𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇

6K 163 4
                                        

(づ ̄ ³ ̄)づ

_____

"Alright everyone. Line up!"

Galak na anunsiyo ni Kris sa humigit kumulang sa kinseng mga freshman at transferee na nakapasok sa final cut sa pa tryout ni coach Zari. Nakakasama man sa loob ngunit anim lang ang kukunin ni coach.


Dalawang pares ng double at dalawa ring single. Di bale magiging fourteen ang kabuuan ng badminton varsity ng SMU. Nag mamadali rin si coach na punan ang kulang namin dahil sa nalalapit na laban namin against New State. It's one week from now.


Buti nga dito na nila naisipang isagawa ang laro dahil nga sa nangyaring insidenteng kinasangkutan namin ni Sorana. Yung dalawang manyak na nang harass sa kanya ay di pala estudyante ng New state, sadyang open for all daw ang event na yon kaya malayang makalabas pasok ang mga outsiders sa skwelahan.


Ani pa ni Inka ay baka ganun daw talaga ang public school.


"Anyway, thank you so much for joining our tryouts. You guys are amazing!" ani pa ni Kris na ikihiyaw nila na puno ng galak. Di ko maiwasang mapangiti dahil naalala ko ang araw nung nag tryout rin ako.


Wala naman kase talaga akong planong seryosohin ang tryout nung mga panahon nayon. Sinusndan ko lang talaga nun si Sorana at nang nalaman kong parte pala siya ng badminton team ay sumali na ko. Ahahaha! Muntik pa akong di makapasok sa team dahil wala ako ni ka alam-alam sa larong to, buti fast learner ako kaya konting obserba lang sa iba ay goods na.


Tsaka sabi ni coach may natural talent daw ako sa larong to kaya pinagbigyan niya ako. Hehe~

"So one of this days, just within this week ay ilalabas na ang resulta ng tryouts niyo. Sorry kase we can't fully decide kung sino sa inyo ang makakapasok kase nasa seminar pa si coach Zaria ngayon but we guarantee that the selection were truly fair dahil mismo ang ace player namin na si Ms. Desmond ang umobserba sa inyo. Naintindihan niyo ba?" nag aalangang  pahayag ni Kris. Mabilis na tumango ang mga ito na parang agree naman sila ang ipinahihiwatig  ni Kris.


"Alright. If that's so, I'm looking forward in playing alongside you. Good luck everyone and have a great day!" puno ng hiyawan ang gymnasium sa sinabi ni Kris.


Buti naman walang nag protesta sa naging desisyon ng tryouts ngayon. Last year kase marami ang nagalit dahil sa naging unfair daw ang pagpili dahil di agad nilabas ang resulta. They claimed na luto daw ang tryouts na yon kaya nag decide si coach na di na lang kumuha sa batch na yon. Wala daw'ng manners eh!




"Rhye!" mahinang kinulbit ni Inka ang balikat ko kaya taas kilay kong tinignan ito. "May mga pulis na naman sa labas, gusto kang makausap about dun sa nangyaring insidente sa Suny Avenue."


Eto rin yung ikinadrain ko ngayong week eh. The metro police keep pestering me about those two man who harrass Sorana cause they suspected that they're the ones who behind the murder at Suny Ave, just around the corner of New state University. Wala silang mahanap na matinong witness at ebidensya kaya ako yung kinukulit nila kase baka daw may alam ako.


Like watdapak lang!? Nasa loob ako ng campus buong araw na iyon tapos ipinagtulakan nilang may alam ako? Bulshits! Di lang kase nila malapitan si Sorana dahil sa status nito kaya ako yung nag dudusa ngayon.  I just told them once about sa dugong nakita ko sa patalim nung lalaking akala ko kay Sorana na sinasabi niya ring di sa kanya kaya ayun may buntot na ang lola niyo.


Tch! Ganito ba iyong nararamdaman ni Sorana kapag binubuntotan ko siya? Kase nakakairita sa totoo lang!


"Don't mind them." ani ko at kapansin-pansin sa boses ko ang pagkairita at kawalang gana.


𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now