_
Mariing napabuntong hininga ako matapos makalabas ang huling estudyante sa lecture room namin pagkatapos kaming ma i-dismiss ni Ms. Cruz sa kanyang klase.
Nanginginig pa ang mga kamay kong napahilamos sa mukha habang sinusubukang pakalmahin ang nag ririgodon kong puso. My guard is all up since yesterday baka kase may bigla bigla na lang mananapak saken dahil nga sa nangyari sa cafeteria kahapon. Even right now na dalawa na lang kami ni Inka rito sa loob ng silid ay nakakaramdam pa rin ako ng hostility galing sa mga taong tutol sa amin ni Sorana.
Marami ang hindi nagustuhan ang rebelasyong ginawa ni Sorana kahapon. Halos lahat ng mga estudyante ng SMU ay galit at kinamumuhian ako at talagang hindi nila matanggap na may namamagitan sa amin ng reyna nila, especially yung mga hardcore shippers nila ni Zach, kulang na lang mag protesta sila. Kaya eto ako ngayon di mapakali dahil sa mga banta nila sa akin.
At gaya nga rin ng sinabi ni Sorana saken kahapon ay tinotoo nga niya. Her actions towards me became bold and showy, too much that it's hard to keep up with her. She became strict and bit of obsessive towards me, medyo natatakot na nga ako sa kanya dahil sa pinanggagawa niya ngayon.
Siya naghatid saken sa bahay kahapon, sinundo niya rin ako kaninang umaga sabay hatid saken dito sa room. Hindi rin siya umalis hanggat di pa nagsimula ang klase namin. Then there's this girl, classmate of mine, na sinupalpal niya ng kasungitan niya first thing in the morning dahil sa pagtitig nito sa akin, na halatang nagkataon lang rin. Hanggang sa matapos ang klase namin ay di na bumalik yung babae, siguro dahil sa hiya. Pinahiya ba naman ni Sorana sa harapan ng mga kaklase ko.
In that moment I've seen another version of Sorana that I thought she doesn't have and it was so damn terrifying. Her actions became unreasonable, even cruel. Yung pinanggagawa niya'y di na makatarungan. Di naman ata sinasadya nung classmate ko mapatingin sa gawi ko ngunit big deal na sa kanya iyon. Kung di lang ako nakisatsat sa kanila ay baka sobra pa sa ginawa niya kay Pres. Aiko ang gagawin niya sa babae.
Mas lalo tuloy'ng lumalim ang pagkadisgusto ng karamihan saken dito sa eskwelahan dahil sa pinag gagawa niya. May nakapagsabi ring ginayuma ko raw si Sorana kaya bigla na lang nagkakaganito raw ito sa akin. Like watdapak man!? Sa ganda kong 'to? Mang gagayuma lang?! Nakakainsulto ha! Wala ba silang bilib sa ganda ko? Hoy! Wag kayo! Ang gwapo ko raw sabi ni tatay Ben!
You think I should be happy right? Kase nga Sorana expresses her love for me at last but no, instead I feel uncomfortable and it's suffocating. I was in constant high alert. Ako kase ang sumasalo ng mga consequences ng mga ginagawa niya. They always turn blind eye to whatever she's doing because they can't retaliate so they'll come to me.
I'm know damn well that Sorana expresses her feelings the wrong way but I couldn't say anything about it, in the back of my mind I knew it's just how she expresses her feelings but I can't help but to feel hysteric towards her sudden change of attitude.
I'm so dumb, I shouldn't have push her on the edge. She's getting bit of extreme when it comes to show her pretension and it's literally scary seeing her loosing her cool and be violent everytime a girl or boy who will look my way. They always ended up humiliated or worse, kick out of her school.
"Rhye? Tapos ka nang mag ayos? Lunch na tayo." aya sa akin ni Inka mula sa pananahimik niya kanina pa. Pareha ko'y shock na shock pa rin yan sa pinanggagawa ni Sorana saken. Ayaw tanggapin ng isipan niya na nabubuang na saken si Sorana. Tumango ako matapos kong maisara ang zipper ng bag ko.
"Sasabay ka ba samin ni Cassey pupunta sa mall o mag papahatid ka sa nababaliw mo nang jowa?" aniya't umismid pa. Sinungitan rin kase siya ni Sorana dahil sa sobrang touchy niya raw saken. Binantaan pa siya na wag na daw maging clingy saken. Wala na talagang pinapatos ang misis kong yun.

YOU ARE READING
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...