Chapter 38: Nakakagaga na talaga!

281 15 81
                                    

"I'll wash the dishes, lola. As a thank you na rin for that sumptuous dinner. Sobrang nabusog po ako. And thank you for taking care of Dare for the past 3 days. Late na kasi kami natatapos kaya hindi ko na rin muna s'ya kinukuha dito."

"Naku, apo! Huwag mo ng isipin 'yon. At saka sabi ko naman sa'yo, gustong-gusto namin ng lolo mo na nandito si Dare. Aba eh parang bumabalik kami sa panahong bago palang kaming mag-asawa't magkatuwang pa sa pag-aalaga namin d'yan sa nanay ni Narda."

"Sya nga ba, lola? Basta, I can't thank you enough. When the tapings are over, babawi ako. I swear."

"Kahit 'wag na, hija. Hindi kailangan. Gusto namin 'tong ginagawa namin kaya 'wag ka ng mag-alala pa d'yan. O s'ya, maiwan ko na rin muna kayo at manonood muna ako ng teleserye kasama ng lolo n'yo at ni Ding."

Tumayo na rin si Narda at tinulungang magligpit si Regina.

Ngunit bago pa man nito madala sa lababo ang mga pinggan, inagaw na n'ya ito.

"Ako na. Just go. Kaya ko na dito."

Ngunit nagmatigas si Narda at kinuha ang sponge. "Hindi. Ako na. Ikaw nalang ang magpahinga doon."

"Bakit ba ang kulit mo? Sinabing ako nalang dito eh." Hinablot n'ya ang sponge mula sa kamay nito.

"Galit ka na n'yan? Hindi ka pa ba kontento sa ilang beses na malalakas na sampal na pinakawalan mo sa set kanina? I know sinadya mong magkamali ng lines at ng masampal mo rin ako ng paulit-ulit, Regina."

"Huh?! Now you're accusing me of being unprofessional? Kasalanan ko bang nakalimutan ko 'yong mga lines ko kanina? And as far as I can remember, hindi nakasaad sa contract na bawal ang retake sa mga eksena."

Humuntong-hininga si Narda. "I'm sorry okay?"

"Sorry? Tapos labas sa ilong? You know what, Narda? Pagod ako. And all I wanna do right now is to finish washing the dishes so I can rest. Mahirap bang intindihin 'yon? Why don't you fuck off?"

"Kaya nga ako na ang maghuhugas, 'di ba? Is it too much to ask? Ang hirap mo din espellingin eh."

"Ako pa ang mahirap espellingin, Narda?"

"Regina..."

"For once! I'm trying to be civil and professional around you. Pero ikaw itong tinitest palagi ang pasensya ko. Why don't you go out with those flirts na maski sa taping ay sinusundan ka kaysa binubwisit mo ako dito."

"I told you I-..."

"Enough, Narda! Wala na akong pakialam. And 'wag kang mag-assume na kailangan ko 'yang explanation mo, coz I don't."

"Really? Eh bakit mukha kang nagseselos d'yan?"

"Ako? Nagseselos? Assumera ka! I'm not. And I woudn't be. Manigas ka d'yan!"

"Tulak ng bibig kabig ng dibdib, Regina."

"Just please go! Tantanan mo na ako, Narda. Whatever purpose na meron ka sa paglapit-lapit sa akin, sa pag-abot ng tubig sa set, sa pagpupunas ng pawis, sa pagdadala ng food pati ang paglalagay ng pagkain sa pinggan ko kanina, please itigil mo na. Wala kang mapapala sa akin, Narda. Stop giving me mixed signals! I don't need it."

"Pero gusto kong bumawi, Regina."

"Bumawi? Because? Ayokong isiping ginagawa mo 'to para iplease ang dalawang matanda. If it is, please stop! Alam kong naiintindihan nila ang sitwasyon na meron tayo. Ako kasi, Narda, napapagod na ako. Sobra na akong pagod para ipagpilitan pa ang sarili ko sa'yo."

"Reg, hindi. Kusang loob ko 'tong ginagawa. Look, nagkamali ako. Hindi ko sinasadyang masaktan kita sa mga pinagsasabi ko sa Vietnam. I wasn't thinking straight. Nagpadala ako sa emosyon ko na hindi talaga dapat. Nagdesisyon ako ng hindi nag-iisip and i'm taking my words back. I want you back, Regina."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now