Chapter 36: Strands (Part 2)

33 4 2
                                    


SA KABILA ng babala ni Chakken sa amin ay umiral pa rin ang katigasan ng aming ulo. Naglibot pa kami sa bawat buildings. Hindi niya rin kami masisisi dahil mga buang talaga kami in nature. Pumasok pa kami sa loob-looban ng TVL area at nakitang busy ang mga tao. We are in a bustling area. Busy silang lahat. May kaniya-kaniya silang ginagawa. Makalat sila at medyo maingay.

Nasa Home Economics (HE) Department na pala kami kaya matao. Maraming buildings dito na dikit-dikit at iba-iba ang in-o-offer ng HE strand na specialization. Iisipin ko parang nasa iskwater kami.

"Ayun si Betriza oh!" Pagpansin ni Bhea sa taong nakita niya.

We saw her walking alone the staircases at may nakasukbit na tote bag sa braso niya. Betriza is an HE student major in Beauty/Nail Care. Ka-batchmate namin siya.

Sumabay kami sa kaniyang paglalakad.

"BETRIZAAAA!"

Napatakip siya ng tainga dahil sa lakas ng aming boses. Inis niya kaming binalingan.

"Anong ginagawa niyo rito?!" Bulalas niya. Medyo iba ang timpla niya nang makita kami.

"Edi binibisita kayo!" Masayang sabi ni Ehseng.

"Ang kapal ng mga mukha ninyo para magpakita pa sa akin! Mga HUMSS talaga kayo!"

"Porket nag-HUMSS lang, makapal na agad ang mukha. 'Di ba puwedeng confident lang kami?" Sagot ko.

"Oy, Betriza, bakit parang galit ka sa amin? Anong ginawa naming masama sa'yo at ganyan ka?!" Sabi ni Bhea.

"Sa akin wala, pero sa mga kaibigan ko meron. Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin. Naaasiwa ako sa mga pagmumukha ninyo!"

Sumalubong si Vhexy sa amin. She's wearing a red maid outfit at naka-off shoulder ito. She's an HE students too yet she's majoring in Housekeeping. Ang ganda niya.

"What's happening here, 'te?" Tanong niya kay Betriza.

"VHEXYYYY!" Tawag namin.

"Oh, hello, mga Acads! Napadpad kayo?" Kumusta niya.

Nakita niya si Denver.

"Shuta kayo! Why kasama niyo siya, mga 'te?! 'Di ba siya 'yung anak ng Mayor?!" Mura niya.

Nanlaki ang mga mata namin.

"Si Denver? Anak ng Mayooorrr?!" Bulalas namin. "Kaninong Mayor?"

Napahawak si Vhexy sa baywang niya at napailing.

"Kasa-kasama niyo, hindi niyo kilala?! Ang bobo niyo sa part na 'yan, mga 'te. Ang ama ni Denver ay 'yung magaling na Mayor dito sa Lokeño. Si Mayor Mong Monsalud. 'Yung nag-implementa ng bulok na scholarship at kaaway pa ng chancellor ng ZSU."

Napatingin tuloy kami kay Denver na nagtatanong.

"Yes, Mayor Mong is my dad. I mistakenly thought you already know that. Yshie knew it. Akala ko nasabi na niya sa inyo." Dahilan niya sa amin at napatingin kami kay Yshie.

"Akala ko rin you already know the tea na, mga gurls. Machika kasi kayo kaya hindi ko na in-bring up sa inyo iyon, sorry." Nag-peace sign siya sa amin.

Nga-nga kami.

We were shocked to the revelation. How is that even possible?! I never imagine that Denver was the son of Mayor Mong. Ang mayor na nagpabaya sa mga estudyante at naka-commit pa ng graft case sa mismong programang pinanukala niya. Masyadong mabait si Denver para magkaroon ng ama na suwapang sa pera. Kung iisipin, masyado nang matanda ang tatay niya pero, in fairness, may hawig din pala silang mag-ama.

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now