Chapter 9: Okay na sana pero...

321 12 9
                                    

"Shopping tayo, Mara? We need a dress for the red carpet right?" Yaya ni Regina dito pero halatang ipinaparinig din n'ya kay Narda na s'ya sanang gusto n'yang yayain.

Ilang linggo na silang nagsoshooting pero ni hindi sila nag-uusap ng sila lang, and when they do, casual lang na para bang kapwa ayaw lang maissue na may away sila o tampuhan.

"Sige, gora! Hindi pa din ako nakapamili eh. Sama ka, Narda." Napangiti ng lihim si Regina sa imbitasyon ni Mara kay Narda.

"Hindi ako pwede eh. May lakad kami ni Elmo mamaya."

Nalungkot s'ya sa naging sagot nito. Sakto namang papasok si Elmo sa kwarto.

"Plywood ka ba, Elmo?" Banat ni Mara dito.

"Bakit, baby girl?" Paglalambing nito sa naiiritang si Mara.

"Tigil-tigilan mo nga ako, Elmo. Kapag ako nainlove sa'yo, hindi ko lang alam kung saang bundok ka magtatago para iwasan ako."

"Pwede naman ah. Single naman ako, single ka naman. Bakit hindi?" Tinabihan pa ito ni Elmo.

"Fuck you ka! Tigilan mo nga ako sa kalandian mo, Elmo. 'Pag tayo naissue lagot tayo sa taas. May lakad daw kayo ni Narda mamaya?" Tanong nito habang inaayos ang make-up.

Sasabad pa sana si Narda ng agad itong sumagot. "Wala naman. Bakit? Need my company?"

"Hindi! Asa ka pa. Pwede bang mahiram muna namin itong friend namin, ha, Elmo? Tagal na naming hindi nakakapagbonding eh. Tapos idadahilan ka pa para maiwasan lang kami."

"Mara..." sabad ni Narda.

"Mukhang ayaw tayong kabonding, Mara." Panggagatong pa n'ya rito. Nagtama naman ang paningin nila ni Narda saglit pero s'ya na rin mismo ang unang umiwas.

"Oh s'ya, oo na! Sasama na nga."

"Sa wakas naman!" Mara rolled her eyes pa.

"Sama din ako, baby girl." Ungot naman ni Elmo habang nilalaro ang buhok ni Mara.

"Girls day out 'to no. Saka 'wag ka nga. Hindi ka naman macho para maging bodyguard o taga bitbit manlang ng mga gamit namin. Ang lampa mo kaya."

"Inaunderestimate mo ba ako, Mara? Whoi kahit hindi ako macho, kayang kaya kitang ibalibag no. Subukan pa natin eh."

Akmang kakargahin pa ni Elmo si Mara ng sumenyas ang staff na magsisimula na ang huling sequence para sa araw na iyon.

"See you later ha? Wag mo kaming tatakasan, Narda."

"Oo na! See you later, Regina." Baling nito sa kanya na s'ya naman n'yang tinanguan.

                       _______________

"Bagay ba sa akin 'tong red dress, Narda?" Tanong ni Mara habang abala sila sa pagpili ng maisusuot para sa celebrity ball next week.

"Pwede naman pero mas bagay sa'yo 'yong shining shimmering na white fitted dress."

"Shining shimmering talaga ha? Ififit ko muna 'to and if hindi ko magustuhan, 'yon ng pinili mo ang bibilhin ko." Sagot nito saka nagmamadaling pumasok ng fitting room. Naiwan silang dalawa ni Regina.

Mahabang katahimikan ang pumagitna sa kanila habang namimili ng damit.

"What are you buying?/Kamusta ka na?" Magkasabay pa nilang tanong.

"I'm okay. Ikaw?/ That black dress fits me well." Magkasabay ulit sila na ikinatawa nila parehas.

"I miss you, Narda."

"Namiss din kita, Regina. What's new with you?"

"As if hindi tayo magkasama halos araw-araw no?" Napangiti s'ya. "I'm doing fine. It's just that i'm missing someone everyday."

AFTER THE MOVIEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu