Chapter 1: Cope

652 17 56
                                    

"My life is still my choice...
Wala akong pakialam kung magiging masama ako.
I choose to be free.
I am... Valentina."

"Pwede akong mabuhay ng simple kasama ng mga mahal ko sa buhay.
Pero patuloy kung pipillin ang tama kahit mahirap.
Hindi dahil anak ako ni nanay o dahil ito ang nakatadhana sa akin.
Kundi dahil ito ang buhay ko, ito ako.
Ako si... Darna."

[AN: Lines are exerpt from Darna, 2022. Kunwari 'di pa sila close😁]

"Alright! That's a wrap! That's it for the voice-overs for the finale scene. Good job, guys!"

Kapwa nakangiting tinanggal nina Regina at Narda ang headphones sa mga tenga nila.

"Thanks, Direk." Magkasabay na sambit ng dalawa.

"Oh! Don't forget the thanksgiving party tonight ha?" Pahabol nito ng palabas na sila ng audio booth.

Tango at ngiti lang din ang naging sagot nila.

Nagtanguan lang din silang dalawa and went on their separate ways after.

Narda went back to her own dressing room. Pero kaagad ring nagsisi pagkabukas n'ya ng pinto.

"Hay!" Napabuntong-hininga nalang s'ya ng mabungarang halos puno na naman ng bulaklak ang kwarto n'ya.

"Wohoh! Look who's so popular, ang daming fans ah!"

Nagulat s'ya at napalingon sa nagsalita sa likod n'ya.

"Oh, Regina! Fans? Wala siguro sa kalahati nito ang galing sa fans ko. Those flowers? Hindi ko pa man nababasa ang mga letters, alam kong galing 'yan sa mga lalaking umaaligid para manligaw."

Kumuha s'ya ng isang bouquet at kinuha ang kalakip na maikling sulat.

"Read it. Hindi ako mapapahiya sa sinasabi ko sa'yo." She handed her the note card.

Binasa naman nito ng malakas ang nakasulat.

Narda,
           Please accept these flowers as a sign of my love and loyalty.
            Date naman tayo please.
                                                  Love,
                                                         Kevin

Napailing nalang s'ya. "Told yah."

Nagulat s'ya ng tumawa ito.

Ilang buwan silang nagkatrabaho pero never silang naging open sa isa't isa. Ni hindi nga yata sila nagkausap manlang kahit pader lang naman ang nakapagitan sa mga dressing rooms nila.

"Ops!" Natutop nito ang bibig ng mapansin nitong nakatitig s'ya rito. "Did I offend you? Sorry. Naimagine ko lang kasi kung ano ang nagiging reaction mo whenever you get not only one of these notes with corny lines."

"No. Of course not. Naisip ko lang kasi, first time ko lang yata marinig ang tawa mo. Never pa nga yata tayong nagkausap ng tayo lang. And honestly, I don't read these notes anymore. I'm letting my PA read those. She do the segregations. Itinatapon ang notes galing sa mga lalaking 'yan and keep those na galing sa totoong mga fans. Saka na n'ya ibinibigay sa akin kapag wala na 'yong masasakit sa mata na notes."

Tumawa lang ulit ito. "So nice of your PA to do that." Sabi pa nito saka sumandal sa dresser n'ya. "I honestly wanted to talk to you dati pa. But nauunahan ako lagi ng hiya. I'm afraid na baka maistorbo kita or baka ayaw mo ng kausap."

Napangiti na rin s'ya. "Same pala tayo. Ganyan din kasi ang naiisip ko kung bakit hindi ako lumalapit sa'yo. Perks of being an introvert maybe."

"Sinabi mo pa. I can relate. I'm an introvert myself. Sayang naman ang mga bulaklak. Mukhang galing lahat sa mga lalaki mo 'to." Sabi pa nito habang hinahawakan ang talulot ng isa.

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now