Chapter 41: Nutrition Month

29 4 2
                                    

Khrina's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Khrina's POV

Kung sa Academics ay pangmatalinuhan, at TVL ay pangkadalubhasaan. Sa Sports/Arts naman ay pagandahan at pangmalakasan.

It's now Nutrition Month. The boring week had gone and we are now so excited to this meaningful event. May magaganap daw na competition ngayong araw kaya maraming estudyante ang dagsaan para mag-ayos ng venue sa wide space area. Maraming naglalagay ng stalls and booths sa palibot at kapansin-pansing wala halos nagtitinda ng pagkain rito. Sa kasamaang-palad, wala ang kontribusyon ng TVL students. Their technical and vocational skills might be handy in certain demand. Malaki dapat ang magiging partisipasyon nila sa programang ito subalit wala sila rito sa venue. Nakakalungkot lang isiping sinaraduhan na sila ng gate last week at hanggang ngayon hindi sila puwedeng pumasok o makisali sa event na ito.

Sumuka si Yuniah na nasa tabi ko habang namamasyal kami.

"Anyare sa'yo? Buntis ka?!" Nag-aalalang bulalas ko at pinagtinginan tuloy kami ng mga estudyanteng nakasalisi namin at nagsipagbulungan. Mga HUMSS pa naman sila. Mga echoserang frogs!

"Grabe ka maka-issue, sis! Napaghinalaan na tuloy ako dahil sa'yo! Alam mo bang si Jungkookie ko lang ang pwedeng bumuntis sa akin?!" Eksaherada niyang sabi matapos niyang sumuka kanina.

"Ano ba kasing kinain mo at nabulunan ka pa?!"

"I don't know exactly e." Kinilatis niya 'yung food niya sa baso. "It's like egg waffle balls in orange flavor?"

"Kwek-kwek 'yan, sira! Ang arte mo! Kapag pinalaking private student talaga, mga ignorante. First-time mo lang bang nakakain 'yan?"

"Nakatikim na rin ako nito before e but now it doesn't taste right. Look, I don't think these are edible, baka hindi talaga marunong magluto ang mga Acads." Kundena niya.

"Masarap kaya 'yan! Maarte lang 'yang bibig mo e. Akin na nga. Patikim."

Sumubo ako no'n at nang malasahan ko ay muntik ko nang maisuka ang lahat ng bituka ko sa aking nakain. Halos mamatay ako sa sobrang asim at pati sa paglunok ko ay may magaspang na kumakapit sa lalamunan ko! Orange flavor nga beh!

"See? Told you it wasn't good. Gusto ko pa nga 'yung luto ng mga HE students last year e. They were professionals as they know how to cook delicacies and also sweets pastries."

"Dahil dyan sa sinabi mo, gusto ko na tuloy matikman 'yung luto nila. Parang susumpungin ako ng diarrhea sa nakain ko eh!" Pinakiramdaman ko ang tyan kong nangungurot.

"When it comes to HE strand kasi, marami silang inilalabas na student-made foods, dresses and other beauty services dito which are acquainted in their specialization. 'Yun nga lang, wala na sila rito para gumawa booths sa wide space area para magbenta. Hindi na tuloy ganon ka-exciting para sa akin 'yung vibe ng Nutrition Month today." Reklamo niya.

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now