Chapter 8: Humanista

69 8 2
                                    

Sahee's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sahee's POV

"AYAN NA SIYAAAAA!"

May epal na tumili sa labas. Bumukas ang pinto at maraming estudyante ang nag-agawan sa upuan para makaupo. Bumalik na rin kami sa upuan namin. Matapos naming makaupo ay hinintay namin kung sino ang paparating na teacher. Maraming naghahampasan sa kilig at nagsasabunutan sa kanilang kinauupuan.

Pagkatapak niya pa lang sa doorway, umugong sa hiyaw ang buong klase.

"KYAAAAAHHHH!"

Nawala na kami sa katinuan.

Pumagitna ang adviser namin papunta sa front table. Lahat kami ay sumubaybay sa bawat galaw niya pati ultimong pagsuklay niya pataas ng kaniyang buhok gamit ang kamay niya ay nahuhumaling kami. He was walking like a real star model.

He faced us as we saw his facial physique like a teenager. Teacher ba talaga namin ito o kaklase?

"KYAAAAAHHH!"

"Gwapo natin ngayon sir ah!"

"Single ka sir?!"

Puno ang kabuuan ng klase namin at major part sa estudyante ay mga babae. Lumipat sila rito para maging estudyante ni Sir kahit nagtitiis sila sa init ng room. Lalo lang uminit ang room nang pumasok sila pero in fairness, fresh pa rin si sir.

"Ano 'yung name ni sir?" Tanong ko kay Thelmy.

"I'll tell you, siya si Sir Ramil. Nagpakilala na siya kanina lang sa amin nung bago pa mag-end ang morning class nung wala pa kayo. First time niya lang daw humawak ng advisory class."

Napatango kaming apat na syang pinagtaka ko. Akala ko ako lang nakinig, mga tsismosa rin pala sila tulad ko.

"If you have something to tell, just tell mee!" Sambit ni Thelmy na naka-peace. May kwenta rin pala ang babaeng ito.

"Okay, class. I am attending all of you for today." Introduce ni sir.

"KYAAAAAHHH!"

"For now, I will-"

"KYAAAAAHHH!"

"Tumahimik nga muna kayo, hindi makabuwelo si sir eh! Parang hindi kayo naturuan ng manners!" Sipsip ni Ehseng.

"Behave muna kasi! Alam niyong may nagsasalita sa harap, mag-iingay kayo!" Sipsip naman ni Bhea.

"Bad kasi 'yon, guys. Ililista ko kayo sa noisy eh." Sipsip din ni Yshie.

Makasipsip sila, wagas. Akala mo naman hindi sila nag-ingay na parang baliw kanina.

"Quiet muna, class." Pagpapatahimik ni Sir Ramil. He kept his coolness from the heat. Mahinahon siyang magsalita kahit maingay kami. Kung ibang teacher iyan, ngalay na ang bunganga nila sa panenermon sa amin.

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now