Chapter 6: Got to be real

321 11 31
                                    

"Kahit ifriendzoned mo pa ako ng ifriendzoned, andito lang ako para sa'yo, Regina. Aalagaan kita at ipaparamdam ko sa'yo kung paano mahalin ng totoo at tama."

"Narda... Did you get the idea na magkakasomething tayo dahil lang sa kiss sa bar? It was nothing. We are actresses. Kaya nating makipaghalikan kahit sino pa ang partner without having emotional attachment. Drop it. Just consider it like a scene in a movie."

"Mababaw ba ako for you, Regina? Sa palagay mo dahil lang doon kaya ko 'to sinasabi? Crazy but i'm more determined right now. Determined na maipadanas sa'yo ang tunay na meaning ng love. 'Yon bang mahal mo lang ang tao kasi s'ya 'yon. Hindi sa kung babae ba s'ya o lalaki. Hindi sa kung may titi ba s'ya o wala."

"Hay! Bakit pa kasi ako ang minahal mo, Narda? Sana iba nalang. Masasaktan lang kita."

Nakipagtitigan ito sa kanya at mapait na ngumiti.

"Hindi naman kasi natuturuan ang puso, Regina. Matagal na kitang gusto pero sinubukan ko namang ibaling sa iba 'tong nararamdaman ko dahil malabong magkaroon ng tayo. Pero wala eh. Gaga 'tong puso na 'to kasi hanggang ngayon, ikaw lang talaga ang tinitibok nito."

"Sana kaya kong pagbigyan ang gusto mo. But i'm still brokenhearted. Ayaw kitang gawing panakip-butas. Hindi mo deserve 'yon. You are like a sister to me, Narda. Bestfriend pa. And the last thing that I wanted do to is hurt you."

"I love you, Regina. The only thing that I wish for, is for you to love me back. And because of that, I will do anything and everything to make you fall inlove with me. I'll make sure that you'll forget about your feelings for him. Just give me a chance. Just one chance to prove to you how much I love you."

"But..."

Hindi na natapos ni Regina ang sasabihin ng halikan s'ya ni Narda sa labi. The kiss is short but passionate.

"Just let me show you how much I love you, Regina. No buts, no ifs. I don't want 'what ifs' and 'could have beens'. Let me take my shot. I'll make sure to make you fall inlove with me."

"Don't confuse me, Narda. Nahihilo na nga ako."

"Get up! Huwag mong ibaby 'yang nararamdaman mo."

Pilit n'ya itong itinayo sa pagkakasalampak sa damuhan.

"Nasasaktan ako, Narda. I'm in pain." Sabi ni Regina na akmang tutungga na naman ng alak.

"Is the guy worth it? Is he worth your tears? That guy is trash, Regina!"

"But that guy is the man I love, Narda!"

Sinampal-sampal n'ya ito ng mahina. "Wake up, Regina! Hindi ko nakikita sa pagkatao mong magiging martir ka sa lalaking 'yon forever! Come with me. Ilabas mo sa ibang paraan 'yang galit at inis mo. Ayokong makita kang nalulugmok dahil lang sa kumag na 'yon."

"Saan mo ba ako dadalhin ha?" Pilit naman nitong inaayos ang pagkakatayo.

"You brought me to your special place, so it's time for me to bring you to mine."

                      ----------------------

"Coffee?" Untag n'ya rito matapos silang tumigil sa isang convenient store.

"Inumin mo 'yan habang mainit pa at ng mahimasmasan ka. Don't get me wrong, Regina. Gusto kitang alagaan sa paraang alam kong magugustuhan mo, pero paano mamaya? Bukas? Sa isang araw? Magkukulong ka sa kwarto, kakain ng junk foods at iiyak buong araw?"

"I want to go home now, Narda. Napapagod na ako. Take me home please." She pleaded.

Umiling s'ya. "I'll bring you home, but first give me a chance to lessen your pain. Be with me tonight."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now