Chapter 16: TOTGA

312 14 29
                                    

"Narda?"

Napaangat s'ya ng tingin mula sa binabasang papeles ng tawagin s'ya nito.

Kunot-noong napatitig s'ya sa kabuuan ni Regina.

She'a wearing a black dress where one of the straps has fallen from her shoulder.

"What are you doing, miss Vanguardia?"

Regina didn't answer but tiptoed until she reach her table.

Dumukwang ito at napalunok s'ya ng mapansing gadangkal lang ang layo ng cleavage nito sa mukha n'ya.

"Natatakam ka na ba, ma'am?"

"Ano bang sinasabi mo, miss Vanguardia? Stop whatever nonsense you're about to do! I'm working, huwag kang istorbo!" Pagalit n'yang singhal pero sa halip na umatras ito dahil sa pagmamaldita n'ya ay napangisi pa ito at mas inilapit ang sarili sa kanya.

"Don't tell me hindi ka natatakam, ma'am Narda? Dilaan mo na." Utos pa nito.

"No! Lumayo ka sa akin, Vanguardia!"

Naglabas ito ng kutsilyo na ikinagitla n'ya.

"A-ano 'yan? A-anong gagawin mo sa 'kin?"

"I saw you with that girl and I don't like what I saw. Hindi ako bumalik para lang pasakitan mo, Narda!"

Inambahan s'ya nito ng kutsilyo.

"Huwag!" Napasigaw s'ya ng makitang sasaksakin na s'ya nito.

"Regina, huwag!"

                       ______________

"Ma'am, you're dreaming. Gumising ka!"

Naalimpungatan s'ya sa pagyugyog nito sa kanya.

Nakaupo lang ito sa tabi n'ya at may pag-alalang nakatitig sa kanya.

"You didn't come back to kill me, do you?"

Nakita n'ya ang confusion sa mukha nito. Seryoso s'ya nitong sinuri at maya-maya ay napailing.

"I'm your PA, ma'am. Bakit naman kita papatayin? Pagod lang po kayo. Sa kakatrabaho mo ng sobra nagkakanightmare ka na."

Kumuha ito ng panyo at sinimulang punasan ang noo n'yang namawis dahil sa masamang panaginip na 'yon.

Medyo naiilang s'ya liit ng distansya na meron sila ngayon.

"Ako na, miss Vanguardia. That's beyond your duty."

Pero hindi ito nakinig at tinapos ang pagpupunas ng pawis sa buong mukha n'ya.

Saka n'ya narealize na ngayon lang pala n'ya ito natitigan ng malapitan since bumalik ito.

"She's a bit more matured than she is 6 years ago, I mean appearance wise. The Regina i've known was giddy and playful and her face radiates naughtiness everytime. But the Regina now seemed serious but maybe happier. Her features seemed more defined. Mas gumanda pa nga s'ya as she aged."

Ipinilig n'ya ang ulo sa isiping 'yon.

"Hindi ko dapat inaadmire ang asawa ng iba." Saway n'ya sa sarili.

"Enough, miss Vanguardia. I'm okay now."

Kaagad naman nitong itinago ang panyo sa bulsa at nanahimik sa tabi n'ya.

"Tell manong driver sa exact location ng bahay n'yo. Idadaan ka na namin." Basag n'ya sa awkwardness habang nasa byahe sila.

"Hindi ka manlang kakain ng dinner?" Balik na tanong nito, ni hindi nito sinunod ang utos n'ya.

"I'll drop you off and go to Elle's place. Doon na ako magdidinner. Sabay kami."

Nagpatango-tango ito. Ni hindi manlang nagtanong kung sino si Elle.

"Ah. D'yan nalang ako bababa sa malapit, ma'am. Ayaw na kitang maabala. Sasakay nalang ako ng jeep pauwi." Baling nito sa kanya bago tinapik ang driver sa balikat. "Manong, pakihinto nalang po ng sasakyan sa madadaanan n'yong sakayan ng jeep."

Medyo kumulo ang dugo n'ya sa narinig.

"Is this some kind of a joke, miss Vanguardia? It's as if you're making yourself kawawa para makuha ang simpatya ko. Nagpapaawa ka nga ba talaga? Una, you auditioned for the role kahit pwede naman humingi ka ng recommendation from your parents. Ang dami nilang galamay sa showbiz para paghirapan mo pa mula sa akin ang role na inaasam mo. Pangalawa, pumunta ka sa office riding a bicycle. You must have hidden your car somewhere else para hindi ko makita. And you're suppose to get it now, hindi ba? Pangatlo, sasakay ka ng jeep pauwi? And what? Tell the driver to drop you off to some lowlife village para masabing doon ka nakatira? Naglolokohan ba tayo dito, Vanguardia?"

Napailing ito at ngumiti ng mapakla.

"I haven't realized i've done this to you, Narda. I've made a monster out of a precious person that you are. Judgmental ka na pala ngayon. Una, ilang taon ko ng hindi nakakausap ang parents ko. Wala na silang connection sa akin aside sa ginagamit ko pa rin ang last name ng tatay ko and wala na akong balak pang humingi ng tulong sa kanila since pinili kong umalis sa poder nila. Pangalawa, nakita n'yo naman siguro na 'yon talaga ang sinakyan ko papunta sa opisina n'yo. Dapat nga dala ko 'yon ngayon pauwi pero andoon nakapark at naiwan sa guard ng building n'yo kasi andami nating pinuntahan at hassle na kung babalikan ko pa 'yon ngayon. Pangatlo, walang masama sa pagsakay sa jeep lalo na kung nagtitipid ka kagaya ko. At ano naman kung sa mumurahing apartment ako nakatira? It's still my home. May mauuwian ako na matatawag kong sa akin."

"You were born with a golden spoon. Paano ako maniniwala na kakayanin mo to live a low life like that? Mga kalokohan mo talaga, Vanguardia!"

"Sana nga nakikipaglokohan ako sa'yo, ma'am Narda. Ikaw nga, nag-iba ka na, hindi na ikaw 'yong nakilala kong Narda noon. So hindi mo maeexpect na ako pa rin 'yon Regina na nakilala mo dati. Iba na ang mundo ko ngayon, Narda. Wala na akong marangyang buhay. Nabubuhay nalang ako sa raket at gigs. The limelight, the fame, the wealth lahat ng 'yon wala na sa 'kin, but i'm happy. Kasi pinili kong maging masaya sa choices na ginawa ko sa nakaraan. If I may, bababa na ako. Maglalakad pa ako pabalik sa sakayan if lumampas ako. Goodnight sa'yo, ma'am Narda. Aagahan ko bukas."

Bumaba na ito ng sasakyan ng hindi manlang s'ya hinintay na makasagot pa. Nakita nalang n'yang totoong pumara ito ng jeep at kaagad ng sumakay.

Nakita n'yang napatitig pa ito sa dako ng sasakyan n'ya ng madaanan sila ng jeep na sinasakyan nito.

"Manong, sundan mo 'yong jeep. Let's see kung saan umuuwi si Regina. Huwag ka lang masyadong dumikit para hindi n'ya tayo mapansin."

Kaagad naman nitong pinaandar at sasakyan at sinunod s'ya sa gusto n'yang mangyari.

[After a few minutes]

"Hmmm. So this is where you live..." Binuksan n'ya ang bintana ng sasakyan at pinanood ito habang naglalakad sa pavement papunta sa isang apartment.

May mangilan-ngilang nakatambay sa labas na bumati rito na animo'y kilalang-kilala na ng mga ito si Regina.

"Mukhang hindi nga s'ya nagsisinungaling na dito s'ya nakatira."

Tiningala n'ya ang isang medyo desente namang apartment building kung saan ito pumasok.

"Tara na, manong. Sa bahay nalang tayo. Hindi na muna ako tutuloy sa lakad namin ni Elle." Yaya n'ya sa driver ng mapagtantong medyo matagal na pala s'yang nakatulala sa apartment na pinasukan nito.

"Nakakadrain ka talagang kaaway, miss Vanguardia. Nawawalan ako ng gana sa lahat ng dahil sa'yo, just like the old times."

Aminin man n'ya o hindi, Regina still has an effect on her even after 6 years of being apart. Regina is Narda's "the one that got away" after all.

"I wonder what happened to you sa 6 years mong pagkawala, Regina. Bakit ganito na ang buhay mo ngayon?"

Napakibit-balikat nalang s'ya at ipinikit ang mata.

"That's the question I won't even try to ask you. Wala na dapat akong pakialam sa'yo ngayon, Vanguardia."

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon