Chapter 35: Subject

40 7 2
                                    

Khrina's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Khrina's POV

"Ate, anong strand mo?"

"GAS."

"Gas? Nagpapa-gas kayo?!"

"BLAAAGGG!!!"

Sinaraduhan ko sila ng pinto. Mga tarantado.

"Khrina, sino mga iyon?" Yuniah asked while watching her bias in a live-video stream on her cellphone.

"Wala akong pake! Ang kakapal talaga ng mga pagmumukha nila. Ang aga-aga pinapainit nila ang ulo ko! Sigurado akong mga freshmen HUMSS ang mga iyon. Lakas makapang-asar eh! Sarap tanggalan ng atay."

I looked at the clock.

Kanina pa umalis ang teacher namin sa first subject kaya sa teacher's desk ako nakaupo ngayon habang hinihintay ang pagbabalik ng baklitang asungot na guro namin.

"What's our next subject, Yuniah?" Tanong ko.

"General Math. Pagkatapos nun Empowerment Technology. Kasunod 21st Century Literature, at saka Oral Communication. Sa panghapon, Earth and Life Science, Reading and Writing Skill, Philosophy, at Physical Education. Tapos, may gabi pa tayong subject. English for Acad at-"

Hinilamos ko ang mukha ko gamit kamay. Nalulula ako sa mga sinagot niya. GAS is a versatile academic strand. Lahat ng subject namin sakop lahat ng curriculum. Ano pa ba ang aasahan ko? Break time? Not in our watch.

"Skip tayo." Nasambitla ko na lang.

Marahas na tinanggal ni Yuniah ang earphones niya.

"Sumusobra ka na, Khrina! Ang sama-sama talaga ng ugali mo! You bring nothing but misfortune to me. Bakit pa kita naging kaibigan?"

"Tara na." I initiated to go outside.

"Sige."

Matiwasay na nilakad namin ni Yuniah ang malawak na campus papunta sa cafeteria.

I know I had a bad attitude. Hindi niyo rin ako masisisi dahil marami kaming mga subject sa isang araw at mayroon pa kaming pahabol sa gabi kaya may karapatan akong mag-inarte ngayon.

Sa ganitong sitwasyon namin, hindi na ako nagko-commute pauwi. I was offered a new room by Yuniah dahil malapit lang kasi ang bahay niya rito. Malapit as in literal na nandito ang bahay niya sa school at malapit sa department building namin. Ang sabi niya kasi, naisama raw ang bahay nila sa pagbakod ng pader ng school kaya no choice siyang dito na manirahan at the same time mag-aral. Pero kung papasok siya sa school, pumupunta pa siya sa labas at makisabay sa mga estudyante para ma-feel niyang hindi siya rito nakatira. Ang tanga lang.

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now