Chapter 18: Ayuda

50 8 0
                                    

Khrina's POV

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Khrina's POV

BINILISAN KO ang aking paglalakad pabalik sa GAS department building namin.

"Khrina!" Tawag ni Yuniah sa akin nang makapunta ako sa room namin. Isa pa 'tong dumagdag sa inis ko. Hindi niya ako sinamahan kanina. Inirapan ko siya at umupo sa chair ko.

"An'yare?" Tanong niya nang hindi ko siya sinipot.

"Huwag ka nang magtanong!"

"Edi 'wag!" Sabi niya at pinagpatuloy ang pinapanood sa cellphone.

Lalo lang akong na-bad trip dahil hindi siya nagpumilit na tanungin ako. Alam niya dapat na kailangan kong maglabas ng sama ng loob ngayon dahil kung hindi sasabog at magwawala ako. Anong klase siyang kaibigan?!

"Hoy, Yuniah! Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ang pangit ng mood ko ngayon?"

"Hindi."

"YUNIAAHH!" Banta ko.

"Oh?"

"Tanungin mo kasi ako! Para kang sira e."

"Ano ba kasi iyon?!!!"

Sa wakas!

"So ayun na nga, inutusan ako ni Sir Jay na ibigay 'yung papel niya sa ABM building kasi nga gusto niya akong pahirapan. Matapos kong gawin iyon, may lalaking kumuwit sa likod ko. Si Jabitots pala iyon na ka-batch din namin last school year. Kamalas-malasan sa pagkuwit niya, natanggal 'yong clip ng bra ko. Ang nakakainis lang ang hirap pa namang ikabit iyon at ang luwag pa!"

Sinubsob ko 'yung mukha ko sa mesa. Nawawala ako sa katinuan kapag maaalala ko iyon.

"Tapos?"

"So ayun, binarabara ko siya kung bakit niya ginawa iyon sa akin. Hindi ko inaasahan ang alok niya na siya na raw ang magkabit ulit ng bra ko! Siyempre, sinong sira-ulo ang magpapakabit ng bra at sa lalake pa? Sinabi ko sa kaniya na makikita niya 'yung boobs ko. Ang hindi ko lang matanggap talaga ay hindi niya alam kung nasaan. Dalawa raw kasi 'yung likod ko! Lakas niyang mang-real talk!"

"Tapos ano pa?"

"Dahil doon, ang daming lumabas na mura sa bibig ko dahil hindi ko matanggap ang katotohanang sinabi niya sa akin. Uso pa naman ang magsinunggaling eh. Nag-eskandalo pa tuloy ako roon at pinaghahambalos ko siya ng bra ko!"

"Hala, tapos?"

"Marahas niyang ibinalik ulit 'yung bra sa dibdib ko. Nakita pa kami ng ibang teachers sa gano'ng posisyon, nakakahiya! Ang pinakakainis sa lahat ay baligtad pa 'yung pagkakalagay niya sa akin. Nakalagay ang foam sa likod ko dahil hinahanap niya pa kung saan 'yung boobs ko! At hanggang ngayon ay ganon pa rin ang ayos ng suot ko!"

Hingal na hingal ako nang mailabas ko lahat ng sama ng loob ko. Napahawak ako sa bra ko. I felt disgusting like I was harassed a while ago. Inikot ko na lang ang bra ko paharap para umayos sa dati.

K-12 War Series #1: Academic SeasonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant