Chapter 41: Last wish

320 15 25
                                    

"Narda? Action scenes ba 'yong inaral n'yo kanina at ang lakas ng sigaw ni Regina?"

Kamuntik ng mabulunan si Regina sa narinig mula kay lola Berta.

"Ah, eh, opo, la. Patapos na rin kasi 'yong shoot. 'Yong mahihirap nalang na stunts 'yong ginagawa."

"Ano'ng stunts pinagsasabi nito eh hindi naman action 'yong movie na ginagawa namin? Magsisinungaling nalang, palpak pa."

Sinamaan n'ya ito ng tingin pero hindi manlang ito tumingin sa dako n'ya. Nananadya ata.

"Kaya pala ganoon nalang kalakas 'yong sigaw ni Regina sa pangalan mo kanina, apo. Umalis na nga lang agad kami ni Dare at hindi na kami nakinig sa inyo. Mukhang hindi rin sanay ang bata sa sigaw ng mama n'ya kaya natakot yata."

Doon palang tumingin si Narda sa dako n'ya at ng magtama ang mga mata nila, wala itong ginawa kundi ngisihan s'ya.

"Apakagago! Ang landi kasi ng tangina."

"Mabuti nga ho, la, at hindi na kayo nangatok para magpaalam. Baka kung ano pa ang narinig n'yo."

"Nabato ko na to ng kutsara kung hindi lang namin kaharap sina lola at Ding dito sa lamesa."

"Mabuti nalang pala at ginabi ako ng uwi. Baka kung ano din ang narinig ko." Makahulugang sabi ni Ding habang palipat-lipat ng tingin sa kanila ni Narda.

Tumikhim s'ya para magchange topic. Baka magkabukuhan pa. "Ding, invited kayo sa premiere night ha? Isama mo na din 'yong crush mo."

"Hoy, Ricardo?! Ano'ng crush crush ha? Bakit hindi ko alam 'yan? Saka hindi ba bawal ka pang maggirlfriend hangga't hindi ka pa nakakapagtapos ng college?"

"Uy, ate. Ang OA masyado ng reaction. Galit na galit, te? Crush lang naman. Saka ano'ng girlfriend ang pinagsasabi mo? Sa gwapo n'yang 'yon pagkakamalan mong babae?"

Nanlaki ang mga mata ni Narda sa narinig kay Ding. Si Regina naman ay tawang-tawa lang habang umiinom ng tubig.

"La! Narinig mo 'yon? Si Ding may crush. At hindi lang basta crush. Lalaki, la."

"Alam namin, apo. Naisama na iyon ni Ding dito noon. Aba'y kapogi nga. Bagay sila." Panunudyo pa ng lola n'ya.

Napatayo na si Narda sa upuan saka nagpabalik-balik ng lakad sa harap nilang lahat.

"What'a with the reaction, Narda? Aren't you happy for Ding?"

"Mukha ba akong happy, Regina? Nagconfess ng pagiging bading si Ding. Tapos matutuwa ako?"

Tumikwas ang kilay ni Regina sa naging sagot nito. "Said by the woman who never confesses anything to her family and letting them figure it out by themselves. Kung hindi nga nabuo si Dare hindi pa macoconfirm ng lolo't lola mo na vadeng ka. Atleast give Ding some credits for being brave enough for saying his truth. Not everyone can do that, including you. Masyado kang duwag, Narda."

Tumayo na s'ya saka inilagay sa lababo ang pinagkainan. "Sorry po. Mauuna na po akong pumasok sa kwarto, la. Salamat po sa masarap na dinner."

Dali-dali na s'yang tumalilis pabalik sa kwarto nila ni Dare.

[Knock on the door]

"Regina, baby. Open the door please. Mag-usap tayo."

Hindi n'ya ito sinagot at nagpanggap na tulog na. Ayaw n'ya munang kausapin ito.

Ngunit klang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito tumitigil sa pangangatok kaya napilitan na s'yang pagbuksan ito ng pinto.

"What? It's late, Narda. Bakit hindi ka pa matulog? Katok ka ng katok d'yan, hindi mo manlang naiisip na nakakaistorbo ka na."

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon