Chapter 22: Dare

398 17 21
                                    

"Good morning po. Who are you po?" Napatda si Narda ng paglabas n'ya sa kwarto ni Regina may bumungad na bata sa kanya.

Nakaupo ito sa couch habang nagbabasa ng magazine. Nagbabasa ito ng magazine habang nakakuyakoy at may nakalagay na isang basong gatas sa lamesa sa harap nito.

"Hanep na bata 'to ah." Naisa-isip n'ya.

The kid might be 5 or 6 years old. Gwapong bata. Maputi. Medyo singkit ng konti ang mata kagaya ni Regina. Maganda din ang ngiti. In short cute na cute.

"Can I?" Tanong n'ya sabay turo sa katabi nitong upuan.

"Yes po."

Ibinaba naman nito ang hawak na magazine saka tinitigan s'ya.

"Why does this kid looks familiar to me?" Tanong n'ya sa isip.

"Back with my question." Inabot nito ang baso ng gatas saka uminom ng konti habang nakatitig sa kanya.

Napailing s'ya sa kaseryosohan ng bata. Feeling yata nito matanda na ito, kaya ganito ito kung umasta at makipag-usap. "I'm Narda Custodio. Regina's friend."

Napatigil ang bata sa akmang pag-inom sa baso nito.

"Ang expressive naman ng mga mata n'ya." Puna ni Narda.

Kanina kasi ay curiosity ang nakikita n'ya sa mga mata nito tapos biglang lumamlam at lumungkot ng sabihin n'ya ang pangalan n'ya.

"How about you? What's your name?" Nakangiti n'yang tanong pabalik.

"My name is Dare. I'm my mommy Regina's sunshine. You are her favorite star, aren't you?"

Naguluhan s'ya sa tanong ng bata. She? Favorite star ni Regina?

"Favorite what?"

"I'm my mommy's strength while you are her weakness."

Mas nalito s'ya sa pinagsasabi nito.

Nagulat s'ya ng hilahin s'ya nito sa kamay.

"Help me make breakfast for mommy."

Hihindian pa sana n'ya ito kasi kailangan na n'yang umalis bago pa magising si Regina pero hila-hila na s'ya nito papunta sa maliit na kusina.

"What do you usually have for breakfast ba?" Tanong nalang n'ya saka binuksan ang ref.

"Take whatever there is. We eat whatever we can afford."

Medyo may kirot sa puso n'ya ang sinabi nito.

"She really went through a lot maybe for her to be contented like this."

"Mommy works hard for me. Nag-iipon s'ya ng pera for my surgery. That's why she told me we have to be contented on whatever we have. It's not everyday that she has work kaya dapat magtipid daw kami."

He tried to rip open the hotdog's plastic wrapper but he can't.

"Urgh! I hate being this small. I can't help mommy that much." Reklamo nito sabay abot sa kanya ng hindi pa nabubuksang wrapper.

Hindi n'ya maiwasang lihim na mapangiti sa pagiging vocal ng bata.

"Darating ang araw, makakaya mo na. For now do whatever you can muna. Your hugs and kisses is enough to lessen your mommy's exhaustion for now."

"That was what you were doing earlier then? I saw you hugging and kissing mommy while she's asleep."

Kamuntik ng mapaso si Narda ng mailaglag n'ya bigla ang hotdog sa kumukulong mantika dahil sa sinabi nito.

"Ops! Mommy told me it's bad to pry but it was an honest mistake. Inihatid ako ni Aling Tess ng maaga kasi may pupuntahan s'ya. I stayed there for the night since mommy told her to do so. I wanted to greet mommy good morning but that's what I saw. I told Aling Tess to make me milk nalang and waited for you to come out."

"Sa lahat ba naman ng makakahuli sa'yo, bata pa talaga, Narda?" Halos matampal na n'ya ang sariling noo sa narinig mula sa bata.

"It was nothing. Forget about what you saw, Dare. I was just saying goodbye to your mom since i'm about to leave."

Tumango-tango naman ito na hindi n'ya alam kung naniniwala ba ito o hindi sa kanya.

"I can't understand you adults. It's so easy to be honest yet you always choose to pretend and hide your feelings. You're not a good example for children." Sabi nito sabay abot ng platong paglalagyan n'ya ng hotdogs.

Ayon na nga. Hindi n'ya magogoyo ang batang 'to. Napangiti na napapailing nalang s'ya sa kaprangkahan nito.

"I wasn't lying." Depensa n'ya.

Hindi s'ya nito sinagot at abala na sa paglalagay ng 3 plato at mga kubyertos sa lamesa.

"I'll wake mommy up, dada. The coffee is up there. Please make mommy's black coffee, 1 teasepoon full without sugar."

"But i'm about to leave."

Hindi na ito nakinig at pumasok na sa kwarto para gisingin si Regina.

"Dada? Why dada?" Tanong n'ya na alam n'yang wala namang sasagot sa tanong n'ya.

Akay-akay na nito si Regina ng bumalik ito.

"We made breakfast, mommy. Dada helped me." Proud pang sabi nito.

Nagtama ang mga mata nila ngunit kaagad din itong umiwas at pumasok sa banyo para ayusin ang sarili.

"Regina, i'll go ahead?" Kaagad n'yang sabi ng bumalik ito.

"Dada, it's so rude not to eat when someone told you to." Saway ni Dare sa kanya.

Tiningnan n'ya si Regina na wari'y nagpapatulong dito. But Regina ignored her.

"You want some hotdog, Narda? Rice?"

Inabot nito sa kanya ang pinggan saka hinayaan s'yang kumuha.

"Salamat."

Kumain sila ng tahimik at sa wari'y nagpapakiramdaman. Ang hindi lang matiis ni Narda ay dalawang pares ng mata ang nakatutok sa dako s'ya.

"I'm full. Thanks for breakfast. Thank you, Dare. I got to go, Regi."

Tumango naman ang bata.

"I won't tell you to comeback coz it's the thing I can't control. But visit if you want and if you can. I'll be glad." Sabi nito saka sumubo ulit ng hotdog.

"Ihahatid ko lang s'ya sa labas. Continue eating, honey."

"Bye, Dare."

Tinanguan lang sila nito saka tahimik na silang naglakad palabas ng apartment.

"Hindi ko kaya, Regina." Panimula n'ya ng nasa labas na sila.

"What?"

"I said hindi ko kaya. I can't take you in as my responsibility."

"Who told you to? We didn't talk about it or anything. We only had sex, Narda."

"I know. But let's be futuristic here. There is a big possibility of us getting back together, we can't deny that. So we'd better stop habang maaga pa. Your baby is cute, but to think na anak n'yo s'ya ni Noah make it so hard for me to accept him. Masasaktan lang ako sa tuwing makikita ko s'ya, Regina. Maaalala ko lang 'yong sakit na pinaramdam n'yo ni Noah sa akin dati dahil kay Dare."

Ngumiti si Regina. "So fucking closeminded! May sasabihin pa man din sana ako kaso 'wag nalang. We don't need you in our life, Narda. Kaya namin. Kinaya naman namin dati kahit wala ka."

"Regina..."

"My son is my sunshine, Narda. He is the only one who's there when you weren't. He is my strength when I was weak because of you. He is wanted. He is treasured. He is loved. So he doesn't need someone who'll treat him like some trash."

AFTER THE MOVIEWhere stories live. Discover now