Chapter 33: She fall first, she fell harder

346 17 58
                                    

"Oh akala ko ba pagod ka sa byahe? Bakit lalabas pa tayo?" Tanong ni Narda kay Regina habang nakasakay sila sa bus.

"I want to date my girlfriend. Masama ba 'yon?" Sagot naman nito habang nakangiti.

Kinuha n'ya ang kamay ni Regina and intertwined it with hers.

Napatitig naman ito sa magkahawak nilang mga kamay.

"I wish we can do this too sa Pinas. I mean we can but not in public." Sumeryoso ang mukha nitong nakatitig sa labas ng bintana.

Hinawakan n'ya ang ulo nito saka inihilig sa balikat n'ya.

"Sa tamang panahon, love. I won't promise when but i'll make sure na ipapakilala kita publicly as my wife and syempre Dare as my son."

Regina smirked. "How sure are you ba na papakasalan kita?"

Napakamot nalang si Narda sa ulo. "Hmmm... kailangan ko na bang gumamit ng dahas at impluwensya para pumayag ka?"

Kinurot s'ya nito sa tagiliran kaya napaaray s'ya. "Ara-..."

Instead of covering her mouth with her hand, Regina kiss her to stop her from screaming.

"Para-paraan din para makakiss." Inirapan n'ya ito pero kinindatan lang s'ya nito pabalik sabay tawa.

"Why did we waste so much time for dramas? Ganito pala kasarap sa pakiramdam ang mahalin ng isang Regina Vanguardia."

"Things happen for a reason. Hmmm... what I like about what happened was we had Dare and my girlfriend became one of the hottest playgirl in town. Ekis lang 'yong playgirl na part pero 'yong hottest gusto ko 'yon."

Napangisi s'ya sa pupuntahan ng usapan nilang 'to.

"Ops! Nearly there."

Medyo nadisappoint s'ya sa part na 'di manlang nagbago ang desisyon nitong pumunta muna sila sa bar na tinutugtugan nito dati. They can use the time to stay nalang sana sa isang hotel para magkasarilinan.

"Love, dinala kita dito para makita mo kung anong buhay na meron ako dati. Alam ko kung ano 'yang hinahaba ng nguso mo, Custodio."

"Wala akong iniisip na ganyan ha?"

Umiling lang ito saka tumayo na. Hawak pa rin nito ang kamay n'ya habang bumababa sila sa bus at naglalakad papunta sa pinagtrabahuan nitong bar.

"Masarap bang maging normal na tao lang dito, love? I mean you're still a celebrity sa Pinas at madami pa rin anf nakakarecognize sa'yo kahit medyo matagal kang nawala sa showbizness." Tanong n'ya kay Regina na panaka-nakang may binabati at kinawayan habang nasa daan sila.

"Masarap. In a sense na hindi ko kailangang mabahala na may makakita sa akin sa public places. I mean I can drink my coffee without any disturbance. Not that fans are distractions but I have the freedom to have that much needed alone time and relaxation. 'Yong hindi ka maiissue sino man ang kasama at kausap mo sa labas. 'Yong walang issue kahit wala kang make-up at hindi ka nakapustura kapag lalabas ng bahay."

Tumango-tango s'ya. "Bothered lang ako doon sa kahit sino ang kausap at kasama."

"Silly! They're all friends of course. Selos ka naman d'yan." Tudyo pa nito sa kanya.

"Selos? Nasa vocabulary ko ba dapat 'yon, love? Eh alam kong patay na patay ka sa 'kin."

"Bakit bigla yatang humangin ng malakas? Liliparin yata ako."

Tinawanan lang n'ya ito saka nagpatianod na s'ya papasok sa bar.

"Regi! Is that really you? Long time no see. I thought you went back to the Philippines?" Tanong ng kung 'di s'ya nagkakamali ay manager ng bar na 'to.

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now