Chapter 31: What is a date with Narda without sex?

478 19 92
                                    

"Now I know where we're going." She recognize the place as soon as they enter the dirt road going to the highlands where Regina took her when she was heartbroken with Noah years ago.

Ngumiti lang si Regina habang patuloy sa pagdadrive. Nag-insist itong maupo nalang s'ya sa tabi nito at ito na ang bahalang magdala sa kanya sa pupuntahan nila.

Pinagapang n'ya ang kaliwang kamay sa hita nito. Nilalaro ng mga daliri ang nakaexpose nitong balat.

"Car sex or car accident?" Hinuli nito ang kamay n'ya at akmang kakagatin s'ya nito.

Natatawang binawi n'ya ang kamay saka humalukipkip nalang. "Okay! Okay! Sabi ko nga magbebehave na ako."

"That's what I thought."

"HMMM! Walang pagbabago sa lugar na to ah." Aniya ng bumaba na sila sa kotse.

Sumunod ito sa kanya matapos kunin ang mga dala nila sa trunk ng kotse.

Inilatag nito ang dalang picnic mattress at inilabas mula sa plastic ang mga pagkaing binili lang nila sa drive thru saka nagbukas ito ng canned beer at iniabot sa kanya ang isa.

Naupo s'ya sa mattress at tanging ang mga pagkain lang ang pumapagitna at pumipigil para magkadikit silang dalawa.

She also sipped on her beer as they silently stare at the star-less sky.

"Thank you for taking me out on a date. Nakahinga ako ng maluwag kasi hindi ka na galit." Untag n'ya sa katahimikan.

"Yeah! I was thinking about bringing you somewhere fancy pero madaming paparazzi and fans na umaaligid sa isang Narda Custodio kaya hindi rin kita masosolo. Kaya dito nalang kita dinala. Eat something. Alam kong gutom ka na rin after that long shoot. Lalo na at kung ano-anong kabalbalan ang pinaggagawa mo kanina."

"Hindi ka naman yata affected."

Kumuha s'ya ng burger at kumagat.

"Hindi nga halatang affected ako. Give me some." Ipagbubukas sana n'ya ito ng ituro nito ang burger na kinagatan n'ya. Sinubuan nalang din n'ya ito bago kumagat ulit.

"Hmmm. I think you deserve a candlelit dinner if we have longer time."

"Anywhere with you is special, love. I appreciate this. Saka i'm glad na dito mo ako dinala. I miss your favorite place. It has been 6 years since i've been here."

"Ako rin namiss ko 'yong Narda na kasama ko dito dati."

Nilingon n'ya ito at nakatitig lang ito sa nakabukas na beer.

"I brought this place years ago. Ito nalang ang natira sa lahat ng properties ko na hindi ko manlang binalak ibenta. But if you haven't given me that large amount of signing bonus and a contract maaaring maibenta ko rin 'to para sa operation ni Dare."

"I'm glad hindi mo pa nabebenta. But if you did, i'll buy this place again for you. Ang special ng lugar na ito sa'yo kaya dapat sa'yo lang talaga 'to."

"Hmmm... It has so many memories. Dito kasi nagconfess ng love 'yong babaeng mahal na mahal ko. Dito din ang first kiss namin."

Napainom nalang s'ya kasi hindi n'ya alam kung paano magrerespond.

"Looking back, nagsisi ako kung bakit pa ako nagdalawang-isip na tanggapin ang proposal n'ya na maging kami. I was so stupid for declining."

"Hindi ka stupid, love. You were just inlove with another person. Hindi lang siguro tamang oras para sa atin 'yon. I should have been more mindful of your situation, hindi 'yong ipinilit ko pa ang sarili ko at dinagdagan ko pa ang iniisip mo."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now