Chapter 30: Seducing Regina

426 18 24
                                    

"Love, aren't you going to talk to me?"

Pangungulit ni Narda ni Regina habang nagbibihis ito sa dressing room para sa photoshoot ng promotional posters ng upcoming GL movie nila, ang ibang photos ay gagamitin sa ads, articles and social media posts para iboost ang popularity ng movie.

"Ilang araw mo ng hindi ako pinapansin since the concert. Start na rin ang tapings pero hindi mo manlang ako magawang kausapin after ng take. I'm all yours na nga, 'di ba?"

Bumaling ito sa dako n'ya. Masama ang tingin at nakairap pa. "I gave you a few days para ayusin ang mga bagay bagay, Narda. But I think wala ka namang ginagawa."

"I did. I messaged all the girls na layuan at tigilan na nila ako. Then I blocked all of them on social media."

"Guess it wasn't enough. I saw you flirting with the receptionist when I arrive." Magsasalita pa sana s'ya ng itinaas nito ang kamay. "Don't deny it. Hindi ako bulag, Narda."

Tinalikuran s'ya nito at lumabas na ng pinto.

"Hayst! Ang hirap talagang espellingin ng isang 'to. Eh kaibigan ko nga lang 'yong receptionist dito."

Napapalatak na sumunod nalang si Narda kay Regina.

_____________

"Okay, Elmo kayo muna ni Narda ha?"

"Namiss kita, lods." Bulong ni Elmo habang nasa nakayakap sa likod n'ya at nakangiti sa camera habang nakasandal naman s'ya at nakatingala dito.

"Namiss mo mukha mo! Alam kong busy ka na naman kakalandi, Elmo. Wag ako."

"As if hindi tayo parehong malandi. Nakailan ka kagabi ha?" Panunudyo pa nito.

"Smile guys. Act sweeter. Mas dumikit ka pa kay Elmo, Narda." Utos ng photographer.

"See that girl sa gilid? Baka hiwain na n'yan 'yong pagkababae ko pag nambabae pa ako. Nakikipag-usap pa nga lang ako kanina sa receptionist, ang haba na ng nguso n'yan tapos tatanungin mo ako kung nakailan ako kagabi? Wala, Elmo. Zero. Nganga. Tigang."

Tumawa ng malakas si Elmo saka nagchange ng position. Magkaharap na sila ngayon at nakayuko ito para idantay ang noo nito sa ulo n'ya. Ipinulupot naman n'ya ang dalawang kamay sa leeg nito at ipinikit ang mga mata habang nakatingala sa dako ni Elmo para magkasalubong ang mga noo nila.

"Nagkabalikan na pala kayo ng 'di ko nalalaman. Nagulat nga ako ng sinabi ng manager ko na third party nalang ako sa movie na gagawin natin at hindi na ako 'yong main love interest mo."

"Mahaba pa ang contract natin, Mo. Magagawa pa natin 'yong tv series na 'yon. But for now, I need to do this. Kailangan ng makita ng buong mundo na mas kinikilig ako sa babae kaysa sayo."

"Ouch. That hurts."

"Ego mo lang ang nahahurt hindi ikaw. Akalain mo 'yon, ang ex mo noon, girlfriend ko na ngayon." Napasmirk pa si Narda.

"Hindi ka naman mayabang sa lagay na 'yan ha? Eh kung agawin ko kaya s'ya ulit sa'yo?"

"Sige subukan mo at 'di ka na sisikatan ng araw."

Hinigpitan n'ya ang pagkakapulupot ng mga braso sa leeg nito.

"Aray naman, Narda. Nagbibiro lang eh."

"Focus, guys. Mukhang nagkakasakitan na kayo d'yan ah."

"Nagbibiruan lang po."

Sinamaan n'ya ito ng tingin saka bumaling patalikod dito. Iniyakap naman ni Elmo ang braso sa balikat n'ya habang nakaposisyon ito sa likod. Nakatukod ang baba nito sa ulo n'ya.

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now