𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚅𝙸𝙸𝙸

6.6K 165 6
                                        


I gasped a full of air when I opened my eyes as the pain were currently tickling my nerves. My body's aching all over lalong lalo na ang sa tiyan ko banda. It's rapidly numbing my other senses and a scrutining pain is all I could feel.

Mabilis namang lumapat ang palad ko sa tagilirang banda ko dahil kumirot iyon ng todo nang umupo ako bigla mula sa pagkahiga dahil sa pagkataranta sa kalagayan ko ngayon. Nanlalaki pa mga mata ko dahil sa gulat at pagtataka kung ano nga bang nangyari saken at bakit ako nandito sa isang di pamilyar na silid.

“Tangina! Para naman akong matanda nitong nirarayuma!” reklamo ko nang sinubukan kong mag stretch na ikina laguto ng mga joints ko. Gagi! Instant senior citizen na ko lagay kong to.

Napadako ang tingin ko sa naglalakihang bintana ng kwarto. Gumagabi na pala. Saan ba ko at kailangan ko na ring umuwi baka nag aalala na saken sina ate at Inka. Iniwan ko pa naman backpack ko kay Inka at andun rin ang cellphone ko kaya di ako makahingi ng tulong sa kanya.



Pinakiramdaman ko ang sarili ko, bukod sa sakit ng katawan ay wala na akong kakaibang nararamdaman sa sarili. Infact ang gaan nga ng pakiramdam ko eh. Weird pero di ako mag rereklamo. Okay nga to eh!



Kahit na sa dami ng benda na nakapulupot saken ngayon na para akong sinasagasaan ng ten wheeler truck. May benda sa may tiyan ko, sa kanang braso at sa ulo ko na rin. Nagtataka nga ako bat may benda ako sa ulo, di naman ako nasagasaan ng sasakyan ano?



Hala! Baka nasagasaan talaga ako!? Pero di naman hospital room type tong silid na kinalalagyan ko. Infact ang gara nito, parang silid ng isang marangyang aristokrata. Amoy mayaman rin. May pa chandelier din eh! Taray!

O baka na reincarnate ako sa isa mga manwha na binabasa ko? Tapos isang makapangyarihang villainess ang pinalitan ko? Hehehe! Ang delulu ko talaga. Pero why not? Diba?

That's sounds exciting! Char!



Napatigil naman agad ako sa pagiging delulu nang makarinig ako ng mahinang ungol, boses babae iyon sa kaliwang bahagi ko kasabay nun ay ang paghigpit ng kapit ng makinis at maputing braso sa bewang ko.



Holy! May pinulot ba akong babae sa tabing daan? Di naman ako despirado ano? Dami na kong kasalanan sa misis ko! Huhu!

Unti-unti kong hinarap ang bulto sa tabi ko at maingat kong inalis ang comforter na nakatabing rito. Napalunok pa ko sa pasuspense ng galaw ko.



Bumungad saken ang isang babaeng ang himbing ng tulog. Nakaharap ito saken at ang higit pa ng yakap nito saken. Nag dadalawa nga akong hawiin ang mga buhok nitong nakatabing sa mukha niya baka kase bigla siyang magising at aakusahan ako ng sexual harassment. Mahirap na, di ko afford kumuha ng attorney if ever na kakasuhan niya ako.



Huhu ~ wag naman sana.



Gumalaw ulit ang babae kaya minadali kong binawi ang kamay na sana ay itatabi ang nakaharang buhok nito sa mukha nito. Umiba siya ng posisyon at nakatihaya na ito. Doon ko naman nakilala  kung sino tong lintang kapit na kapit saken.

Malaking ngiti naman ang namutawi saken mga labi habang pinagmasdan siyang nututulog ng mahimbing. A fucking creep move, yes but can you blame me? The love of my life is sleeping peacefully beside me, looking so divine as ever! No, right?



Ay! Ganyan kana pala ngayon misis ko ha? Clingy mo na saken! Yiiee!! Inlababo na ba yang abunjing ko na yan? Ahahaha!



Aliw na aliw kong ina-admire at hinahaplos ko ang facial features nitong di ko napansin na may dalawang naniningkit na palang mga matang nakatitig saken.

𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now