Chapter 36: Ang gago mo, Jameson. Pakyu!

269 16 165
                                    

"Bakit ang tahimik mo, bubby? Kanina ka pa walang kibo d'yan at ang aga mong nag-aya na umuwi na tayo. May problema ka ba? May problema ba tayo, Narda?"

"No. Walang problema, Regina. Is it okay if I cut this vacation short? Narealize kong marami pa pala akong dapat gawin sa Pinas na 'di na makakapaghintay pa."

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang problema mo, Narda? Okay ka pa kanina eh. Okay pa tayo kanina ah. Bakit biglang ganito? Look at me."

Tumitig naman ito sa mga mata n'ya.

"Galit ka. Nakikita ko sa mata mong nagagalit ka. Bakit, Narda?"

Huminga muna ito ng malalim saka ginagap ang kamay n'ya.

"Whatever I do, hindi ako magkakaroon ng pagkalalaki, Regina. I can't grow beard, and I can't be manly enough para matawag na lalaki, para matawag na daddy ni Dare."

Napatango-tango si Regina saka mapait na ngumiti. "Fuck, Jameson! Hindi n'ya dapat sinabi ang mga sinabi n'ya kanina."

"As a matter of fact, hindi ka dapat nagagalit sa kanya dahil nagsasabi lang s'ya ng totoo. Never magkakaroon ng kompletong pamilya si Dare dahil pareho tayong babae. We can be moms but none of us he can call his dad."

"Our love is enough, Narda. We are enough. You are enough for Dare."

"Tayo ang nasasabing enough tayo, Regina. Pero papaniwalain lang natin ang mga sarili natin. Lalaki si Dare, magkakaisip din s'ya at marerealize n'ya rin kung ano'ng mali at kung ano'ng kulang sa pagkatao n'y. Ayokong ibully ng ibang bata si Dare dahil lang sa wala s'yang father figure."

"Damn it, Narda! Hindi natin ipaparamdam kay Dare na may kulang. Gagawa tayo ng paraan. Maybe ihome school natin s'ya hanggang highschool. Tama. Ganoon nalang. Iiwas nating mabully ng ibang bata si Dare."

"Enough, Regina! Tama si Jameson. Kailangan ng daddy figure ni Dare at hindi ko maibibigay sa kanya 'yan. He said he loves you. Might as well give him a chance."

Sinampal n'ya si Narda.

"Ikaw pa ang galit? Ikaw na nga 'tong pinagbibigyan!"

"Hindi kita dinala dito para isipin mo 'yang ganyang bagay. Ipinakita ko lang kung saan lumaki si Dare. Kung paano kami nabuhay ng kami lang na dalawa. Naramdaman ba ng anak natin na may kulang sa kanya ng kami lang dito? Naging single mother ako, Narda. Kinaya kong palakihin ang anak natin ng mag-isa. What's worse than what had happened? Nothing. Ayaw mong magkaroon si Dare ng dalawang mommy? Fine! I can raise him alone just like before. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko, Narda. At kung ayaw mo din sa amin, eh 'di 'wag!"

Tumayo s'ya at tumingin sa bintana.

"Aalis kami ni Dare. At pagbalik namin, sana nakaalis ka na."

"But the contract-..."

"Babalik kami ng Pinas. Hindi ko tatakasan ang kontrata ko, Narda. Tatapusin natin ang movie na nasimulan na natin. But expect na professional nalang ang magiging relasyon natin."

"Sumama nalang kayo sa akin pauwi. Please."

"No. Una ka na. May mga pupuntahan pa ako at kakausapin."

"Eh 'di sabay nalang tayo. Hihintayin ko nalang kayo. Ako nalang ang magbabantay kay Dare dito."

"Don't change your plans, Narda. We'll be okay."

"Alright. See you nalang sa Pinas. And i'm so-..."

"Huwag mo ng ituloy, Narda. Here." Tinanggal n'ya sa kamay n'ya ang binigay nitong singsing at inilagay sa palad nito.

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now