Napabuntong hinga akong pinagmasdan ang sarili sa salamin matapos magbihis para sa skwela. Lunes na naman ulit. Sasabak na naman ako sa hamon ng buhay estudyante.
Another day, another slay-well, not for me. Di ko maiwasang mapaikot ng tingin dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto.
"Aalis nako. Di na kita maisabay dahil minamadali nako nang boss ko." hinging paumanhin ng ate ko habang ipinuslit ang ulo sa maliliit na siwang ng pinto.
"Wag ka nang mag alala saken, ate Jesse. Humayo ka na." nakangiting banggit ko rito na ikinatango nito. Sabay na rin kaming bumaba sa may sala.
"Magagabihan ako ngayon. Wag mo na kong hintayin saka nakahain na ang pagkain dyan sa lamesa, kumain ka na." nagmamadaling saad nito habang inaayos ang mga papeles na kakailanganin ng boss niya.
Isa kase siyang sekretarya ng presedente ng Desmond Corporation. Isa itong sikat na telecommunication and construction company sa bansa. Higit animnapung porsyento ng engineering company sa bansa ay sila ang nag mamayari.
In short, kasali sa elite at prestihiyoso ang pamilyang Desmond sa bansa.
"Wag kang mag papagutom!" pahabol na sigaw nito nang makalabas na ng bahay saka pinasibad ang sasakyan paalis. Tumango na lang ako kahit di naman niya nakita.
Ako at si ate Jessica na lang ang magkaramay dahil maagang humimlay ang mga magulang nya, ang kinagisnan kong ama at ina dahil sa isang aksidente. Kaya si ate na rin ang nagpalaki saken at nagpapaaral. Siya ang nagtaguyod saming dalawa sa kahirapan.
Laking pasasalamat ko nga dahil di niya ko pinabayaan nang mawala sina nanay Susan at tatay Ben kahit na di naman talaga kami totoong magkapatid. Hanggang ngayon nga ay palaisipan samin ni ate kung sino ang totoo kong pamilya dahil nga ay nakita lamang nila ako sa tabi ng isang kalsada isang gabi habang umuulan ng malakas, dalawang taong gulang pa raw ako.
Laking pasasalamat ko talaga at ang mag asawang Domingo ang nakakita saken at kumopkop dahil kahit di man nila ako kadugo ay tinuring nila akong isang tunay na pamilya.
I'm so blessed to have someone like them in my life, lalo na si Ate Jessica. Kaya lab na lab ko yun kahit masyadong grumpy.
Wala pa kase siyang nahanap na magdilig ng di pa namumukadkad na bulaklak niya. Hehehe!
"Hoyy!! Rhyzhen!"
Matinis na sigaw ng isang babae nang makaapak ako sa harapan ng department namin habang papalapit ito sakeng kinaroroonan. Naghihingalo itong napahawak saking mga braso ng makalapit na ito ng tuluyan.
"Baliw ka talaga!" naghihingalo pa ring asik nito na ngayon ay nakahawak na sa magkabilaang bewang nito habang pinaniningkitan ako ng tingin.
"Matapos kang gumawa ng eksena sa cafeteria nung unang araw ay bigla ka lang nawala! Ba't ngayon ka lang bumalik? Naging katatawanan ka tuloy dito sa skwelahan!" naiinis na asik nito.
Napairap na lang ako sa ere at nilagpasan siya. Wala akong pakialam kung naging ugat man ako ng katatawanan ng mga estudyante dito sa Silver Moon University. Pake ko sa kanila! I was just bringing my point across. Anong problema dun?
"Hoy! Teka lang! Bakit kase bigla kang nawala after nung komprontahan nyo ni Axel? Naging talunan ka pa tuloy sa mukha ng mga tropa ng unggoy na yun!" di mapakaling habol ni Inka saken, ang bespren ko.
"Inka! Ang aga pa! Paupuin mo naman muna ako..." reklamong asik ko na walang lingong pumasok na sa silid aralan namin saka pabagsak na umupo sa inuupuan ko.
"So..." panimula na namang tanong nito nang makaupo na sa tabi ko. "Anong tinitinginan nyo dyan!? Mga echoserang to!" galit pa nitong asik sa kaklase naming grabe makatitig samen, particularly saken.

YOU ARE READING
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...