Chapter 26: Hindi pa rin daw sila bati

438 21 28
                                    

"Sure ka ba na ayaw mo talagang magdinner tayo sa labas?"

"Yes. I'll cook dinner nalang. Umiwas nalang tayo sa issue, Narda. Not for us, but for Dare. Alam mo naman ang mga paparazzi sa Pinas."

"Yeah. Sorry, I haven't thought about that. I'm so careless."

"Dare, say goodbye to your dada. She's going home na."

Tinitigan sila ng bata saka iniwan ang laruang kotse na binili n'ya para rito kanina at lumapit sa kanila.

"Can you sleep here tonight, dada? Even just for one night, please? Mommy please?" Ungot ng bata habang hawak ang kamay ni Narda.

"Dare, kasama mo na whole day ang dada mo. Hayaan mo na s'yang umuwi at kailangan din n'yang magpahinga."

"No, it's fine. I can stay. If it's okay with you, love."

Tumikwas ang kilay nito at alam n'ya na dahil sa endearment 'yon.

"You're a busy person, Narda. Dare will understand for sure. Hindi ba, Dare?"

Pilit naman na tumango ang bata pero alam n'yang nalungkot ito.

Hinubad n'ya ang blazer saka ang boots na suot.

"It's just one night, love. Saka namiss ko rin kayo. Alam mo bang miss ko ng sobra 'yong mommy mo, Dare? Syempre pati ikaw gusto ko ring makasama. Kaya nga kung pwede lang ay dito na ako titira."

Lumiwanag ang mukha ng bata.

"I like that, dada. Dito ka nalang sa amin. Mommy, punta lang ako kina Aling Tess makikipaglaro lang ako kay Tricia."

"Akala ko ba gusto mong makasama ang dada mo? Bakit ka pa pupunta sa kapitbahay para makipaglaro?" Tinaasan nito ng kilay ang anak.

Yumuko naman si Dare. "Eh mommy, dito naman matutulog si dada. Tabi naman kami mamaya. And I think you and dada have some unfinished business earlier. You were kissing right?"

Pareho silang namula ni Regina. Napasmirk nalang s'ya dito.

"You want a baby brother or a baby sister, Dare?"

Nagningning naman ang mata ng bata sa narinig.

"A baby sister please."

"Heh! Tigilan n'yo nga akong dalawa. Sige na, maglaro ka na sa kapitbahay. Huwag kang masyadong magpakapagod ha? And make sure to be here before dinner."

"Yes, mommy. See you later, dada."

"Bye, kiddo. Ingat."

Umupo s'ya sa sofa saka nagkalikot sa phone.

"What do you want for dinner, love? Padeliver nalang tayo, huwag ka ng magluto."

"Ikaw na ang bahala. Anything will do. I'll grab a shirt and shorts for you. Maligo at magbihis ka muna. And please stop calling me love. Naaasiwa ako, Narda."

"Actually, I love the sound of it. So please let me. You can call me love too if you want. Wanna go shower with me?"

"Tigilan mo nga ako sa kalandian mo, Narda. Walang tayo. I told you, pinapayagan kitang nandito dahil kay Dare. You don't need to be sweet or whatever."

Pumasok ito sa kwarto kaya sinundan n'ya ito.

"I think I was kinda angry and sad when I first saw you again after 6 years." Napatigil naman ito sa paghahanap ng maisusuot n'ya sa cabinet.

"But I realized it was more of jealousy. Coz I see that you glowed and your face radiates happiness. I hated the world since you left. I rarely felt real happiness then. Kaya hindi ko matanggap na masaya ka at ako hindi."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now