𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝙸𝙸

5.8K 159 18
                                        

“Rhyzhen.”

Tawag saken ni ate Jesse mula sa paghuhugas nito ng hugasin. Nilingon niya pa ako at pinaningkitan ng mga mata kaya kamot kamot ako sa batok pabalik sa inuupuan ko.

“May nangyari ba? Bakit an tamlay mo nitong mga nakaraang araw?” aniya na may halong pagbabanta sa tono nito na parang kung di ko siya sasagutin ng katotohanan ay malilintikan ako.

Napahahawak pa ako sa batok habang iniiwasan magtapo mga mata namin. “Wala naman ate. Napepressure lang ako sa darating na laro namin.” ani ko. May konting pag alinlangan pa sa boses ko.

Namunas muna ito ng mga basa nitong kamay sa apron na suot nito na bigay pa ni Inka sa kanya nitong 28th birthday nito. Ang gago gusto niyang makita kung paano maging housewive si ate, kung bagay ba daw sa kanya. Am puta! Tuwang tuwa naman nang pinagbigyan ni ate.

“Tsk! Nakita na kitang sumasabak sa mga laro, higit pa sa kung anong klaseng laro meron kayo ngayon. Hindi ka ganito kapag napepressure. Walang lungkot sa mga mata mo...”

Napahigit ako ng malalim na hininga sa sinabi nito. Wala talaga akong matatago kay ate. Kahit siguro plasteran ko ng nakangiting mukha pang habang buhay etong mukha ko'y malalaman niya pa rin.

“Tungkol pa rin ba to sa nangyari kay Desmond?” aniya pa.

Tukoy nito sa nangyaring harassment kay Sorana sa New state nung mga nakaraang linggo. Chinismis kase sa kanya ni Inka ang nangyari. Ayun galit na galit siya nang makauwi ako nun kinabukasan.

*ehem!* kinulong ako ng misis ko dun sa presidential suite nung araw na iyon at di pinauwi hanggang kinahaponan, kinabukasan. Oh diba? Haba ng baba ko! Ahahaha.

Wala eh! Sobrang madamot si misis ko saken. >~<

Wala naman talaga sana sa plano ko na ipaalam kay ate ang nangyari nung araw na iyon dahil alam kong magagalit siya at mag alala dahil matagal talaga akong maging ok kapag na titrigger ang trauma ko. Minsan umaabot pa ng buwan kung kaya't kakailanganin ko na naman sumabak sa therapy at ayaw na ayaw ko talaga nun.

Umiling ako sa tanong nito. “Ate. Okay na po ako.” malaking ngite kong sabi rito. “Naeexcite lang ako na kinakabahan para bukas. Pupunta ka po?” ani ko pa na may pa puppy eyes pa rito na ikinabungisngis naman nito saka ako inikutan ng tingin.

“Oo naman, I already cleared my schedule for tomorrow. Ito ang kauna-unahang laro niyo ngayong taon, diba?” tumango ako. “Right. You don't want me to miss that, aren't you?”

Masayang niyakap ko na lang ito. My ever loving ate Jessica Venn Domingo. She's such a great ate for me and I wouldn't trade her for any materialistic things in this world.

Naiinis na tinatapik nito ang braso ko nang magsawa na siguro siya sa akap ko. Sinimangutan pa ko nang maghiwalay kami sa yakap. Ay grabe! Best ate nga, grabe naman kung magbago ang mood. The best. Mapapanganga ka na lang.

Parang si Desmond lang kaso mas cute iyon kung magsisimangot ng walang dahilan kesa kay ate na parang pinalamon ng lemon sa lukot ng mukha nito. Hehe.

“Gago! Amoy putok ka! Muntik na kong mamatay sa hilo! Tangina ka!” sigaw niya pa. Mabilis naman akong napalayo rito at niyakap ang sarili habang panaka nakang inamoy ang sarili.

Tangina! Dalawa na sila ni Desmond kakasabi na mabaho ako! Tragis na yan! Di ako mabaho! Naliligo ako two times a day tapos palagi ko na ring nililigo ang isang bote ng perfume ko simula nang sinabihan ako ni misis ko na mabaho daw ako!

Tangina! Kulang na lang magbabad ako sa loob ng drum na punong puno ng mamahaling pabango!

“That's offensive!” ani ko rito na may pagkamaarte kuno. She just flipped me the bird saka inikutan ng tingin at walang pasintabing tinalikuran ako papuntang sala namin.

𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now