Chapter 42: Coming out

347 21 59
                                    

"Impossible!" Sabad ng kung sino sa tabi nila.

"Sino ka ba para sumabad sa usapan ng may usapan?" Nilingon ni Regina ang babaeng chismosa na katabi pala n'ya mula pa kaninang nagsisimula ang pelikula.

Binistahan rin ng tingin ni Narda ang babae upang mapagsino ito.

"S-sofia?"

"Hello, Narda. Missed me?"

Dumukwang s'ya para medyo makalapit sa kinauupuan ng babae.

"Huwag kang gumawa ng eksena dito, pwede ba? Mag-usap tayo mamaya kapag tayo-tayo nalang." Halos pabulong na sabi n'ya, sakto lang para marinig ng babae ang sinasabi n'ya.

"Do you know this girl, Narda?" Confused na tanong ni Regina.

"Uy, hi. It's so rude of me to interfere without introducing myself first. I'm Sofia Andrade. For sure never mo ng makakalimutan ang pangalang 'yan your whole life."

"At sino ka para maging relevant sa buhay ko, aber?" Medyo nainis na si Regina kaya hindi na rin n'ya napigilan ang sariling patulan ito.

"Ako? Sino ako? Ako lang naman 'yong isa sa mga babaeng kalandian n'yang si Narda Custodio."

"But that was then. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tapos na tayo, Sofia? Bakit ka ba nandito? Bakit ka ba nanggugulo?"

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong gaganti ako? Ito na ang tamang panahon para doon, Narda. Akala mo, basta-basta mo nalang akong mapapaalis sa buhay mo? Without even giving a fight? Seryoso ka?"

"Narda, ano 'to? Akala ko ba inayos mo na 'to? Dare will be so disappointed, and so am I."

"Love, I told you. Tinapos ko na lahat ng ugnayan ko sa kanila even before I proposed."

"Kanina I wanted to change my mind and stay dahil sa ginawa mong effort para magkabati kami nina dad. Pero ngayon? Ngayon palang gustong-gusto ko ng umalis. I shouldn't have thought about marrying you in the first place."

"Ni hindi n'ya nagawang bigyan kami ng label. Ni hindi nga n'ya magawang maging proud sa kahit na isa sa amin in public. Pangatawanan ka pa kaya?Impossibleng seryosohin at panindigan ka ng isang playgirl na kagaya ni Narda, Regina Vanguardia. Ni hindi nga n'ya maamin sa publiko na tomboy s'ya. Na ang dami n'yang babaeng kinalantari, pinaglaruan at sinaktan."

Saktong natapos na ang post-credit scene at lumiwanag na ang paligid.

Hindi inaasahan ni Narda ang pangyayari at halatang hindi na n'ya mapipigilan si Sofia sa pag-eexpose sa kanila.

"Hey everyone! Thank you for coming. But before you leave, baka gusto n'yo muna ng chismis?"

Nagsitinginan ang mga naroroon sa dako ni Sofia. Dahan-dahan na ring naglalabas ng cellphone ang iba at nakatutok na rin sa kanila ang mga camera ng media.

"Sofia, please. Don't do this please. Pag-usapan natin ng maayos 'to." Mahinahong saway pa rin ni Narda sa babae. Nakatayo na rin sila ni Reging paharap dito.

"Wala na tayong dapat pag-uusapan pa, Narda. Kaya nga dito ako nagpakita sa'yo, 'di ba? Kasi dito ko gustong ipakilala sa buong madla kung sino ka ba talaga. Kung ano at sino ka sa totoong buhay."

"Eyes on this two everyone. Total sila naman ang bida sa pelikula, sila din ang bida sa kwentong isisiwalat ko sa inyo ngayon. See this two? Narda Custodio and Regina Vanguardia? Mga sinungaling, manloloko at mapanlinlang sila."

Nag-umpisa ng umingay ang bulong-bulungan sa buong sinehan. Maski si Regina ay hindi na nakahuma at naistatwa nalang din sa kinatatayuan n'ya.

"Alam n'yo bang 6 na taon na ang nakakalipas ng magkaroon ng secret love affair ang dalawang 'to? Naging front lang si Elmo para hindi mabisto ang totong pagkatao nitong si Narda Custodio."

Camera clicks at samut-saring audio and video recorders na ang nakatututok sa dako nila.

"Biruin n'yo 'yon, nagkaanak pa silang dalawa. Dare. Dare ang pangalan ng anak nila. 'Yong kasamang bata ni Regina Vanguardia pagbalik n'ya sa Pilipinas ay ang anak n'ya pala kay Narda Custodio. Hindi ba ang galing nilang magtago ng sekreto? Hindi n'yo naamoy 'yon, 'di ba?"

Mas lalong umingay ang paligid dahil sa rebelasyon ni Sofia. Ni hindi s'ya magawang awatin ng kung sino sa kanila dahil sa napapaligiran sila ng media.

"Si Dare? Nasaan si Dare, Narda?" Tanong sa kanya ni Regina.

"Nasa kotse ko kasama ng driver. Huminahon ka muna, Regi. Aayusin ko 'to." Pagpapakalma n'ya sa nagpapanic na dalaga.

"Kakalma? Paano ako kakalma? Anytime ay pwedeng kuyugin ng mga reporters ang anak ko lalo na at hindi ko pa s'ya kasama dito. Hindi kita mapapatawad, Narda. Dinamay mo pa ang anak ko sa gulong ito. Dapat lang na ayusin mo 'to. Ikaw ang may gawa nito kaya ikaw ang umayos. Kapag tumalikod na ako, please lang... pakiusap ko sa'yo, huwag mo na kaming susundan pa. Aalis na rin naman kami bukas at gusto kong makaalis kami ni Dare ng matiwasay. Last favor na hihilingin ko sa'yo 'yon. Sana pagbigyan mo ako, Narda."

Tumakbo na si Regina palabas ng sinehan para puntahan si Dare. Nakasunod ang mga magulang nito dito at hinarang na n'ya ang mga reporters bago pa man nila ito sundan at kuyugin.

"Huwag n'yo na s'yang sundan please. Magbibigay na ako ng statement."

S'ya ang naiwan sa gitna ng curious na crowd kaharap ni Sofia na kanina pa nakangisi dahil sa exposè na ginawa nito kani-kanina lang. Maraming nagpaflash na mga camera sa paligid habang hinihintay s'yang magsalita.

"Nagkakamali kayo. Sinisiraan lang ni Sofia sina Narda at Regina. Ako, ako ang tunay na ama ng anak ni Regina Vanguardia." Pumagitna si Elmo at nilapitan si Narda. Gusto n'yang protektahan ang dalawa at ito lang ang naisip n'yang paraan.

"Okay ka lang?" Concerned na tanong nito sabay hawak sa kamay n'ya.

"Mo, you don't have to do this. Ayoko ng magtago. Ayoko ng maging duwag. For once gusto ko namang piliin at ipaglaban ang mag-ina ko... kasi deserve nila 'yon. Andito na 'to kaya haharapin ko na." Ngitian n'ya si Elmo.

"Hayst! Tama ka rin. Hindi n'yo na rin naman matatago 'to sa kanila. Sige. Ikaw ang bahala. Kung 'yan ang desisyon mo, susuportahan kita. Dito lang ako, Narda. Hindi kita pababayaan."

"Salamat, Mo. I appreciate this." Sabi n'ya dito bago ulit hinarap ang mga reporters.

"Aamin na po ako. Gusto kong sa akin mismo manggaling ang statement at hindi sa kung sinuman na gusto lang gumanti sa akin kaya ito ginagawa." Inirapan s'ya ni Sofia na nawala na ang ngiti sa labi dahil sa sinabi n'ya. "Elmo here is just trying to protect me and my family. But I wanted to be honest with you, once and for all, especially sa mga fans ko na sumusuporta sa akin throughout the years. You deserve to know. Oo, anak ko si Dare kay Regina Vanguardia. Nabuo ang bata thru an IVF more than 5 years ago. Ours was a love-hate relationship kaya umalis si Regina ng bansa at ngayon lang bumalik. 'Yon lang ang sasabihin ko tungkol sa bagay na 'yon. Other than that should remain private at sana respetuhin n'yo 'yon. Sinusubukan kong buuin ang pamilya ko sa ngayon. At malapit ko na sanang maayos kaso may mga tao talagang ayaw kaming maging masaya. Well, maybe this is my karma since naging mapaglaro ako sa pag-ibig noong umalis si Regina. Kaya rin siguro marami akong nasaktan na babae at isa na doon si Sofia. Sorry, Sof, pati na sa iba. Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang malaman n'yo na naging mahalaga din kayo sa akin at nagpapasalamat ako sa inyo for being there for me when i'm at my worst."

Natahimik ang lahat at naghintay sa iba pa n'yang sasabihin. "And this GL is not just a mere GL but as a step towards my coming out. I was planning to release a statement through a presconference in the coming days pero heto na to. Nangyari na 'to kaya dito nalang. Yes, i'm gay. I'm gay and i'm inlove with a girl. I'm inlove with Regina Vanguardia."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now