Chapter 40: Fake News

39 4 0
                                    

Maki-tsismis muna tayo
sa HUMSS hehe.

Maki-tsismis muna tayosa HUMSS hehe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sahee's POV

It was another day to waste.

Nandito kami ngayon sa hagdanan kalapit ng aming room. Ito ang lugar kung saan kami tumatambay para magliwaliw at makipag-jamming. Nakaupo kami sa half landing staircase dahil doon ang parte kung saan malamig at nasisilungan ng puno ng bayabas. May gana kaming magchikahan ngayon dahil sinusulit namin ang oras na wala ang teacher namin sa isang subject. Hindi sumipot si Sir Ramil sa klase.

"Oy! Landooo!!!" Tawag ko sa kaniya dahil lalayasan niya na naman kami para kumarengkeng. "Bumalik ka nga rito!"

"Could you stop calling me Lando?! Baka may makarinig sa'yo e! It's so baho to hear that! So disgusting, eww."

"Ano bang gusto mong itawag namin sa'yo?!"

"Call me Landy na lang, para virgin pakinggan."

"Inang 'yan. Landi mo!" Mura ni Ehseng.

"Pasuklay nga ako, bes." Request ni Bhea sa amin at abot ng suklay. Tinanggal niya ang pantali niya sa buhok para ilugay.

"Hala ako rin!" Sabi ni Ehseng sabay flip ng hair niyang buhaghag na animo'y nanigas.

"Maawa ka, bes! Kawawa ang suklay ko sa buhok mo!"

"Ang OA mo naman, dzai! Sige ako muna magsusuklay sa'yo bago ako." Kinuha ni Ehseng sa kaniya iyon. "Ikaw, Yshie? Pasuklay ka rin?"

"I have my own hand, gurl." Sabay marahan niyang hinagod ang kaniyang straight and silky hair using her bare hand. Napanganga kami dahil ang smooth ng mahabang buhok niya without having any split ends. Daig niya pa ang bagong naka-rebond!

"Ikaw, Sahee?"

"Hindi ako nagsusuklay e. Sa tingin ko, dalawang taon na akong hindi nagsusuklay hehe." Pag-amin ko.

Tiningnan nila ako na parang ang weirdo ko.

"Eh, ano ngayon kung hindi ako nagsusuklay?! Buti nga nagshashampoo ako e, hindi katulad ng isa dyan!"

"Pinapatamaan mo ba ako, dzai?! Hoy, nagshashampoo rin ako, 'no?!"

"Pero safeguard."

"Ano ka ba?! Parehas lang kasi 'yon!" Aniya.

"Hoy, mga bitch! Pasuklay nga rin ako. Stress ako lately e, wala kasi akong nakitang mga boylalo dites. Sayang blush on ko."

"'Asan 'yung susuklayin namin sa'yo, bayot?! Sa baba ba?!"

"Huwag mo ngang dinadamay 'yung lawit ko sa usapan, pusit!!!"

Natawa na lang kami.

Habang nagsusuklayan kami rito, nagpasimula si Bhea ng tsismis.

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now