Chapter 45: The Ex-president

25 2 0
                                    

"This is quite a game, politics. There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests." —William Clay.

" —William Clay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zuleen's POV

"WHAT a pleasant surprise, USG officials!" Bungad ko sa kanila nang makapasok ako sa Executive office ng administrative building.

"Anong ginagawa mo rito? Papaano ka nakapasok?!" Sigaw nila. They were surprised to see an ordinary student pestering their office.

"Wala naman. Binuksan ko lang 'yung pinto at nakapasok ako. Nothing is remarkable about that."

"E, lahat ng pintuan dito may mga password at guards!"

"Really?!" I paused for a second. "Too bad. Maybe you should not underestimate me." I said sarcastically. Lahat kasi ng madaanan kong metallic doors may nakasulat na equation. Once na masagot mo iyon, maipipindot mo ang tamang sagot sa security machine. Sa palagay ko, sinet-up lang nila ang mga iyon para makapasok ako kaagad e. Atsaka sa mga security nila sa labas, madali lang sila pakiusapan kung may maiaabot kang pera.

Humakbang ako sa main room meeting ng mga officers. Lahat sila naririto maging ang mga lehislatura at judiciary para magtago sa mga TVL students sa labas. Siksikan silang lahat sa naturang silid at nakakatawang pagmasdan na nagkasya silang lahat dito. There is an audible laughter inside my mind. Kung papasabugin ko lang ang meeting room na ito, resolba na ang malaking problema ng ZSU.

"Nakakatawang isipin na sa iisang silid lang kayo nagtatago. Nakakahiya."

"Huwag mo kaming hahamakin!" Punterya agad ni Kelvino sa akin. Kapag maapakan ko lang ang pride niya, hindi siya mag-aatubiling tahulan ako.

"Ay, nandito ka pa pala. Akala ko pinatay ka na sa labas."

"Leave this room now. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko sa iyo, babae ka!"

Hindi naalis sa mga mata ko ang pigura ng tinitingalang reyna ng USG. Si President Almira. "Hello, Ms. President!" Dumiretso ako sa kaniya at lumuhod sa tapat ng kaniyang kinauupuan para biruin. "Anong maipaglilingkod ko po sa inyo, mahal na reyna?" Tumingala ako at nakita ko ang naaasar niyang mukha.

"Alam kong may pakay ka, Zuleen? Kaya huwag mo nang idaan pa sa kabaliwan mo." Straight-to-the-point niyang wika sa akin.

Natawa ako na parang nasisiraan ng bait at nayamot ang mga tao rito. "Kilala mo talaga ako President Almira. You're very on point to finalize your reckoning. Hindi pa nga kita nakakamusta kung mabuti ba ang lagay mo sa kamay ng mga TVL e." I half-meant joked.

May kumalampag na ingay sa loob ng isang malaking closet. Lumabas ang isang babaeng nagtatago sa drawer nito at inilabas ang pamilyar na tao. "Is that you, Zuleen?! At last! Nagkita na rin tayo! Nafafan-girl tuloy ako nang makita kita sa personal. Idol kasi kita e." Lumapit nang magiliw si VP Hedeah sa akin at niyakap ako na parang ate kuno niya. Mukhang natakot yata siya kanina sa mga ralista sa labas kaya nagtago siya sa loob ng closet.

K-12 War Series #1: Academic SeasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon