-
I restlessly swirl the pen on my fingers as I stare hardly at my seatwork. May long quiz kami ngayon kay Prof. Miranda, nasa pang huling item na ako ngunit tanging titig lamang ang ginagawa ko rito dahil natatanga ako sa tanong at wala ring pumapasok sa utak ko.
My mind is elsewhere right now. I can't seem to focus and it's going on for a week now. There's something bugging me but I can't seem to find what was it.
"Rhye!? Can you stop that!? Na didistrak ako!" giit na bulong saken ni Inka habang walang habas na nag s-solve ng problem sa scratch paper niya.
Napairap ako ng palihim rito ngunit itinigil ko na rin naman ang paglalaro ng ballpoint pen ko saka iyon inilapag sa itaas ng seatwork ko sabay sandal sa inuupuan ko't napabuntong hininga ng malalim.
"Okay, that's it! Sabihin mo nga saken kung anong nangyayari sayo nitong mga nakaraang araw?" si Inka na pabalang na inilapag din ang panulat sa mesa nito't humarap saken at pinaningkitan pa ako ng tingin.
Kinunutan ko siya ng noo, "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko pa rito. Napairap pa siya saken na parang napakatanga ko sa tanong ko sa kanya.
"This!" tinuro niya pa kabuuan ko, "You're always restless. You look worried all the time! May nangyari ba? Are you and Blanchette okay?" napaiwas agad ako ng tingin sa kanya ng banggitin niya si Sorana.
I mean we're okay, me and Sorana. Wala naman akong nakitang problema sa relasyon namin. We constantly hangout kahit madalian lang. We go on a casual dates here and there, nothing much else but I can't ignore the feelings I get every time whenever we we're alone together -that she's being distant and detached from me lately. Although she's trying her best to cover it up but I still saw past it.
Kung mag tatanong naman ako sa kanya kung may problema ba siya ay palaging sagot niya ay okay lang naman daw pero yung isinisigaw ng mga mata niya ay hindi. If I pressed for it more, she'll just divert the topic to other things. Halatang iniiwasan niya iyon.
Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ang mga kaganapan namin nitong mga nakaraang araw. It was like we were playing hide and seek. Nag hahanap ng sagot sa mga tanong na nakatago ang kasagutan.
"We're okay... I guess." na sambit ko na lang at napailig ang ulo sa sandalan ng inuupuan ko saka matamaang pinagkatitigan ang puting kisame ng klasrum namin.
"Are you sure? Napapansin ko lately di kaayo gaanong magkasabay. Kung magkasama man kaayo ay madalian lang. Bakit?"
"She's just busy. Ang hectic ng mga schedules niya at ang dami rin ng mga responsibilidad niya -dito sa school, sa kompanya nila at kahit sa pag aaral rin niya." Seryosong seryoso rin kase ito pag dating sa edukasyon niya. Marahang napatango naman si Inka sa paliwanag ko.
"Kung sa bagay." ani ni Inka at pinagpatuloy na ang ginagawa habang ako ay nanatiling nakatitig sa kawalan habang inaalala ang mga weirdong galawan ni Sorana sa tuwing magtagpo ang landas namin.
Matapos ang huling klase namin sa umaga ay inaya agad kami ng presidente namin sa aming klase na pumunta sa quadrangle at tumulong sa bubuuing booth namin para sa foundation week which is next week na. It's a photo booth. Simple lang, yes. Tamad kasing mag brainstorm ang kalahatan sa mga klasmates namin kaya ayun na lang ang sinudgest ni Pres.
Kontentong pinagmamasdan ko ang natapos kong parte na gagawin sa booth namin. Buti at madali lang gawin ang parte ko. Pag lalagay lang kase ng kurtina sa loob ng booth at pag ayos ng lighting ang saken. Unlike kay Inka na literal na karpentero ang Gaga. Sila ba naman ng karamihan sa boys namin ang nag patayo ng booth namin. Ksksks!

YOU ARE READING
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...