Chapter 30: Machiavellian

48 8 2
                                    

Khrina's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Khrina's POV

NANDITO pa rin kami nakatambay sa school matapos umalis ng mga STEM. Hindi pa kasi binubuksan ng tomboy na guard 'yung gate para makaalis na kami nang maaga. Kung makaasta kasi, feeling may-ari ng school e. Akala niya naman nakakalalake ang suot niya sa uniform. Nagmukha lang siyang bakla. Sa tingin ko, ako lang ang nakakaalam kung ano ang kasarian niya. I can't help it but to describe everyone I see because I know too much people nowadays.

Sa hindi inaasahan, may dumating na mga pormal na estudyante na lumabas sa administration building sa tapat ng wide space area. They are wearing red sleeves covering their white shirt at maganda ang mga palda at pants nila. At ang mga iba ay iba-iba ang suot na umuuri sa kanilang grupo.


"Sino ang mga iyon? Kilala niyo ba sila?" Tanong ni Ezebel. Sumipat naman ang ulo nila Jabitots at Usthero sa tinutukoy nito.

"Who knows, bitch? Who cares about them?!" Sabi ni Lando at napa-look twice siya. "Wait a minute...! Hold on! Is it me or those on-the-hook apparel they wearing are slaying the fashion runaway! Oh ehms to the geez, it literally kills my virgin eyes! I need to steal those red boots they're kicking!" Malumbit na daing ni Lando sa mga kasuotan nila.

"Ayon si Kelvino oh kasama niya 'yung mga kargada niya sa likod. Ba't ang pogi niya pa rin?! Kainis. Sana may kababata siyang kapatid." Sabi ni mambabata, si Bhea.

"'Di ba sila 'yung mga LSGU?" Tanong ni Sahee patungkol sa mga nakasuot ng red blazers.

"Yes, they are the Local Students Government Unit." Sagot ko. "Ang Chief Executive nila ay si Kelvino Apolao, Grade 12 HUMSS. Ang kahalili naman niya ay si Riota Fajardo, same strand and grade level. At ang iba pang kasama nila ay representatives sa lahat ng tracks and strands."

"Look, the mother of the land is coming." Pansin ni Yshie at nakita naming nagba-bow ang mga officers kay USG President.

Pinakilala ko ang babaeng iyon sa kanila. "Siya si USG President Almira Dolores, the third. Grade 12, STEM. Hawak niya ang tanyag na Executive Branch ng University Student Government sa ZSU. Ilang beses nang naipasa ang mataas na posisyon mula sa kaniyang mga magulang at angkan hanggang sa kaniyang pamamalakad ngayon. Ibig sabihin, matagal nang namumuno bilang Presidente ang mga Dolores sa ZSU."

"Ibig sabihin siya ang pinakanakakataas sa lahat ng estudyante? Sino pa 'yung katabi niya?" Namamanghang tanong ni Sahee.

Sumagot si Jabitots. "Siya naman si USG Vice President Hedeah Canileo, ang pinsan ko. She's Grade 12 ABM. She's the one who sustaining the capitalism within the student body due to her uncountable assets. Malaki ang role niya sa government nila. At ang mga iba pang kasama nila ay mga USG Secretaries. Sila ang naglalayon na ipalaganap ang adhikain ng kani-kanilang departamento."

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now