Chapter 37: Narda boang

278 16 32
                                    

"Bakit sa Laguna ang shoot? Nananadya ka ba? Let me remind you, Narda. Ikaw ang may ayaw sa amin and not the other way around. 'Wag mo akong pahirapan by just being an asshole."

Pumasok si Regina sa office n'ya ng pabigla. Ni hindi manlang ito kumatok at basta nalang pumasok at heto't inaaway s'ya.

This past weeks, kanya-kanya sila ng taping with the other cast. Mas pinili nilang tapusin ang mga scenes kasama ang ibang artista at inihuli 'yong mga scenes na magkasama sila.

At kaninong desisyon 'yon? Kay Regina. Hindi pa daw ito ready na makatrabaho s'ya since the following scenes are of sweet nature. Puro landian, harutan, kissing and love scenes.

"Hindi ko kasalanan 'yon, Regi. Sisihin mo ang location scouts, lalo na 'yong location manager. Better yet puntahan mo s'ya at sabihin mong ibahin ang lugar ng taping. I won't even mind."

Tumawa ito ng pagak. "Kailan ka ba nagkapakialam, 'di ba? Silly me for bringing this up to you."

"Aatras ka na ba? Pwede naman kitang papalitan nalang. Hindi kita kakasuhan ng breach of contract kung 'yan ang inaalala mo."

"No! I told you, I needed this job for my son."

"Our son." Pagtatama n'ya.

"My son." Tinalikuran na s'ya nito at akmang lalabas na ng opisina n'ya. "Kalimutan mo nalang na nagpunta ako dito. Kalimutan mo na din na nag-usap tayo. See you nalang sa Laguna."

"Doon na kayo magstay sa bahay ni lola sa Laguna habang nagtitaping tayo kung wala pa kayong tutuluyan." Pahabol n'ya dito.

"And then what? Pretend sa harap ni lola na okay tayo? Hell no! Manigas ka, Narda."

"Eh 'di huwag. Hindi naman kita pinipilit. I'm just giving you suggestions."

"Thanks but no thanks."

"Atleast iwanan mo si Dare kay lola habang nasa taping tayo. Mapapanatag ka at pati na rin ako dahil alam kong hindi s'ya papabayaan ni lola."

"I'll think about it." Sabi lang nito bago lumabas ng pinto.

Napahilamos s'ya sa mukha. Saka naman pumasok si Mara sa office n'ya.

"Looks like nag-away na naman kayo ni Regina, bessy."

"Mara, hindi naman. Nagreklamo lang s'ya kung bakit sa Laguna ang taping."

"Bakit nga kasi doon, bessy? Saka bakit hindi kasi kayo magkaayos na?"

"Alam mo namang hindi ako ang nagsiset ng places ng tapings. And as for your question, halata bang iniiwasan akong makausap ng sarilinan n'yang si Regina? Aminado naman akong ang gago ko doon sa huli naming pag-uusap sa Vietnam."

"Eh bakit hindi mo bawiin? Bakit hinahayaan mong ganito kayo kung may magagawa ka naman para ayusin ang lahat?"

Umiling lang s'ya. "I think they're better off without me, Mara. Tama naman talaga si Jameson. I can't be the father figure Dare needs."

"Eh kung sampalin kaya kita d'yan, Narda?"

Inilapag n'ya ang binabasa saka sumandal sa swivel chair saka tumingala.

"Napapagod na ako, bessy. Parang wala rin naman kasing patutunguhan ang lahat ng 'to."

"Ang gagu mo, bes. 'Di kita kinakaya. Walking red flag ka na nga talaga. 'Di na talaga ikaw ang Narda na nakilala ko dati. Nasaan na 'yong Narda na sensitive? 'Yong Narda na may pakialam? 'Yong Narda na mas inuuna ang happiness n'ya kaysa sa iisipin at sasabihin ng iba? At hindi ka magiging selfish, bessy. Maski si Regina at si Dare mapapasaya mo sakaling ipaglaban mo sila."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now