Chapter 46: Boyfriend

44 3 4
                                    

 Sahee's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 Sahee's POV

It is another normal day for school after the rally had breakout last week. I went to the CR at naligo. Habang naliligo ako ay iniisip ko ang nakaraang linggo sa school.

Kaya ko ba kayang itaya ang apliyedo ko sa politikang pam-paaralan?

Napailing ako dahil kakaiba ang politikang umiiral sa ZSU. Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni, biglang nagpakita ang ipis at kinumusta ako. Tinakpan ko agad ang bibig ko, muntik na akong mapasigaw sa gulat. Kapag sumigaw kasi ako, magigising si Papa. Sa mga oras na ito, hindi pa siya lumalabas ng kuwarto. Ako ang alarm clock niya tuwing umaga. Kaya ang ginagawa ko, hindi ako sumisigaw para hindi siya magising. Ilang weeks na akong nananahimik sa bahay kaya magmula noon hindi ko na nakikita si Papa na lumalabas ng kuwarto niya. Buhay pa kaya siya? Naririnig ko pa rin ang hilik niya mula rito sa banyo kaya hindi ko na tinangkang kumustahin siya.

Mag-isa akong kumakain ngayon sa dining table. Ay hindi pala. Kasama ko pa rin ang ipis, siya palagi ang nakakasama ko kapag aalis na ako ng bahay. Siya rin ang nagsasabi sa akin na hindi ako nag-iisa. Baka friends na nga raw kami e. Ang sabi ko naman sa kaniya ang feeling niya naman, piratin ko pa siya dyan. Nang matapos na ako mag-ayos ay kinuha ko na ang bag ko. Paglingon ko ay napaigtad ako nang makitang may tao sa aking likuran. Siya 'yung taong matagal ko nang hindi nakikita. Ang taong lumisan sa buhay ko. Si Mama.

"KYAAAAAHHH!!!" Napasigaw ako. Lumapit siya at marahan niyang tinakpan ang bibig ko bagay na kinasanayan niyang gawin para patahimikin ang kaniyang anak. She is the only one who can stop my mouth from shouting.

"Sahee. Ako 'to, ang Mama mo."

"M-Mama-?"

Hindi ako makaimik nang maayos. Bakit nandito siya? Bakit siya bumalik? Bakit niya ako iniwan? Bakit niya inabandona ang sariling pamilya niya?! Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Nais kong maluha nang makita ulit siya nang harapan at maibulalas ang pagkaulila ko sa kaniya ngunit nawalan ng literasiya ang aking bibig.

"Nasaan ang Papa mo?" Tanong niya at pinagmasdan ang makalat na paligid.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Papa dahil sumigaw ako kanina at natigilan siya nang makita si Mama.

"L-Lucia." Utal niya. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at pangungulila na makita siya.

"Sarmiento." Lumapit si Mama kay Papa at sinampal. "Ano nang nangyayari sa'yo?!" Pinagmasdan niya si Papa na malago na ang bigote at balbas at tila napabayaan na ang sarili. "Nagsumbong ang principal sa akin kanina, maging ang mga head officers. Bakit hindi ka na daw pumapasok sa trabaho mo? Bakit pinapabayaan mo na lang ang sarili mo, pati ang bahay, lalo na si Sahee?!"

Napatingin si Papa sa akin. Ako ang salarin kung bakit hindi pa siya gumigising hanggang ngayon. Hindi talaga siya babangon hanggat hindi pa tumitilaok ang anak niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

K-12 War Series #1: Academic SeasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon