Chapter 14: 6 years after the movie

321 14 11
                                    

6 years later...

"Maya, buti nakita kita dito."

"Maam Regina? Hala! Ikaw nga po. Kamusta na po kayo?"

Nagkanda-hulog-hulog ang mga dala nitong gamit ng tumigil ito sa harap n'ya.

"Hmmm. Ito medyo hindi okay. May pwede bang maapplyan na trabaho d'yan? Kailangan na kailangan ko lang talaga." Sagot n'ya habang tinutulungan itong pulutin ang mga papel at folder na nahulog sa lapag.

"Sakto po, ma'am, may audition po ngayon. Doon nga ang punta ko eh. Kailangan po ng bida at mga supporting actors and actresses para sa bagong teleserye."

"Naku! Hindi, Maya. Kahit production assistant lang okay na ako. Ayaw na rin naman sa akin ng showbizness. Tinalikuran na ako nito since tinalikuran ko 'to 6 years ago."

"Eh bakit po? Sayang naman, ma'am. Sayang naman po ang opportunity. Mag audition na kayo since andito na din po kayo. Or pwede naman yata humingi ng tulong sa parents mo. For sure po madami pa rin silang connections sa showbiz kahit hindi na sila nag-aartista."

"Matagal na akong umalis sa bahay, Maya. I'm on my own now."

"As much as gusto kong makipagchikahan sa inyo, ma'am, kailangan na ako sa loob. Pag-isipan n'yo po ang sinabi ko. Magaling po kayong aktres dati, for sure hanggang ngayon kaya n'yo pa ring umakting. Babye po."

Nagpaalam na si Maya at nagkukumahog sa pagpasok sa casting room.

"Hmmm. There's no harm in trying... again."

                    _____________

Ilang beses na ba s'yang sumubok bumalik sa showbiz ngayong buwan? She went to several auditions pero isang malaking "NO" palagi ang nagiging sagot sa kanya.

"Sino pa ang gaganahang kumuha sa isang Regina Vanguardia since iniwan mo ng walang pasabi ang showbiz?"

"You never even finished taping your movie at basta ka nalang nang-iwan sa ere. Bakit pa kita kukunin? Ayokong magkaproblema no!"

"The movie you left almost didn't make it to the big screen. Nang dahil sa kapabayaan mo, muntik ng masayang ang pera, panahon at pagod ng management, staffs at ibang artista. So please stop dreaming na makakabalik ka pa sa limelight."

"Last na talaga 'to. After nito titigil na ako sa pag-aasam na makabalik ng showbiz. Makokontento nalang ako sa pagbabanda at maghahanap nalang ng dagdag na raket para matustusan ang pangangailangan ko."

Huminga s'ya ng malalim at nagpalista sa naroong staff. Binigyan naman s'ya nito ng number at ng babasahing line para sa audition.

                    _______________

Mangilan-ngilan na ang naglabas pasok sa casting room. Ang iba ay masaya at ang iba ay malungkot. Sari-sari ang kapalaran. S'ya naman ay halos malusaw na sa kinauupuan dahil sa pagkakatitig ng mga artistang ang iba ay baguhan at ang iba naman ay dati na n'yang kasabayan, some are older artist na naghahangad din ng comeback sa showbizness kagaya n'ya. Halata sa mga titig ng mga ito ang pagkadisgusto sa presence n'ya.

"Number 15."

Agad na tumayo s'ya ng marinig ang number n'ya. Agad naman s'yang pinapasok nito sa loob.

She saw a panel inside. And she immediately pivoted for the door ng mapagsino ang isa sa mga panelist. Nakatungo ito at sa wari'y may isinusulat sa papel kaya hindi s'ya nito napansin.

"Name please." She heard a man's voice calling her attention.

"Hello. My name is Regina Vanguardia."

Kaagad namang napaangat ng tingin ang babae at napatitig sa kanya.

She tried to be calm pero ang totoo kanina pa talaga s'ya kinakabahan. Lalo ng 'di s'ya mapakali dahil nasa harap n'ya ngayon si Narda Custodio.

"Oh! Miss Vanguardia. It's been a while since I heard your name. Kamusta ka, Hija?"

Sasagot pa sana s'ya but an arrogant female voice interrupted their exchange.

"I'm sorry direk, but this is an audition. Maybe that chitchat can wait after her audition."

Tumikhim naman ang direktor. "They give you a line kanina, 'di ba? Please be ready on cue."

Tumango naman s'ya at nag-internalize.

Hinuli n'ya ang titig ni Narda saka binitawan ang linya.

"Iniwan kita pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi na kita mahal. Ang daming rason para piliin kong nasa tabi mo lang ako pero mas pinili kong lumayo para tuluyan ka ng sumaya."

"Pwede!"

"You still got it in you, Regina."

"I guess we found our main character."

Mga komentong nagbigay ng pag-asa kay Regina. Hindi yata't ito na ang way para muli s'yang makabalik sa pinilakang tabing.

"I disagree. Hindi ko gusto ang way of acting, walang feelings at kulang sa emosyon ang pagdeliver ng lines. Hanap tayo ng iba. We'll call you if we still want you, Miss Vanguardia."

Matagal s'yang napatitig sa babae. Hindi na ito ang Narda na dati n'yang nakilala. She sounds strict and emotionless.

"Sorry, Regina. Narda has the final say talaga. Hindi lang kasi s'ya ang gaganap na bidang-kontrabida sa serye, co-producer din s'ya dito."

"Okay lang po. Naiintindihan ko. Salamat po sa pagkakataon. Honestly this will be my very last audition. I tried my luck kasi nangangailangan lang talaga ako. But I guess showbizness isn't for me anymore. Salamat po sa time."

Akmang lalabas na s'ya ng pinto ng magsalita ulit si Narda.

"You really want the role?" Tanong nito.

Nagkaroon s'ya ng pag-asa. Maybe sa likod ng unexpressive nitong mukha, soft hearted pa din ito kagaya ng Narda na nakilala n'ya years ago.

"Hindi ko naman hinahangad ang main character role. Maski ano, basta may trabaho." Sagot n'ya dito.

"Taping will start in 3 months. I will consider giving you the role. But you have to earn your spot, miss Vanguardia."

"How?"

"Work for me. Be my personal assistant. And when I mean personal, nakabuntot kang parang aso sa akin palagi. Kung nasaan ako, nandoon ka."

"At kung hindi ko magawa ang trabahong gusto mong ipagawa sa akin?"

"Then forget about showbizness, Miss Vanguardia."

Pinuno n'ya ang dibdib ng hangin. Kung ito nalang ang tanging paraan para makabalik ulit s'ya sa limelight, why not? Maliit lang siguro na sakripisyo 'to.

"Tell your husband and your kid if there's any na mawawala ka ng 3 months or maybe kung hanggang kailan mo lang kakayaning maging alalay ko, because I work 24/7. Walang oras ang pahinga, miss Vanguardia. Everything is compensated pa rin para matustusan ang mga pangangailangan mo at ng pamilya mo. That is, if you are up for the challenge."

"Tinatanggap ko, Narda. I mean, i'll work as your personal assistant, miss Custodio."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now