Chapter 8: Distansya o disgrasya

317 14 29
                                    

"Narda, si Regina oh."

Agad naman s'yang napatingin sa dakong inginuso ni Mara.

"Tatawagin ko na ha? Baka 'di pa s'ya nagbibreakfast eh. Isabay na natin." Akmang ikakaway sana nito ang kamay sa dalagang kakababa lang ng kotse pero agad n'ya itong pinigilan.

Nasa restaurant sila ng hotel na kaharap lang din ng parking area.

"Bakit? May problema ba? Ayaw mo ba? Akala ko ba friends na kayo ni Regina? May awkwardness ba ulit?" Sunod-sunod na tanong ni Mara.

"Reporter 'yan? Relax, Mara. Walang ganoon. I think i'll be rude if umalis ako kaagad at iniwan kayo dito kapag tinawag mo s'ya ngayon. I'll be out in a minute kasi pinapatawag ako ng manager ko sa taas." She explained.

"Ay! Kaya naman pala."

"But if you like to, pwede naman. Aalis nalang agad ako ngayon. See you later, Mara."

Hindi na n'ya hinintay pang sumagot ito at umalis na bitbit ang coffee cup.

Totoong pinapatawag s'ya ng manager n'ya sa taas, at mas gusto n'yang isipin na dahil doon kaya hindi s'ya makakasabay kumain ng breakfast kina Mara at Regina. But the main reason is ayaw muna n'yang kausapin si Regina. Not until she let that cheater move out of her life.

S'ya siguro 'yong tipo ng friend na mas affected pa kaysa sa niloko n'yang kaibigan. Kaya mas pipiliin muna n'yang F.O. muna sila ngayon kaysa mastress s'ya sa pagmumukha n'ong Noah na 'yon.

"May kailangan ka sakin, sir Abel?" Tanong n'ya matapos s'ya nitong pagbuksan ng pinto ng kumatok s'ya sa kwarto/storage/opisina na ginagamit ng staff nila habang nasa shooting.

"Yong kaloveteam mo pala will be here any minute now."

"Ows? That's nice. Sa first taping day talaga s'ya magpapakita at hindi sa promo shoot." Side comment n'ya sabay upo sa naroong swivel chair.

"Actually he'll be here just to meet you. Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan n'ya sa NAIA 2 or 3 hours ago so aalis din ulit s'ya para magpahinga after n'yong magkakilala."

"So... this guy is not someone I know or worked with in the past?" Curious n'yang tanong.

"No. This will be his comeback movie after so many years of hiatus from showbizness."

"Hmmm... interesting."

"It is. But hindi lang 'yon ang rason kung bakit pinapunta kita dito, Narda."

"May problema ba, sir Abel?" Napaayos s'ya ng upo at sumeryoso na rin.

"Narda, Regina is still your archenemy in this movie. Aware ka naman, 'di ba?"

"But of course, sir Abel."

May kumatok sa pinto kaya nagpaalam naman itong bubuksan muna.

"Hi! You must be Narda?" Agad na bati sa kanya ng lalaking kasama ng manager n'ya.

Binistahan n'ya ito ng tingin.

"Gwapo naman. Mukhang hindi ma abs, not a gym guy for sure, pero pang malakasan din ang datingan. Pang boy next door ang pormahan. For sure bet 'to ng mga teenagers." Aniya sa sarili.

"Care to share your thoughts about me?" Untag nito sa kanya.

"Sorry. Yes, i'm Narda. Narda Custodio."

"Elmo. Elmo Martinez."

Nanlaki ang mga mata n'ya. Dati n'yang crush ang magiging kaloveteam n'ya sa movie?

"The Elmo Martinez? Isa sa mga sikat na child star ng Gen Z. Hi sir Elmo, masaya po akong makakatrabaho kita." Nakipagkamay s'ya rito.

"I feel old hearing that from you. I'm your loveteam, Narda. Not your lolo. Halos magka-age lang tayo. The only difference is nauna ako sa showbizness."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now