Chapter 11: Exclusive contract

321 17 27
                                    

"Ano ba kasi ang nangyari, Regina?"

"Nag-away si Noah at si Elmo dahil sa akin." Nakahilig ang ulo nito sa balikat n'ya. Hawak nito ang kapeng ginawa n'ya para dito.

"Nagsuntukan ba?"

"Nagsuntukan sana." She silently wished.

"Hindi naman. Muntikan lang. Pero iniwan ko na sila."

"Iniwan? Why? Baka nagbubugbugan na 'yong mga 'yon."

"Honestly, I don't care, Narda. Alam mo 'yong feeling na para akong nakawala mula sa malalaking bato na nakadagan sa akin?"

"I'm proud of you, Regina. You're starting to be in control of your life now."

"Hopefully i'll get to that point soon, Narda. Alam ko na kung bakit ako iniwan ni Elmo dati. He traded me para tantanan na s'ya ng mga kafrat ni Noah. Kaya pala s'ya lumayo. Ang babaw ng dahilan, 'di ba? Ang babaw para iyakan ko s'ya ng makailang beses sa nakaraan."

"You deserve someone better, Regina."

"And... i've broken up with Noah." Tiningala s'ya nito.

She tried making a straight face para hindi nito mabasa ang expression ng mukha n'ya.

"Finally! O final na ba talaga 'yan? Hindi ba ito 'yong one of the many chances na nakipagbreak ka then all of a sudden kayo na naman ulit?"

"I think that was the last and final break up scenario we'll have. I'm done with Noah for real. And it's your fault."

"What? Why? Bakit ko kasalanan? Napilitan ka lang yatang makipagbreak kay Noah dahil palagi kitang sinasabihang tanga?" Tumikwas ang kilay n'ya.

"Natanga pa nga. Tss!"

"Oh bakit eh nagtatanga-tangahan ka naman talaga doon sa lalaking 'yo-..."

"I think i'm starting to fall for you, Narda." Agaw nito sa sasabihin pa sana n'ya.

Natahimik s'ya sa naging pahayag nito. Paulit-ulit itong nagpiplay sa utak n'ya.

"Pwede namang nakatikom lang ang bibig kapag nagugulat, 'di ba? Dapat bang nakabuka talaga?" Nakasmirk pa ito.

Agad naman n'yang naitikom ang bibig. Nakatitig lang s'ya dito at hindi n'ya alam kung ano ang isasagot.

"Kaya wala akong nararamdamang bigat sa pakikipaghiwalay ko kay Noah at sa nalaman ko mula kay Elmo. Those guys' agendas are none of my business now. I'm so done with them. Kaya nga ako nandito eh. It's you I need, Narda."

"You're making me speechless, Regina. You know that I love you so much that I want to protect you from those guys. I promised you na sasaluhin kita sakaling iniwan mo si Noah. I'm keeping that promise, for sure. Pero I have one question?"

"Hmmm?"

"Sasaluhin mo din ba ako kapag lalo pa akong nafall sa'yo, Regina?"

"Oo naman, Narda. Sasaluhin din kita."

Hinawakan ni Regina ang pisngi ni Narda habang nakikipagtitigan dito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mata at labi n'ya, surely wanting to kiss her.

"I missed you, Narda. But I haven't realized that missing you means longing for you like this."

"Tinitiis lang din naman kita eh. Ikaw kasi! Ang rupok mo masyado." Inirapan n'ya pa ito.

"Admittedly I am. Pero ngayon sa'yo na ako marupok, Narda."

Inilapit nito ang mukha sa mukha n'ya ng biglang bumukas ang pinto.

"Hay kainis 'yong nasakyan kong taxi. Ang gulang sobra. Nag-grab nalang sana talaga ako. Oh andito ka pala Regina? Bakit parang natuklaw naman kayo ng ahas d'yan?" Puna nito sabay lapag sa mga bitbit na paper bag sa couch.

Lumayo naman sila sa isa't isa na para bang napapaso.

"Ma-mara is staying with you?" Tanong nito.

"This week lang ako lumipat, Dzai. Ang layo naman kasi ng sa amin at ang gastos kung uuwi pa ako kapag may taping. Ang bait ni Narda para makipagshare ng unit ng libre sa akin."

Lihim s'yang natawa sa disappointment na nakikita n'ya sa mukha nito.

"Ilang months lang naman. 'Di naman yata aabutin ng 6 months at matatapos na tayong magshoot."

"6 months of torture that is." Bulong nito na ikinangisi n'ya.

"6 months of getting to know each other better." Bulong n'ya pabalik dito.

"Uy ano'ng bulungan 'yan? Share naman d'yan. Ano ba'ng chika?" Sabad pa ni Mara.

                        ______________

"Tulog na ba?" Tanong ni Regina na kanina pa tahimik habang nagkikwentuhan sila ni Mara.

"Sa lakas ng hilik n'yang 'yan? For sure tulog na tulog na 'yan."

"Hay!"

Natawa s'ya sa buntong-hininga nito.

"Oh? Bakit may pabuntong-hininga ka d'yan?"

"Can we seal a deal now?"

"Ha? Ano?"

"I said I wanted to seal a deal with you, Narda."

"Deal? What deal?"

"I want to have an exclusive contract with you. Like wala ng pwedeng umaligid sa'yo maliban sa akin. I want you for myself alone. I want to brand you mine."

"Ang speed mo naman, Regina. Nanliligaw ka ba?"

"I will make ligaw pa? You like me, I like you, bakit hindi nalang tayo na agad?"

"So Regina thingy. Ang pusok sobra. No. You make suyo, you make ligaw, then I decide if exclusive na tayo."

"Narda!"

"Take it or leave it, Regi."

Huminga ito ng malalim. "Alright. Can I atleast hold your hand?"

Itinaas naman n'ya ang kanang kamay and she intertwined it with her left.

"Damn this is harder than it seemed it is. Mara in her plywood era." Komento nito sabay buntong-hininga.

Natawa naman s'ya pero bigla ring sumeryoso.

"Hindi lang si Mara ang plywood sa atin, Regina. It's the management and Elmo too. He's my on-screen partner, you know."

"I can be your secret partner though. We'll make it work kahit palihim lang. Nobody has to know. Not even your roommate Mara."

"Makakaya ba?"

"Trying won't hurt."

"I guess so."

Naramdaman n'yang hinalikan ni Regina ang likod ng kamay n'ya.

"We'll make it work. Basta we're in this together. Goodnight, Narda."

AFTER THE MOVIEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz