Chapter 10: Day Ends

62 8 1
                                    

Sahee's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sahee's POV

PUMILA na kami sa cafeteria para makakain ng hapunan. Gabi na at hindi pa kami pinapauwi dahil sa sagupaan ng mga ralista at police enforcers. We're going to stay in the central area to wait for their further announcement.

Mauuna raw ang ABM sa pila bago ang HUMSS pero dahil sa patay-gutom ako, inunahan ko na sila at sumunod ang mga kasama ko. Hindi naman nila alam ang strand namin eh. Napasimangot ako nang ibinigay ng tindera ang tray ko na kaunti lang ang kanin.

"Ante, puwedeng pakidagdagan 'yung kanin? Isang dampot at deretsong lunok ko lang iyan eh."

She raised her fake eyebrow.

"Hindi."

"Sige na po, Ante."

"Hindi nga sabi eh! Ang kulit!"

Lumapit si Ehseng sa tindera.

"Pagbiyan niyo na, Ante. Ang balita raw eh, buntis po 'yan. Quadruplets 'yung dinadala niya. Disabled pati ama." Panunulsol ni Ehseng sa tindera na siyang napukaw ang pagka-Marites nito.

Nagtawanan ang mga kaibigan ko kaya pinandilatan ko sila. Hindi maniniwala ang tindera sa rason na iyon dahil hindi ako gano'n kataba. Who would believe on that hypocrisy? Sexy kaya ako?!

"Jusko, mga ilang months?!"

"Mga payb." Rason ng kaibigan ko.

"Kawawa ka naman, aneng. Sige, wait lang ah. Mga kabataan nga naman oh." Sabi ng echoserang tindera sa akin emphatically.

I gawked. Hindi ako nakapag-react agad nang mailagay niya na ang limang mangkok na kanin sa tray ko. Magrereklamo pa ba ako?!

"Hindi kayo makaka-extra rice sa akin mamaya." Bulong ko sa kanila.

"Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa galit." Atungal nila.

Tumambay kami sa second floor ng GAS building dahil malapit lang sila sa gitna ng campus. Umupo kami sa silya na mayroon doon. Tanaw na namin ang kabuuan ng central area na binabalot ng mga nagkalat na estudyante. May malaking statue rin doon sa gitna na nakalagay sa maliit na fountain.

"Dito pala kayo kumakain. Hindi kayo nagsasabi. Isusumpa ko talaga kayo!"

Napalingon kami agad sa nagsalita.

"Khrina!!!" Bulalas namin.

"Akala namin patay ka na."

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now