Chapter 27: USG President

41 7 2
                                    

MATAPOS KAMI ihatid ni Denver sa harap ng building namin ay nagpaalam na siya sa amin. Hindi na namin siya pinaabalang umakyat pa.

"Bye, Yshie. And also ladies and virgin. See you at the end of the class!" Paalam ni Denver. Lumukot ang face ko. Hindi man lang niya ako pinansin. May favoritism talaga ang Kuya niyo.

Nang tumalikod na siya, nawala ang chocolate package sa kamay ni Yshie. Lumabas ang pagkahayop namin at nag-unahang sakmalin ang mga chocolates. Nagkandalasog-lasog na ang magandang package nito at puno na ng kagat at laway ang mga chocolate bars kahit 'di pa nabubuksan kaya mamasa-masa.

"And I almost forgot-"

Nang bumaling ang tingin ni Denver sa amin, napahinto kami sa aming ginagawa at tinago ang chocolates sa likod na tila walang nangyari. He got curious.

"Ah...are you all okay?"

We nodded at the same rhythm while smiling. He saw it weird.

"A-Ah, okay. I'll see you around. Including you, my Baby Porkchop."

He winked at me.

Nabitawan ko ang chocolates sa kamay ko at tiningnan ang kaniyang makisig na likuran nang lumisan siya. Nag-agawan ulit silang lahat sa pagkuha ng chocolates pero nanatili pa rin akong tulala. Sa sinabi niyang iyon, tila ba nabusog ang tiyan ko. Bakit iba ang epekto niya sa aking kalamnan?

__(=_=)__


HABANG nasa labas pa kami ay may sumulpot na mga Grade 12 papunta sa amin.

"Oh, what's this?"

M

ay isang formal na lalaking pumulot ng chocolate ko sa sahig at i-ninspect nang mabuti.

He furrowed his brows.

"It's a chocolate bar that has been bitten roughly, although, not yet unsealed to its packaging but it surrounded by watery and sticky saliva. How animalistic."

Napatingin kaming lahat sa kanila. Iba ang suot ng mga Grade 12 kumpara sa amin. Sa mga babae, they wear box pleats miniskirts compare to our long-fitted gathered skirts. May uniform din silang red long sleeves na tinernuhan sa puting polo katulad sa mga kalalakihan.

"You're Grade 11, right? And what strands you all belongs to?" Panayam nung lalaking nakasalamin sa amin.

"HUMSS po, Kuya." Batang-sagot ko.

"Oh, HUMSS. A strand which stand as the voice in all academic tracks. It has a sense of bravery and confidence, marked by moral consistency of literary knowledge and responsibility to outlook societal concerns, public in demand, and political community issues. In summary, HUMSS is the pathway of educators and disciplinary fields but then..."

Ibinalik niya sa akin ang chocolate at tumingin sa akin nang malapitan.

"...I don't see any moral nor right conduct exerted towards your animal behavior."

Tahimik kaming nakatingin sa kanila na parang mga batang pinagsasabihan ng mga kuya at ate.

Inayos niya ang kaniyang salamin.

"My name is Kelvino Apolao, Chief Executive in LSGU. Upon seeing you here at this school time, you have to recite the vision and mission of ZSU, with no elaboration, paraphrase and summarization. Speak it in verbatim. For you to be able to eliminate the penalty that was consequential to your objectionable demeanor against the student policy."

K-12 War Series #1: Academic SeasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon