Chapter 16: GAS

54 8 0
                                    

Welcome to GAS class!
If you're still curious about GAS,
read this.

Welcome to GAS class!If you're still curious about GAS,read this

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Khrina's POV

WALANG PUMAPASOK sa isipan ko habang nagdi-discuss ang adviser namin nang matapos niyang bigkasin kanina ang mga subjects na haharapin namin ngayong first semester.

Mahigit sa sampu ang subjects namin ngayon at hindi ko alam ang eksaktong bilang nila na nakasulat sa board dahil nandidilim ang mga mata ko.

Iisipin ko pa lang ang pagdadaanan ko ngayong semester, ramdam ko na ang stress at pighati. Hindi ko alam kung bakit GAS ang pinili kong strand. Kinuha ko lang naman ito para hindi ako mahirapang kumuha ng kurso sa kolehiyo subalit hindi ko sukat akalain na ito pala ang magpapahirap sa akin dahil sa mga electives subjects na iyan na dapat kong punan?!

Maling desisyon ang pagpili sa General Academic Strand!

Pinilantik ko ang mga buhok ko by an abrupt uplift of my head. My aversion is raging to the extent. I'm against to this additional curriculum! College na dapat ako eh and not a high-schooler anymore. Walang ginawa ang pamahalaan sa amin kundi pahirapan kami. Hindi ba nila alam na ang mga estudyante ay hirap na hirap nang makapagtapos ng pag-aaral at hindi na makausad, and yet they added another accumulation of two years in our education system? Para saan pa ba iyon? Sa luho nila?! Paano na 'yong mga magulang namin na kumakayod lang sa kahirapan? Wala ba silang mga anak?! Bigyan ko kaya sila nang madala sila! Char. 'Wag na.

Umalis na ang adviser namin nang hindi ko namamalayan dahil wala namang nakikinig sa kaniya mula nung umpisa pa lang. Masyado kasi kaming natulala sa overloaded na subjects na nakasulat sa board. Ang sarap isumpa! Lalo lang akong naiinis sa sarili ko dahil namumuo na naman ang aking pagpupuna sa lahat ng bagay. I can't stop myself complaining due to frustration.

"Khrina."

"Oh, bakit?" Baling ko kay Yuniah.

Si Yuniah ang unang nakilala ko sa aming section dahil siya ang nakatabi ko sa seating arrangement. Chubby ang face niya due to her puffy cheeks. Base sa pagkilala ko sa kaniya, she was likely those teenagers who got influenced to foreign culture; K-pop and K-drama. Suprisingly, I have the same page with her, hence, we got befriended closely.

"Bakit ka pala nag-GAS?"

"Huh?! Hindi ako nagpapa-diesel."

"Sira, ang ibig kong sabihin bakit ito 'yung pinili mong strand!"

Ay, nalito ako sa sinabi niya.

"I picked GAS because this strand is already one total package. Madami kasi akong matutunan dito with various of subjects at the same time madami ring stress. All in one talaga."

"Well, ako kasi mali 'yung pinilahan kong strand. Dapat HUMSS ako e pero hindi ko alam na nasa GAS pala 'yung nililinyahan ko! Nakakasura talaga!"

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now