( ^ ᴗ ^ )ε^ )—
Mag tatatlong oras na akong na stranded dito sa waiting shed habang nag hihintay ng masasakyan dahil ang lakas talaga ng pagbuhos ng ulan.May binigay rin saken na payong si Ms. Sarah, office mate ni ate kaso di rin ito umobra sa lakas ng hampas ng hangin at ulan. Binabaha na nga rin ang kalsada eh.
Gumagabi na rin at madalang na lang ang mga sasakyang pampasahero ang dumadaan rito. Di rin ako makahingi ng tulong kase saktong lowbat ang selpon ko.
Dala ko naman ang motor ko kaso ayokong mapahamak kapag magmomotor pa ako sa ganitong kasama ng panahon. Ma-aksidente pa lang ako, tapos tong storyang to. Chariz!
Iniwan ko ito sa isang convinence store na malapit lang rin sa Desmond Corp. na bukas 24/7. Babalikan ko na lang iyon bukas kapag okay na ang panahon.
Tsk! Sunod-sunod ata kamalasan ko sa buhay ngayon!
Inalis ko ang bonnet na suot kase tumutulo na rin ang tubig ulan rito saka iyon piniga at pinagpag para matuyo naman ito kahit konte saka ulit sinuot, nasanay kase ang ulo kong may nakalagay rito, saka sobrang ginaw beh! Nakasando lang ako. Yung jacket na suot ko naman kanina ay pinangbalot ko sa bento box upang di mabasa. Maayos iyong nakahanay sa tabi ko.
Di ko magawang itapon o kahit kainin ko na lang. Ewan ko, it feels like a crime in doing so. Kahit hiniling ni ate saken na ibigay ko na lang sa kanya ay di ko pa rin ito pinagbigyan. May pumipigil saken.
Alam kong nag aalala na rin si ate Jesse saken na alam kong nakauwi na sa ngayon gayung kaninang alas dos pa ko nag paalam rito na mauna na akong umuwi tapos alas cinko na, wala pa rin ako sa bahay.
Siguradong babaha rin notification ko sa mga miss call nito at text messages.
Busy ako sa kakabilang ng mga sasakyan na dumadaan sa harapan namin dahil sa kaboredan ko sa buhay nang may mabilis na dumaan na isang itim na sasakyang familiar masyado saken kasabay nun ay ang pagtalsik ng tubig na naipon sa bukana ng drinage papunta sa gawi namin at ang gulat na pagsigaw ng dalawang estudyanteng kasama ko ngayon.
Potah! Imbis na unti unti nang natutuyo ang damit na suot ko ngayon ay basang basa na naman. Letse! Malunod sana sa sabaw ang nagmamaneho nung sasakyan!
Inis na pinahiran ko ang basang mukha at chineck kung okay lang ba yung dala ko. Buti naman ay di lumusot ang tubig sa loob. Makapal kase talaga ang suot ko na jacket kanina.
“Naman oh! Napaka walang modo naman ang nagmamaneho nun!” reklamo nung estudyanteng napagitnaan namin nung isa. Kita sa mukha nito ang galit sa nangyari habang pinupunasan nito ang salamin sa mata.
Sumang-ayon naman yung isa, magkakilala ata silang dalawa. Parehong uniporme ang suot nila. They're from New State University na walking distance lang mula dito sa waiting shed.
“Nakakagigil!!” aniya habang pabagsak na inilapag sa upuan ang kaninang yakap-yakap na libro. Ramdam na ramdam ko ang gigil nito habang pinapanood ang pag aalburuto nito. She seems familiar.
Nakita ko na siya somewhere kaso di ko lang matandaan kung san.
“Miss? Sayo na to.” agaw pansin kong alok rito ng jacket. Basang basa kase ito at bumabakat na ang bra na suot, baka mabosohan si ate. Mabuti pa yung isang kasama namin ay hindi siya gaanong basa nasa pinakasulukan kase ng waiting shed at may suot ring cardigan.
Gulong gulo naman itong babaeng inabutan ko ng jacket at pabalik-balik ang tingin saken at sa jacket ko na hawak.
“Suotin mo na. Don't worry, di basa ang sa loob niyan.” tipid na ngiti kong saad rito. Nag aalinlangan pa nitong tinanggap ang alok ko at nang dumukwang siya konti saken para kunin ang jacket ko ay don ko siya talaga namukhaan.

YOU ARE READING
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...