Chapter 24: Tattooed Eyes

41 7 0
                                    

Jabba's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jabba's POV

"Ba-bye na ako, Uste, ko!" Paalam ni Ezebel.

"Ba-bye na rin ako, Belbel, ko!" Tugon ni Usthero.

"Muah muah chup chup." They both verbalized.

I shrugged off my wracking nerve endings due to their sugary endearments. Kinikilabutan ako sa kanila.

Gamit namin ang tricycle ni Usthero sa pag-uwi mula ZSU. Ito ang nagsisilbing transportasyon namin for commuting. Matapos maihatid ni Usthero si Ezebel ay inihatid niya na ako sa amin. Inihinto niya sa tapat namin at bumaba na ako mula sa likod niya.

"May natitipuhan ka na ba, Jabs?" He asked out of topic as I carried my bag.

"Unavailable entry attempt."

Natawa siya.

"Sabihin mo lang kung sino, makakaasa ka sa akin." Panigurado niya.

Tumango ako.

"Credited."

"'Yun lang ba sasabihin mo?"

Aalis na sana ako nang magsalita muli siya. My feet were glued to the pavements. Nagtaka ako sa kaniya. Mayro'n pa ba dapat akong sabihin?

"Uhm, thank you?"

He made a face looking unsatisfied.

"Good bye?" I tried again.

His face looked worst. Ano bang gusto niyang sabihin ko?

"Muah muah, chup chup?"

Hindi siya nakabuwelo sa nasabi ko at nauntog ang ulo niya sa roof ng tricycle niya. Umalis siya sa angkas ng tricycle at hinarap ako nang masinsinan.

"Bakit umuunti na ang mga salita mo? Kumbaga sa haba ng kalye, nasa kanto ka pa lang. Naiilang ka na ba sa akin? Madalas na kitang napapansin magmula nung naging kami ni Belbel ko. Alam kong may mali eh. May away ba tayong dalawa?"

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at inusisa ang reaction ng mukha ko. He usually does this whenever he encountered something odd from me. He wanted to know my inner emotions by observing my face. My face didn't move a muscle. Kumurap lang ako na nakatingin sa kaniya. He's being observative at most times. Matalas din ang mata niya 'tulad ng akin upang makabasa ng tao kaya madalas nabibigla na lang ako sa mga presumptions niya na ibinubunyag niya patungkol sa akin.

"Could you snap out of it?!" Sagot ko para tigilan niya ako.

He smirked. Patuloy siyang nakalapit sa akin hanggang sa lumayo siya. Wala siyang nakitang butas sa kaniyang nahinuha.

"Cute."

"What did you say?"

"Wala. Ang sabi ko, mauna na ako. Kitakits na lang bukas ha? Muah muah, chup chup!" He bid jokingly to me.

K-12 War Series #1: Academic SeasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon