Chapter 29: One Table

42 8 5
                                    

Hi readers!

I tried to reunite all four strands in Academic Track-HUMSS, ABM, STEM, and GAS in one table.

What would you think will happen to them?

Let's find out!

__(=_=)__

Sahee's POV

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Sahee's POV

"Alam niyo na ba 'yung balita, dzai?!!!"

"Alin?" Tanong namin kay Ehseng.

"Si Jomer, sinagad niya na talaga! Kinalantari niya 'yung ama na kinakasama nung ina at mga anak na nilumbit niya noon." Isang bagsakan niyang sabi.

Napatutop kami at napasinghap.

"Grabe na siya, bes! Buong miyembro ng pamilya, tinira niya. Ipakulong na kaya natin siya!"

"Family stroke, bitch!"

"OMG naman 'yan, gurl!"

"Sino ba 'yang Jomer na 'yan at nasasali pa siya sa usapan natin?!" Gigil ko.

Nandito kami ngayon sa labas ng cafeteria, nagchichikahan. 4:30 pm na. Tapos na ang classes namin at mamaya ay uuwi na kami dahil nakasara pa ang front and back gate. This is another curfew policy ng ZSU kaya ayaw kami palabasin nang maaga sa pag-uwi. Strikto raw talaga sa private school.

"What's the tea available on your table? You all seem busy."

Napalingon kami sa nagsalita.

"JAB-JAB!"

At napatingin din kami sa likuran niya.

"BEL!"

"USTE!"

Dumating ang mga ABM students sa circle ng HUMSS. Nakisalo sila sa table kaya umusog kami para makaupo sila. Mukhang dito sila tatambay para hintayin 'yung gate na bumukas.

"Kamusta Accounting? Masaya ba?"

"Akala ko ba nakakalulo 'yung strand niyo? Ba't di kayo stress? Unfair."

"May saltik ba kayong teacher? Meron sa amin eh."

"Madali lang naman."

"Walang gan'on no."

"Hindi lang halata."

"Naabutan ba kayo ng LSGU kaninang umaga?"

"Lodi talaga ng mga accountants natin."

"Pahatid kami ulit kay Daddy Morray."

"Bel, kayo pa rin ba ni Uste? Solid talaga kayo!"

K-12 War Series #1: Academic SeasonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora