Chapter 7: Little steps towards realization

296 12 39
                                    

"Bakit ka pala napadpad sa lugar na 'yon kasama ni Narda? That is so not you, Regina." Basag ni Noah sa katahimikan habang tahimik lang s'yang nakaupo sa tabi nito sa sasakyan.

"What if i'm not a celebrity? Would you ever date me?" Tanong n'ya dito.

"Hmmm... Ano bang klaseng tanong 'yan, Regina? Of course i'll still date you. Sa ganda mong 'yan, kahit hindi ka celebrity liligawan pa rin kita."

"What if i'm just a struggling guitarist in an underground music bar? Not famous, not from a wealthy family, not someone from the upper class? Will you still date me?"

"Hell no. My parents will kill me and pagtatawanan ako ng friends ko for sure." Kaagad na sagot nito habang natatawa pa.

Bigla naman itong tumigil sa pagtawa ng mapansing seryoso s'ya. Tumikhim muna ito at ginagap ang kamay n'ya.

"Lucky for me, you are above my family and friends' standard. I'm lucky to have you as my girl, Regina." Dugtong pa nito na akala nito ay ikagagaan ng loob n'ya.

"Where you at the Japanese restuarant earlier, Noah?" She asked.

Napakamot naman ito sa batok. A sign na uncomfortable ito sa tanong n'ya.

"Let's change topic nalang, babe. Do you want to join us? Tagaytay tayo this weekend? Wala ka namang trabaho, 'di ba?"

"Are you at the Japanese restaurant earlier?" Pag-ulit n'ya sa tanong.

"No. I was with my friends. Bakit ba? Ang seryoso mo naman yata ngayon, babe? Teka! Sinisiraan ba ako n'yang friend mo na si Narda kaya ka ganyan sa akin? Hindi s'ya magandang influence kung ganoon." Napahawak ito ng mas mahigpit sa steering wheel tanda na inis na ito.

"I was there with Narda earlier. Funny eh no? Hindi tayo usap na pupunta tayo sa restaurant na 'yon pero magkasabay pa tayong nandoon. Hindi nga lang tayo magkasama kundi magkatabi... magkatabi tayo ng table kanina, Noah."

Bigla itong napapreno at ipinark sa gilid ng kalsada ang sasakyan nito.

"Regina, babe, it's not what you think." Sinubukan nitong hawakan ang kamay n'ya pero kaagad n'ya itong inilayo.

"I literally asked you twice para lang makakuha ng lie, Noah. I saw you with a girl earlier and you were denying it. Ganito ba ang gawain mo sa tuwing tatanungin kita kung sino ang kasama mo? You will tell me lies and then assure me na ako lang ang mahal mo and in the end laugh behind my back dahil paulit-ulit mo akong nauuto? Ganoon ba 'yon, Noah?"

"Babe, kilala mo naman ako, 'di ba? I have so many girl na friend."

"That's what i've been telling myself for the longest time, Noah. Lalo na kapag may nagtatanong sa akin kung bakit iba ang kasama mo sa mga events na pinupuntahan mo. I trusted you too much na nagiging kampante ka to play around kahit na aware pa ako."

"Babe..."

"Let's cool off, Noah. Ayusin mo muna ang buhay mo. Ang dami kong kailangang unahin, para malugmok lang ng dahil sa'yo."

"So now you're ditching me? Bakit? May iba na ba? Kasabwat mo ba 'yong Narda na 'yon para gawan ako ng kwento? I did nothing wrong, Regina. Hindi ako nagchecheat if that's what you're insisting." Pagalit na sagot nito sa kanya.

"Huwag mong idamay si Narda dito. Wala s'yang kasalanan, Noah. Nakita kita! Mismong mga mata ko ang nakakitang may kasama kang babae sa restaurant na 'yon at hindi lang hersay."

"That's... that's my cousin i'm with. Nakita ko lang s'ya sa may mall and then she invited me for dinner. Sinamahan ko lang s'ya. Nawala lang sa isip ko ng tinanong mo ako kanina kasi excited ako sa trip ng barkada this weekend sa Tagaytay."

Tumawa ng pagak si Regina.

"What? Why are you laughing? Inaasar mo ba ako, Regina?"

"May cousin na palang 'babe' ang tawagan ngayon."

He was taken aback by her statement. "Why not since her name is Babylyn? Tatawagin ko s'yang babe or beb for sure."

Napatitig s'ya rito. As if weighing the truthfulness of his words.

"Magtitiwala pa ba ako sa'yo, Noah?" Hindi n'ya mapigilang maitanong.

"But of course, babe. Ikaw lang ang nag-iisa at totoong babe ng buhay ko. Wala ng iba, Regina. Ikaw lang." Ginagap nito ang mga kamay n'ya.

"Let's forget about tonight can we? Hayaan mo, ipapakilala kita sa cousin kong si Babylyn some other time at ng hindi ka na magduda pa sa akin. Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko, Regina. Pagkatiwaalaan mo sana ako."

He kiss her and she kiss him back but abruptly stopped when she remembers Narda.

"Why did you stop? May problema ba?"

"Dito nalang ako, Noah. We'll talk some other time."

Agad na s'yang bumaba sa sasakyan nito.

"Babe! Ihahatid na kita." Bumaba din ito ng sasakyan.

"No need."

Naglakad na s'ya palayo at hindi na pinansin pa ang pagtawag nito.

Nagdial s'ya sa phone. "Answer your phone, Narda."

Nakatatlong dial muna s'ya bago nito sinagot ang tawag n'ya.

"Why?" Bungad na tanong nito at hindi manlang hinintay na magsalita pa s'ya.

"I... i'm sorry, Narda."

"Sorry for what, Regina? For choosing Noah over me? It's okay. I kinda assumed it. Sino ba naman ang pipili ng kaibigan over the love of her life?"

"Narda..."

"Regina, i'm just your friend. I shouldn't expect anything from you."

"But..."

Dinig n'ya ang paghinga nito ng malalim sa kabilang linya.

"Hayaan mo na muna ako sa tampo ko. Lilipas din 'to. Goodnight, Regi."

Hindi na n'ya nagawa pang sumagot dahil pinutol na agad nito ang linya.

"Ang tanga ko para paulit-ulit na piliin ang taong ni hindi ako matatanggap kung hindi dahil sa estado ko sa buhay. Ang tanga ko para ipagpalit 'yong taong alam kong susuportahan ako at magiging masaya sa maliliit na success ko. 'Yong taong laging pipiliing maging masaya ako kaysa palungkutin ako."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now