Chapter 24: Nakakabuo pala ng anak ang Jack Daniels

373 16 15
                                    

"Ali? Dare?" Papasok palang ng opisina si Narda ng makita n'ya sa harap ng reception desk ang dalawa. Tinanggal n'ya ang sunglasses para siguraduhing hindi s'ya nagkakamali sa nakikita.

Halatang hindi s'ya napapansin ng mga ito dahil tumatawag sa phone si Ali at hinahayaan lang nitong kausapin ni Dare ang receptionist. Nagtago s'ya sa likod ng halamanan para pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito.

"I wanna see my dada. I wan't my dada po."

"Pero sino nga ang dada mo, boy? 'Yong kasama mo bang lalaki ang dad mo? Hintayin mo nalang s'yang matapos tumawag at kakausapin ko s'ya."

"No. That's tito Ali. And my dada owns this place. I needed to talk to her."

Halatang naguguluhan ang receptionist sa sinasabi ng bata.

"Sa Narda Custodio production itong whole building na 'to. Baka nagkakamali lang kayo ng pinuntahan, boy."

Lumiwanag ang mukha ng bata sa sinabi ng receptionist.

"Yes! She's my dada. Naarduh Castowdiow (Narda Custodio) is my dada."

"Ha? Si ma'am-..."

Hindi na natapos ng receptionist ang sasabihin ng lumabas s'ya mula sa pinagkukublihan.

"I'll take them in, May." Sabi n'ya dito habang lumalapit sa kinaroroonan ng mga ito.

"Dada!" Humalukipkip ang bata pagkakita sa kanya. Halata ang inis sa itsura nito.

"Dare. Why are you here? Are you with your mom?"

"No. I'm with tito Ali. My mom is home... drunk." He rolled his eyes and she almost laughed because of it.

"Maybe your mom just needed alcohol to sleep."

"No. She's upset with you, dada, that's why."

"With me? Why me?"

Luminga-linga ang bata. "Let's talk somewhere private. Someone might hear us."

Naiiling na tinapik n'ya si Ali sa balikat.

"Sandali lang ha?" Sabi nito sa kausap saka nilingon s'ya. "Narda, andito ka na pala."

"Halata nga eh. Kanina pa kami magkausap ni Dare dito."

"Sorry. May importante lang akong tinawagan. She'll be here any minute now."

Mas lalong nangunot ang noo n'ya.

"Hali nga kayo sa office ko. Kinoconfuse n'yo ako eh. Come on, Dare."

Sumunod naman ang bata at parang ito 'yong may-ari ng kompanya kung maglakad sa tabi n'ya. Nasa likod pa nito ang mga kamay na para bang iniinspeksyon ang buong paligid.

"This kid is weird." Bulong n'ya kay Ali.

"Mana sa inyo syempre." Komento ni Ali na mas ikinatikwas ng kilay n'ya.

"MAY I?" Tanong nito ng makarating na sila sa office.

"Of course, Dare. Let me help you."

Hindi naman s'ya nito pinansin at mag-isang umakyat ng couch bago umayos ng upo.

"Can you give me a glass of water please." Request pa nito na nakatitig kay Ali.

Nagkatitigan sila ni Ali. Halatang gets nito na gustong mapag-isa ng bata kasama s'ya.

"Nasa kabilang kwarto lang ang pantry, Ali. Get a glass of water for Dare. And make yourself coffee."

Tumango naman ito saka lumabas na ng office n'ya.

AFTER THE MOVIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon