Chapter 18: Bruises of the past

310 16 24
                                    

"Ding, I can't. Ang dami ko pang dapat gawin dito sa Manila. Sabihin mo kay lola next year na ako uuwi."

"Next year? Ikaw nalang ang magsabi, te. Ayokong madamay no. 'Pag ikaw pinuntahan talaga d'yan ni lola, lagot ka."

"Eh bakit? Sa palagay mo ba mas importante pa ang anniversary nila kaysa sa mga trabaho ko dito sa Manila? Andyan ka naman, Ding. Igala mo nalang. Bibigyan kita ng pera."

"Mas importanteng hindi ka mapingot ni lola, te. Sinasabi ko sa'yo, 'di mo magugustuhan ang gagawin n'ya 'pag sinabi kong hindi ka na naman uuwi. Ate, 6 years ka ng hindi nagpapakita sa amin dito. Miss na miss ka na ni lola't lolo. Alam mo namang dahilan n'ya lang 'yang anniversary nila ni lolo para umuwi ka dito. And she warns me na kapag hindi ka pa din uuwi bukas, susunduin ka na n'ya d'yan sa Manila. Pag-isipan mo, te. Sige bye."

Nahilot nalang ni Narda ang batok matapos ang pag-uusap nilang 'yon ni Ding sa phone. Nasistress na nga s'ya sa presence ni Regina sa opisina, masisistress pa s'ya lalo sa lola n'ya.

"6 years."

6 years na s'yang hindi nakauwi sa kanila. 6 years na s'yang detached sa mga mahal n'ya sa buhay and that's because of one person. Regina Vanguardia.

She dialled Regina's number. "I need you here in my office right now." Kaagad n'yang sabi ng sinagot nito ang tawag. Hindi na rin n'ya ito hinintay pang sumagot bago inend ang call.

"Yes, ma'am Narda? May kailangan ka?" Kaagad nitong tanong pagkapasok sa opisina n'ya.

"I need you to buy me a gift for my lolo and lola's wedding anniversary tomorrow. Get the fund from my secretary. Ikaw na ang bahalang mamili ng gift para sa kanila."

Tahimik lang ito at wari'y naghihintay pang may sabihin s'ya.

"I'm taking you to the province with me tomorrow. We might stay for a night there too. So take the day off, ayusin mo ang mga dapat mong ayusin at hihintayin kita sa bahay bukas ng maaga. I have to run some errands before we go to the province."

"Copy that, ma'am. May iuutos ka pa ba bago ako umalis?"

"Wala na. Bukas mo nalang din dalhin 'yong gift. Pwede ka ng umuwi."

Tumango lang ito saka wala ng paalam na lumabas ng opisina n'ya.

"Don't give me that bullshit, Vanguardia! Ikaw at hindi ako ang may kasalanan sa nakaraan kaya ganito tayo ngayon. Sa ating dalawa, ako lang ang may karapatang magtampo at hindi ikaw!"

Inis n'yang sabi habang nakatitig sa nakasarado ng pinto.

Regina has been like this to her eversince their confrontation about Regina living a lowlife.

Ilang linggo na silang ganito. Nakasunod lagi ito sa kanya kung saan s'ya magpunta. Tagabitbit ng mga gamit n'ya kung may show at kung namimili sa mall. Tagabantay kapag lumalabas s'ya sa gabi para magparty. Tagaalalay kapag nalalasing s'ya. Tahimik lang nitong sinusunod ang mga utos n'ya, nagtatanong kung may hindi naiintindihan at sumasagot lang din kapag kinakausap. But they never have a real conversation nor any argument. Nag-eexist sila pareho sa iisang lugar pero hindi sa buhay ng isa't isa.

                 ________________

"Lolo! Lola! Happy anniversary po." Kaagad s'yang nagmano sa matatanda at ibinigay ang regalong pinabili n'ya kay Regina kahapon.

Tahimik lang na nakasunod si Regina sa kanya.

"Buti naman at nakaalala kang umuwi." May pagtatampong sabi ng lola Berta n'ya.

"Sa wakas nauwi din ang paborito naming apo. Kamusta ang byahe, mga hija?" Nakangiti namang bati ng lolo Rolando n'ya.

"Ayos naman po, lo."

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon