyang hanapin ang mga ito.

Kung pagmamahal at pag-aaruga ang pag-uusapan ay wala siyang masasabi sa nakilalang mga magulang. They had loved him to distraction. Spoiled him, in fact. Ang buhay niya ngayon ay pinili niya. Marahil dahil iyon ang nakamulatan niya kay Thomas Morrison.

He idolized his father. Even as a boy, he had dreamed of following his father's footsteps. Ang misteryosong trabaho ni Thomas Morrison; ang cloak and dagger activities nito. Hindi tulad ng ibang bata, he hadn't resented their way of living.

Para sa kanya ay exciting iyong kailangan na naman nilang lumipat sa ibang lugar dahil baka matunton sila ng mga nakakalaban ng ama.

Kaya naman kahit ang rigid training nito sa kanya noong kabataan niya ay tinanggap niya nang maluwag sa dibdib. Other young boy wouldn't have survived it. But he had wanted to please his father.

"My job is dangerous, Luis. Maaari kayong gamiting mag-ina ng aking mga kaaway laban sa akin. I love you, son. Kayo ng mama mo. Ayokong may mangyari sa inyo dahil lang satrabaho ko. But this is my life. Wala akong alam na buhay maliban dito. Sa kabila ng alam kong labis na nag-aalala si Haydee sa akin, ay hindi niya ako minsan man inawat sa trabaho ko. Nang mahalin niya ako ay tinanggap niya pati ang panganib na kaakibat ng aking trabaho..."

He swallowed at the thought of Thomas Morrison. Gayunman, kailangan niyang makita at makilala ang biological parents niya, gayundin ang mga kapatid.

Halos isang oras na siya roon sa harap ng laptop. Bago namatay ang mama niya ay sinabi nitong Falco ang apelyido ng tunay niyang ama na dalawang buwan ding nagtrabaho sa mga Morrison bilang boy/hardinero.

Ang pangalan ng kanyang biological father ay Eliseo at Cornelia naman ang pangalan ng kanyang ina. Eliseo at Cornelia Falco. Subalit walang record siyang makita sa dalawa.

May iilang Falco siyang nakita subalit hindi ang mga iyon tumugma sa pangalan ng mga biological parents niya. Kahit nang alamin niya sa data base ang mga magulang ng mga ito. Gayunman, kakausapin niya ang mga pangalang nailista niya. Marahil ang isa sa mga ito ay nakakakilala sa mga magulang niya. Posibleng mga kamag-anak kaya.

He scrolled down the small mouse that he attached to the laptop. Leandro Jace Monte Falco. Luis frowned at the name. Ang akmaniyang pag-click sa pangalan nito ay nabitin sa ere nang makarinig siya ng munting kaluskos sa labas ng silid niya. Sa may veranda.

He strained his ear. Walang ingay siyang humakbang at hinawi ang kurtina. May bahagyang-bahagyang liwanag siyang nakikita sa guest room na kasunod ng silid ni Danica. Ibinaba niya ang kurtina. Nararamdaman niya ang pananayo ng mumunting balahibo niya sa batok.

Kahit minsan ay hindi niya binabale-wala ang ganoong damdamin. It had saved his life countless of times. Wala marahil siya sa mission niya subalit sa sinabi ni Danica at sa resulta ng pakikipag-usap niya kanina sa abogado at sa mayor ng bayan nila ay kailangan niyang maging alerto.

Isinara niya ang laptop upang mawala ang liwanag na nagmumula rito. Sanay siya sa dilim, kahit wala ang night goggles. He had excellent night vision. A requirement in his line of work. Gayunman, maliwanag ang buwan sa labas at hindi niya kailangang aninagin ang mga ito. Walang ingay niyang tinungo ang ilalim ng unan at kinuha roon ang kanyang Glock.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon