Chapter 5: Regina homokojic era

345 15 40
                                    

"Dinner date?" Tanong ni Narda sa kanya ng sumungaw ang ulo nito sa may pinto ng dressing room nila.

"Uy, ano 'yan, sama naman kami d'yan." Sabad ni Mara na kashare n'ya ng kwarto.

"Saka ka na, Mara babes. Nasa getting to know stage palang kami nitong nililigawan ko." Biro pa ni Narda na ikinangiti n'ya.

"Hala! Gagi! True ba?" Namimilog ang matang tanong nito.

"Sumakay ka naman! Nasa showbiz ka na punong-puno ng fake news tapos 'di ka manlang nagkakatrust issue? Iba ka, Mara." Tawa ng tawa si Narda na ikinatawa na rin n'ya.

"Pag kayo totoong nagdate sabihan n'yo ako before hand ng 'di ako umaasa sa fake news ha?" Inirapan pa ito ni Mara.

"Asa ka, Mara. 'Wag kang paissue. 'Pag ako bigla nalang sinuntok ng jowa nitong si Regina, wala na akong ibang sisisihin kundi ikaw."

"Ay oo nga pala. May jowa si Regi. Si Noah Vallesteros, 'di ba?" Umaksyon itong isinizipper ang bibig. "Di nalang ako magtalk. Una na ako, guys. See you sa taping." Sabi lang nito bago nagpatiunang lumabas ng dressing room.

Naiiling na umupo sa dresser si Narda ng makitang natahimik s'ya.

"Huwag mo ngang pansinin 'yong loka-lokang 'yon. Para namang hindi ka pa sanay kay Mara."

"Oo nga. Tara. Let's have dinner. Gusto ko ng Japanese food."

She has somewhere in mind. Sana lang huwag n'yang makita si Noah sa lugar na 'yon.

---------------

"This place is nice. How did you find this place, Regi?" Tanong ni Narda na halatang first time sa kainan.

"Tambayan namin 'to ng mga friends ko kapag ayaw naming mahanap ng mga paparazzi." Maikling sagot n'ya habang ibinibigay sa waiter ang order nila.

Saka nagdesisyon talaga s'yang dito sila kumain ngayon kasi alam n'yang madalas din si Noah dito. If gagawa ng kalokohan ang isang 'yon, for sure isa ito sa mga lugar na icoconsider nito.

"Bakit hindi tayo umupo malapit sa pinto? Mukhang maganda ang view doon." Yaya ni Narda.

"No. Dito lang tayo, Narda." Hindi na rin ito nag-insist at nagkibit-balikat nalang.

Gusto n'ya sa medyo tago at ng hindi agad s'ya mapansin ng mga kakilala sakaling may mapadpad sa mga ito dito.

Kaagad naman na dumating ang mga inorder n'ya at nagsimula na agad silang kumain. Nasa kalagitnaan s'ya ng pagsubo ng bumulong si Narda.

"Pwede palit tayo ng pwesto? Mas maganda yata d'yan sa upuan mo. Tanaw kasi ang kalsada." Medyo tensed si Narda kaya agad n'yang nasense na there's something going on.

Napalingon s'ya sa labas at nakitang papasok si Noah sa restaurant.

"Sige na, palit tayo. Dito ka na muna sa wala kang makikita." Nakangiting sabi ni Narda na alam n'yang concerned lang sa mararamdaman n'ya.

Hindi nag-iisa si Noah, alam n'ya kahit hindi pa n'ya nakikita.

"It's fine, Narda. Just eat." Pilit na ngiti ang sumungaw sa mga labi n'ya.

Agad naman nitong hinawakan ang kamay n'ya at hinaplos ito.

"Focus on me. Huwag ka nalang tumingin sa kung saan. Bearable naman sigurong titigan ang mukha ko no?"

Narda's genuine smile made Regina a bit relaxed.

"Thanks, Narda. I can manage though. Tapusin nalang natin ang pagkain and leave."

Pero sa kamalas-malasan ay sa katabing table pa umupo si Noah at ang kasama nito. Hindi lang yata sila nito napansin dahil may katext yata ito sa cellphone kanina bago umupo at nakatalikod na ito sa dako nila ngayon.

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now