Chapter 32: Narda n'yo nambabakod

463 20 26
                                    

"Narda! You're late. Akala ko hindi mo na kami sisiputin." Galit na bungad ni Regina sa kanya sabay tayo mula sa pagkakaupo sa may waiting area ng airport.

"Love, I..."

Nabunggo pa s'ya ng isang pasahero mula sa likuran pero imbis na lingunin ito ay kinarga nalang n'ya si Dare at niyakap si Regina.

"Saan na nagpunta 'yon? Nakasunod lang tayo sa kanya kanina pa ah."

"Sayang naman! Mukhang naiwala pa natin s'ya."

"Eh ikaw kasi! Akala ko ba tamang kotse 'yong sinusundan natin papuntang airport?

"Eh malay ko bang namali tayo? Eh nakafocus lang naman ang attensyon natin sa kanya kanina eh. Hindi ba nga sumakay lang s'ya ng taxi? Natatandaan ko talaga 'yong plate number."

"Namali nga. Tingnan mo nga, may asawa't anak pa sa kamalas-malasan ang nasundan natin at hindi si Narda Custodio."

"Sabi ko naman kasi sa'yo paglabas ng bahay n'ya, ambush interview kaagad. Eh ang bagal mo. Nawala tuloy! O saan na natin hahanapin ngayon 'yon?"

"Balik nalang muna tayo ng headquarters, brad."

"Akala ko si Narda Custodio talaga. Just some normal family man lang pala. Let's go, abangan nalang ulit natin s'ya bukas. Mas agahan pa natin."

Nakahinga ng maluwag si Narda ng makaalis na ang mga nakasunod sa kanya.

Naupo ito sa tabi ni Regina habang kalong si Dare.

"Dada! I miss you." Bati ni Dare sabay yakap sa kanya.

"I miss you too, kiddo." Ginulo pa n'ya ang buhok nito. "Sorry, love." Sabi nalang din n'ya kay Regina. Alam n'yang narinig din ni Regina ang usapan ng dalawa kaya hindi na rin siguro n'ya kailangang magpaliwanag kung bakit late s'ya dumating.

"Those paparazzis talaga! They're everywhere." Inis na napahalukipkip si Regina sa tabi n'ya. Mabuti at nakasunglasses at face mask din ito kaya hindi namukhaan ng mga paparazzi. Mas malaking issue 'pag nagkataon.

"Funny no? Kasi napagkakamalan talaga akong daddy kahit na mas maliit ako kaysa sa'yo." Natatawa n'yang banat sabay akbay kay Regina. Tahimik lang si Dare na nakayakap sa kanya.

"Heh! Poganda mo kasi! Astigin pa kung maglakad. Pwera nalang kung nakastilleto kasi kunwari pademure at girl na girl." Irap pa sa kanya ni Regina.

"Ikaw dapat ang daddy eh kasi mas malaki ka." Tudyo pa n'ya dito.

Kinurot s'ya nito sa tagiliran. "Hala! Sino ba ang umire sa anak mo ha, Narda?" Napakamot nalang s'ya sa ulo habang natatawa.

"Saka bakit? Nasusukat ba sa laki ang pagiging daddy? Saka bagay ka naman maging daddy ko since you're poganda, but I can be your daddy too if you want to. Pero paano 'yan eh mas gusto kong maging baby mo ko?"

Ang simple lang naman ng banat ni Regina pero ngiting-ngiti si Narda sa ilalim ng mask. Alam n'yang nag-iinit ang pisngi n'ya dahil sa pamumula nito.

"So this is how it feels like to be Regina Vanguardia'a husband? Practice na ba 'to, love?"

"I told you, papatunayan mo pa kung kaya mong pangatawanan 'yan, Narda." Nagtanggal ito ng shades na s'ya rin n'yang ginawa.

"Mukhang hindi na siguro, love."

Nakita n'ya ang disappointment sa mukha nito sa sinabi n'ya.

Umarko ang kilay nito. "Eh bakit ka pa sumam-..."

"Papatayin mo kasi ako sa kilig ngayon palang dahil sa mga banat mo. Paano ko pa kakayanin ang mga susunod dito?"

Isang pinong kurot sa tagiliran n'ya ang naging sagot nito.

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon