Today is Friday. Medyo makulimlim ang langit ngunit di naman halatang uulan. Medyo mahangin at maginaw rin kaya eto ako balot na balot ng comforter habang nagkakape at nag babasa ng libro. Mukhang may paparating na bagyo ata eh, lakas kase ng hangin.
Nanginginig naman sa ginaw ang kamay kong inabot ang cellphone kong umiilaw ngayon sa ibabaw ng coffee table na kaharap ko. Si coach pala nag chat sa gc namin na walang training ngayong araw dahil nga sa baka maabutan daw kami ng bagyo sa eskwelahan gayong hindi maganda ang panahon ngayon.
Umingay naman ang kalahatan sa mga miyembro namin na puro pasasalamat kay coach dahil antaas daw ng weekends nila. Ahahaha! I literally feel them. Ngayon ay makapag relax na ako ng mahaba.
Pero kilala ko na si coach Zari, alam kong mag d-double time ito sa susunod na training para bumawi pero okay na yon, at least antaas ng araw kong magpakatamad bago iyon.
Nahihintatakutan akong napahawak sa dibdib ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa non ay si Ate Vivien na nakasimangot ngunit na gulat rin nang napatingin siya saken.
“Baby Rhye? Bakit nasa sofa ka't balot na balot ng comforter? Nilalagnat ka ba?” nag aalalang tanong nito saka ako nilapitan at sinuri ang noo ko. Namula tuloy ako dahil nakaamba talaga sa mukha ko ang dibdib nito. Naka spagetti strap top lang kase ito saka loose pants.
Grabe naman si ate, di ba siya giniginaw? Tho may heater naman ang kwarto ni Inka kaso di iyon enough sa sobrang ginaw ng panahon ngayon.
“Maginaw lang po ate, tsaka ang likot po ni Inka. Di ako makapagkape ng maayos.” turo ko pa sa queen size bed na katapat namin na magulo ang bedsheets at ang mga unan na nasa sahig na ngayon atsaka ang bobitang magulo rin ang posisyon ng pagtulog nito.
“This idiot!” buntong hininga ni ate saka pinulot ang unan na nasa paanan niya at lumapit sa mahimbing na natutulog na kapatid nito saka niya pinaghahampas ng unan sa gigil.
Gulat at pagtataka namang napabalikwas ng bangon ang isa at sinasangga ang braso't kamay nito sa mukha kahit na tumigil na sa pag hampas si ate Vivien ng unan sa kanya. Naalimpungatan pa nga ang gaga.
“A-ate naman! Ba't nang hahampas kayo jan!? Masakit po yung ulo ko!” reklamo ni Gaga sa ate nitong umuusok ang ilong sa galit. Hinampas ulit siya nito at dinuro pa. Damn! Nakikita ko si Tita Antonette sa kanya. Nakakatakot kase iyong magalit, parang bulkang sumasabog.
“Ba't ka kase napakalunod sa alak! Huh?! At pinuwerwisyo mo pa si baby Rhye, kakaalaga sayong lasenggera ka!” at sinabunutan na talaga siya ng ate niya. “Pasalamat ka't wala si mommy at daddy ngayon!!”
Pagkasundo ko kase sa kanya kaninang 3ish or 4 something am kela Cassey ay inuwi ko na siya kaagad nang malaman kong wala si tita at tito. Nasa Honolulu, Hawaii daw sila, outing daw nila ng mga kumare at kumpare nito sa country golf club na sinalihan, tatlong araw simula kahapon.
Hiyang hiya na rin ako sa daddy ni Cassey dahil sa parating bagsakan namin ang bahay nila sa tuwing nawawalan kami ng malay dahil sa kalasingan.
Muntik pa ngang maisugod sa ospital yang bobitang Inka na yan ng mag ka alcohol intoxication siya kaninang madaling araw, mga 3 am ata yun nang tinawagan ako ni Cassey. Kaya kahit ayokong iwan si Sorana sa penthouse sa pagmamay-ari nitong condominium, ay wala akong choice. Sinabon pa 'ko ng mura nun bago ako pinaalis sa bahay nito. Muntik na rin kaseng himatayin si tito Bern, daddy ni Cassey dahil sa kalagayan ni Inka.
Buti until 2 am lang ang shift ni ate Vivien kaya maaga siyang umuwi kanina. Tinawagan niya ako nang icheck niya ang kwarto ng kapatid ay wala ito ron. Di ko naman maatim na mag sinungaling sa kanya gayung nag aagaw buhay na rin kapatid niya kaya sinabi ko sa kanya ang sa tingin ko'y nangyari. Kaya ayun naabutan na nga niya ang kapatid na muntik nang ikamatay ang alak.

YOU ARE READING
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...