Chapter 21: Narda natagpuang tanga

473 15 74
                                    

"Sino ba s'ya? S'ya na nga itong nang-iwan s'ya pa ang galit!" Sinipa ni Narda ang bato na nakaharang sa dinadaanan n'ya.

"Hoy! Ate, wala namang kalaban-laban 'yang bato. Saka walang kasalanan sa'yo 'yan uy. Saka tumigil ka nga sa kakalakad mo d'yan sa harapan ko. Ako ang nahihilo sa'yo eh."

Kanina pa s'ya pinagmamasdan ni Ding. Prente lang itong nakahiga sa mahabang silya sa ilalim ng puno ng mangga habang nagsoscroll sa social media at s'ya naman ay ginawang hapunan ang inis kay Regina.

"Nakakainis 'yong Regina na 'yon sobra."

"Ate, ilang araw ng nakaalis si Ate Regina, hanggang ngayon inaaway mo pa din. Bakit hindi mo kasi sundan at kausapin? Hindi 'yang kung ano-ano at kung sino-sino ang inaaway mo d'yan."

"Sobrang sama ko ba kay Regina, Ding?"

"Wala akong kakampihan sa inyong dalawa, Te. Ang masasabi ko lang, parehas kayong torpe. Si Ate Regina, ni hindi maamin sa'yo ang dapat n'yang aminin. Ikaw naman, masyado mo s'yang mahal kaya nasaktan ka n'ya ng sobra. 'Yan tuloy, gusto mo ring maramdaman n'ya 'yong sakit na naramdaman mo noon dahil sa pang-iiwan n'ya sa'yo at sa pagpapakasal nito kay kuya Noah."

"Pucha! Wala namang naging kami eh. Hanggang landian lang 'yong sa amin. Hanggang exclusive date lang tapos imbis na mawala 'tong tanginang feelings na 'to mas lalo lang yatang lumala without even realizing it."

"That explains why sobra kang galit."

                    ____________
                      Flashback

"Narda! Bumangon ka nga d'yan!" Pilit na hinihila ni Mara ang kamay n'ya.

"Inaantok pa ako, Mara. Mamaya na."

"Ngayon 'yong kasal ni Noah at ni Regina. Hindi ka ba pupunta? Kasal ng bestfriend mo ah. Makakaabot ka pa sa reception, te. Kanina pa kita ginigising ayaw mo naman magising."

Napabalikwas naman s'ya ng bangon at maya-maya pa ay napakasandal nalang sa headboard ng kama.

"I'm not even invited, Mara."

"Magkakamali sila in case inimbita nila ako kasi baka ipapatigil ko ang kasal." Gusto n'yang idagdag.

Umiling-iling nalang si Mara saka may kinalikot sa phone.

Maya-maya ay ibinato nito ang cellphone sa lap n'ya.

"Oh d'yan nalang tayo manood. Nakalive 'yong manager ni Regina na invited sa kasal n'ya. Kukuha lang ako ng juice."

Nakatitig lang s'ya sa cellphone ni Mara na nasa lap n'ya. Sa wari ay walang kabalak-balak panoorin manlang ang kasal ng dalawa.

"Regina, do you take Noah as your legally wedded husband?"

Klarong-klaro sa pandinig n'ya ang tanong ng officiating priest sa kasalang kasalukuyang ginaganap sa beach.

Tinitigan n'ya ang mukha ni Regina sa screen. Teary eyed ito yet she's smiling.

"You seemed happy with your choice. Ni hindi ka na nagparamdam pa sa akin. Namili ka na nga, Regina."

Naikuyom nalang n'ya ang kamao lalo na ng sumagot ito ng "yes".

"Sayang lang ang pagmamahal at pag-aalaga na inalay ko sa'yo. Ibinaling ko nalang sana sa iba. Ipinilit ko pa kasi. Nainlove na nga lang, sa straight pa. Doon pa sa may boyfriend. Ang tanga-tanga mo talaga, Narda! Mas tanga ka pa kay Regina!"

Halos mamuti na ang kamay n'ya sa sobrang higpit ng pagkakakuyom nito.

"Hinding-hindi ko makakalimutan 'tong ginawa mong 'to, Regina. If given the chance, ipaparamdam ko rin sa'yo ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Screw you and Noah! Huwag sana kayong maging masaya dahil hindi n'yo deserve ang sumaya. Lalo pa't may nasasaktan kayong tao."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now