Chapter 3: Fallin'

369 14 31
                                    

"Uy! Himalang may nakaalala." Bati ni Ding ng mapagbuksan s'ya.

"Lola! Lolo! Si ate umuwi!" Sigaw nito habang nilalakihan ang awang ng pinto para makapasok s'ya.

Pupungas- pungas naman na sumalubong ang dalawa sa kanya.

Agad naman s'yang nagmano sa lolo Rolando n'ya.

"Mano po, lo."

"Ginabi ka na ng uwi ah? Kamusta ang byahe apo?"

"Okay naman po. Aw!" Napaigik s'ya ng maramdaman ang pinong kurot ng lola sa tagiliran n'ya.

"Lola naman eh. Bakit po ba?" Tanong n'ya habang hinihimas ang bahaging kinurot nito.

"Nagmotor ka pauwi ng Laguna ng ganitong oras tapos tatanungin mo ako kung bakit? Dyaskeng bata ere! Paano ka pa mag-aartista kung magasgasan 'yang mukha mo sakaling naaksidente ka sa daan? Alas dos na ng madaling araw, bumyahe ka pa?"

Pilit naman n'yang ikinubli ang ngiti sa sinabi ng lola n'ya.

"Naku, Berta, magaling naman magmaneho 'yang si Narda saka hayaan mo naman munang makapagpahinga ang bata. Saka mo na pagalitan." Kumindat pa ang lolo n'ya saka inakay na ang lola pabalik sa kwarto ng mga ito. "Ding ikaw na ang bahala d'yan sa ate mo."

"Opo, lo." Sagot naman ni Ding saka isinarado ang pinto. "Biglaan yata ang uwi mo, te? Alam ba ni mommy na dadalaw ka dito?"

"Ikaw na ang magsabi, Ding. Dito na muna ako ng mga ilang araw. Pasok na ako sa kwarto ha? Goodnight."

Naglakad na s'ya papunta sa kwartong nakalaan para sa kanya kapag dumadalaw s'ya sa bahay ng lolo't lola n'ya.

"Sino'ng babae na naman ba ang nanakit sa ate ko?" Nangingiting tanong ni Ding na sumunod pa pala hanggang sa kwarto n'ya. Umupo pa ito sa kama n'ya na para bang naghihintay ng kwento.

"Ano ba ang pinagsasabi mo, Ding? Wala ah. Gusto ko lang munang magpahinga dito. Makasagap ng sariwang hangin, ganoon. In a month or two pa ulit trabaho ko eh." Sagot n'ya dito habang nagtatanggal ng jacket.

"Una, 'di ka nagpaalam kay mommy. Pangalawa, nagmotor ka lang papunta dito. Pangatlo, wala kang dalang gamit. Pang-apat at higit sa lahat amoy alak ka p-..."

"Shhhh! Baka marinig ka ng lola't lolo. Lalo pa akong mapagalitan n'yan eh. Wala nga kasi. Ano... si Regina kasi."

Nangislap ang mata ni Ding at mas lumapit sa kinatatayuan n'ya.

"Regina? As in Regina Vanguardia? 'Yong crush ko?"

Naningkit ang mata n'ya sa narinig. Magkapatid nga sila ni Ding. Parehas pa sila ng taste sa babae eh. "I-uncrush mo na din 'yon."

"Paladesisyon ka, te. Bakit ba? Naging kayo ba ni Ate Regina? Bakit hindi mo nakwento?"

"Naging kami? Hindi no. May boyfriend kaya 'yon. Eh wala. Nagka- misunderstanding lang kami dahil d'yan sa cheater n'yang boyfriend."

"Naku! Akala ko pa naman MU means mutual understanding. Bakit misunderstanding kaagad? Ang hina mo naman, te. LQ na agad eh wala pa ngang kayo?"

"Alam mo, kung wala kang sasabihing matino, itikom mo nalang 'yang bibig mo. Lumayas ka na nga sa kwarto ko, Ding. Dinadagdagan mo lang ang init ng ulo ko sa pang-aasar mo eh."

Natatawa namang sinunod s'ya nito.

"Goodnight, ate. Mapanaginipan mo sana si Regina Vanguardia." Panunudyo pa nito bago isarado ang pinto. 'Di na nakaabot ang unan na ibinato n'ya rito.

***
"Shit! Paano ko mapapanaginipan si Regina eh hindi nga ako nga n'ya ako pinapatulog."

Napabangon si Narda at inis na napasandal sa headboard ng kama n'ya. Kanina pa s'ya pabali-baliktad ng higa pero ni hindi s'ya dapuan ng antok.

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now