Rhyzhen Veille,—
It's already 9 am nang magising ako kinabukasan. Medyo nagulat pa nga ako dahil umabot ako sa ganitong oras nagising, walang Inka na sumisigaw habang sinisira ang pagtulog ko. Siguro ay tulog pa rin iyon o ginugulo na naman ang mga trabahador sa ransohan. Mahilig kase iyon itakas ang kabayo niyang si Hercules tapos papagurin niya ito ng husto. Kaya palaging napapagalitan ng Lolo niya.
Kahit bangag pa ako ay pinilit kong mag ayos na ng sarili dahil sa may hangover pa rin ako, nagpakalasing kase kami nina Inka kagabi, selebrasyon daw, kasama sina kuya Lucien, Kuya Rain at Andrea tapos sina Sorana, ate Vivien at ate Jesse ko ay tamang movie marathon naman at dinamay pa ang mag kambal na takot pa sa horror movie na pinapanood nila.
Looking at my appearance right now, I look so beaten up, dark circles under my droopy eyes na halatang-halatang may hangover talaga ako but there's nothing a hot shower can fix! Hehe!
Di na ako gumugol pa ng ilang oras sa pag ayos sa sarili ko at bumaba na sa kusina dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. Nadatnan ko sa dinning room si kuya Lucien at Fester na kumakain ng agahan nila.
Like me, they look so over in everything and it's clearly they haven't had enough sleep too.
“Morning Rhye! Sabayan mo na kaming kumain!” galak na anyaya saken ni kuya Lucien at itinuro pa ang upuang kaharap niya. Tumalima naman ako sa alok nito dahil tinatamad na rin akong gumawa ng agahan ko gayung medyo nahihilo pa rin ako. Umupo na 'ko sa tabi ni Fester na lamon pa rin ng lamon. Parang maubusan lang eh no.
“Mornin' Fes...” ako habang humahain ng pagkain na kakalapag lang ng isang katulong para saken. Nagpasalamat na rin ako sa katulong na ikinatango naman nito ng mabilis at lumabas na ng silid.
“Morning po ate Rhye.” paos na bati saken pabalik ni Fester. Natawa naman ako sa boses nito na ikinapula niya ng husto. Napaos ata kakasigaw sa takot sa pinanood nila kagabi. Ginulo ko naman ang buhok nito na ikinanguso nito sa hiya.
“They're at the vineyard, if you're wondering.” ani ni kuya Lucien kaya napatingin ako sa kanyang gawi. “Binilin saken ni Vien na sabihan ka incase na maghanap ka sa kanila.” marahang napatango naman ako rito at saka nagpasalamat.
“Ms. Blanche wanted to wait for you but Vivien urges her to come with them to the wine tasting Lolo Zin's hosting right now.” aniya pa.
Wala rin akong choice kundi bilisan ang pagkain ko at baka mahuli pa ako atsaka excited na rin akong makita si Sorana. Damn! Just thinking about her makes my heart flutter and made me giddy like a lovesick crackhead!
“Damn! Nakakasilaw naman yang ngiti mo Rhye! Halatang inlab na inlab eh!” pabirong komento pa ni kuya habang nakangising asong nakatitig saken. Namumula naman akong napayuko na lang sa hiya.
Happiness is understatement to say what I truly feel right now, I feel beyond that. It feels so refreshing and serene. I've never been so calm and at ease in my whole life not until now. Parang kailan lang ay pinapangarap kong maging sa akin si Sorana.
Noong marealise ko dati na hulog na hulog na pala ako kay Sorana ay nanlumo ako dahil alam ko naman sa sarili ko na ang layo at imposible niyang abutin, na ibang iba siya sa tulad ko. Ilang beses niya na ring pinamukha saken na hinding hindi niya ako papatulan o kahit bigyang pansin man lang.
Di ko na nga mabilang kung ilang beses na ba ako nitong binasted, more than hundreds na nga ata eh but look at where we are right now... Girlfriend ko na siya. Akin na talaga siya.

YOU ARE READING
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...