Chapter 19: Pork Barrel

45 8 1
                                    

Sahee's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sahee's POV

NAKAKAILANG subjects pa lang kami ngayong araw subalit dito ko lang napagtanto at napatunayan na ang bobo ko nga talaga!

Paano na lang kaya kami sa college?!

"What is pork barrel?" Mahinahong tanong ng professor sa akin.

"P-Pork? As in baboy, sir?" Kinakabahang usisa ko sa kaniya baka inaasar niya lang ako eh.

Sinserong tumango siya.

Philippine Politics and Governance ang subject namin ngayong hapon. Pinapabasa kami ni Professor Elaugos ng newspaper at magtatanong siya kung ano ang nabasa namin. Kamalas-malasan, pork barrel ang nai-cite ng article na binasa ko.

"M-Masarap po ba 'yon, sir?" Natatakam kong tanong.

Ngumiti si Professor Elaugos na tila natatawa o naiinis. Umiling siya na siyang ikinahiya ng aking kaluluwa. Natawa ang mga kaibigan ko. Inismiran ko sila.

"Ano po ba 'yang Pork barrel, sir? Porkchop ba 'yan?" Tanong ko ulit.

Humagalpak ng tawa ang mga kaibigan ko.

I glared at them. Mga punyemas sila!

"You four, help her out." Tawag ni sir sa mga kaibigan kong walang ginawa kundi pagtawanan ako. Napatayo silang kinakabahan at animo'y nawalan ng dila. Karma. Nakita ni sir na walang patutunguhan ang pagtatanong niya sa amin dahil hindi rin namin masagot kaya siya na lang ang nagpaliwanag kung anong klaseng pork ba iyon.

"Ang Pork Barrel ay ang ginagamit ng mga ilang politiko upang manatili sila sa kanilang posisyon. Maganda ang hangarin ng sistemang ito para sa top priority na proyekto ngunit inaabuso lang nito sa kanilang sariling interes." Wika niya.

"Paano po, Sir? Nagbibigay ba sila ng pork para sa mga tao?" Naguguluhang tanong ni Bhea.

"Mabuti na lang meron na tayong pork dito! Ready to chop na oh!" Asar ni Ehseng sa akin habang kinukurot niya ang taba ko. Hinampas ko 'yung noo niyang mala-airport.

"Do they make handa like letchon, sir? It sounded delicious eh. I think I'm gonna like pork barrel na." Pahayag ni Yshie.

"Nonsense, bitch. How could politicians benefitted with that porky thing? Cholesterol?! Eww. I bet salad would be even better." Nadidiring tugon ni Lando kay Yshie at nagtarayan na silang dalawa.

Nagsalita ulit si Sir Elaugos.

"Did you know Mr. Mong? Our mayor in town?"

"Yes po, sir." Sagot namin. Si Mr. Mong ang Mayor ng Lokeño na tinatayuang lugar din ng ZSU.

"For your awareness, he did use pork barrel in this university by giving vouchers to the public students but his pretentious scheme manipulated us."

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now