Chapter 15: Special Treatment

347 15 25
                                    

"Manang, andyan ba si ma'am Narda mo? Ako 'yong bago n'yang PA."

"Naku eh wala na, nasa ofis na n'ya yata."

"Office? Saan po 'yon?"

"Ortigas. Doon sa NC pradaksyon."

"NC production?"

"Oo doon. Madalas doon si ma'am. Inuumaga na nga din doon minsan."

"Sayang hindi ko naabutan."

"Sayang talaga. Kung gusto mo kasi s'yang madatnan dito, dapat alas 5 palang nandito ka na."

"Ganoon s'ya kaaga kung umalis? Hindi kasi ako nainformed."

"Oo. Minsan nga 'di na 'yon umuuwi dito. Ginagawa ng bahay ang trabaho. O s'ya puntahan mo nalang. Siguradong tatanghaliin ka kapag nakipagmarites ka lang dito sa akin."

"Oo nga. Salamat, manang."

Hindi na nga n'ya kilala ang Narda na 'to. Narda usually opens the door for her. Narda always waits for her. But now Narda didn't seemed to care if dumating man s'ya o hindi.

                       ______________

"Oh? I thought nagbago na ang isip mo kaya hindi ka sumipot. You should have been here 2 hours ago." Nakatikwas ang kilay at nakapameywang na Narda ang naabutan n'ya sa opisina nito.

"Sorry. Hindi ko alam na maaga ka pala umaalis ng bahay, Narda."

"Narda? I'm your employer, miss Vanguardia. We're not even friends for you to call me by my first name. Saka dapat ba ininform ka pa? I told you, I don't rest. Sinabi ko lang na sa bahay ko sa Makati ka pumunta ng MAAGA dahil doon ka kukunin ng driver ko."

"Matagal kasi akong nakaalis ng bahay dahil may inasikaso pa ako, ma'am."

"Stop! I don't want to hear any dumb excuses. Trabaho ang pinunta mo dito so natural na ineexpect kong magtatrabaho ka ng maayos. Which also means being here on time as well. Nasaan na ang driver ko, bakit hindi mo kasama?"

"Hindi kami nagkita eh. 'Yong katulong mo 'yong nadatnan ko sa bahay at sinabing umalis ka na papunta dito."

"You should have called me."

"I don't have your phone number, ma'am."

"You do." Maikling sagot nito.

Napatango-tango nalang s'ya. "Same number pa rin pala."

"Bakit inabot ka ng dalawang oras papunta dito? You know what that means? 2 hours delay sa mga gagawin ko for today. Paimportante ka naman masyado, miss Vanguardia." Pag-iiba nito ng topic.

"Sorry. Nagbisekleta lang kasi ako papunta dito."

Tumikwas ang kilay nito sa narinig. "You don't have a car?"

"Mag-5 years ng wala, ma'am. Naibenta ko na. Mas marami pang kailangang unahin kaysa panggasolina n'on." She saw a glimpse of curiosity sa mata nito pero baka namalikmata lang s'ya kasi pag tingin n'ya unreadable na ulit ang expression nito.

"Next time be at my place earlier than 5 a.m. not unless I told you to stay for the night." Sabi lang nito saka tinalikuran na s'ya.

"Okay. Sorry ulit, ma'am Narda."

Maya-maya ay may inabot ito sa kanya na folder.

"Nakasulat d'yan ang schedule ko for the whole month. Imemorize mo lahat para alam mo kung nasaan dapat ako sa mga ganyang araw at oras. Be on my side palagi."

"Kikiligin na ba dapat ako sa on my side palagi?" Tanong n'ya sa sarili.

Tumikhim naman ito. "As my PA kailangang andyan ka lagi to give me my needs."

"Needs sa kama kaya 'to? Tangina mo, Regina! Utak mo green." Saway n'ya sa sarili.

"Stop grinning will you? For sure kung ano-ano 'yang nasa isip mo, miss Vanguardia. You're working for me kaya seryosohin mo!" Pagalit na singhal nito at agad na s'yang tinalikuran.

"Hay! This day couldn't get any better ba?" Umupo s'ya sa naroong couch at hinilot ang nananakit na paa.

Sino ba ang hindi sasakitan ng paa sa 2 oras na pagpepedal.

"I-hot compress mo na 'yan."

Nagulat s'ya ng magsalita ulit ito. This time may dala na itong kape.

"Concerned pa din yata s'ya sa akin hanggang ngayon."

"Don't misunderstood me. Marami akong pinupuntahan and my PA should be the least of my worries. Ikaw ang dapat na mag-aalaga at magbibigay ng needs ko and not the other way around. Ayoko ng incompetent na assistant."

"Copy that, ma'am."

"The pantry is right beside my office. Eat your breakfast and be back in 30 mins. Pupunta tayo sa network."

Tumango nalang s'ya at sinunod ito.

"Ganito ba kami araw-araw? Buti pa 'yong kape mainit, s'ya kasi ang cold-cold na sa akin. Please bring back the Narda that I know. Nakakatakot naman 'tong ipinalit n'yo sa kanya, rold." Naisa-isip n'ya.

Saktong kakapasok lang n'ya ng pantry ng inapproach s'ya ng naroroong babae.

"Hello, i'm Kiara, secretary ni ma'am Narda. You must be her PA."

"Oo. Ako nga. Nice to meet you, Kiara. Regina nga pala."

"As if hindi kita kilala. Naikwe...- oh nevermind. How was your first day so far?"

"Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. I mean, madali lang naman siguro ang pagsunod-sunod kay ma'am Narda sa mga lakad n'ya but she won't be easy on me as I see it."

"Huh? Miss Narda is a cool boss. Ang bait n'yan sa mga employees n'ya. She's the most down to earth person I know. She's strict at times but it's with work. After office hours nakakabiruan na namin 'yan."

"I guess i'm having the greatest special treatment of my life right now. And I surely deserve that."

Nalungkot s'ya sa isiping sa kanya lang pala ito nagmamaldita.

"Hmmm... balik na ako sa trabaho, Regina. Goodluck with work."

Mas pinili n'yang magkape nalang at i-hot compress ang paa. Nawalan na s'ya ng ganang kumain dahil sa nalaman.

                      ______________

"Ready n-..." she stopped what she's about to say.

May kausap kasi si Narda sa loob ng office nito pagbalik n'ya. Hindi lang yata basta usap ang ginagawa ng mga ito dahil ang lapit-lapit ng mukha ng mga ito sa isa't isa.

Akmang lalabas s'ya ulit at isasarado ang pinto sa likod n'ya ng tawagin s'ya nito.

"Please bring those folders sa sasakyan. I'll be there after some minutes."

Tumango lang s'ya at kinuha ang mga folders sa lamesa nito. Ni hindi na s'ya nag-abala pang tingnan kung sinuman ang kasama nito.

Narinig pa n'ya ang tawanan ng mga ito bago n'ya maisara ang pinto.

"Ano ba 'tong pinasok mo, Regina! Hindi lang yata katawan ang mananakit sa'yo sa muli n'yong pagkakalapit ni Narda kundi pati puso mo. Hindi ka na nadala! Tanga ka pa rin kahit kailan." Bulyaw n'ya sa sarili.

"Nakakainggit naman 'yong babaeng 'yon. Napapasaya n'ya si Narda. Ganyan kaya kami ngayon kung hindi ako umalis noon?" Tanong n'ya sa sarili.

Aminin man kasi n'ya o hindi. Si Narda ang pinakamalaking what if ng buhay n'ya.

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon